Narinig niyo na ba ang sakit na bronchiolitis? Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang karanasan tungkoll sa sakit na ito, na karaniwang napapalala dahil sa maling diagnosis. Sa isang Facebook post, na na-share na ng higit sa 25,000 beses, kinuwento ni Beth Foster ang kaniyang dalamhati, at nagbigay siya ng babala sa lahat ng magulang.
“It starts with just a simple cough and cold and can turn to so much more within hour, [Nagsimula ito sa simpleng ubo at sipon, ngunit maaaring lumala sa loob lamang isang oras,]” aniya sa kaniyang post. Dagdag niyang isinalysay kung paanong nag-agaw hininga ang anak na si Myah.
Dinala niya ito sa doktor ng Martes, at binigyan lamang siya ng eye drops para sa nagmumutang mata. Wala pa daw anumang paghihirap ang nakita sa sanggol nung una.
Nang biglang nag-iba na ang kulay ni Myah dahil sa malalang pag-ubo at hirap sa paghinga, saka pa lamang nalaman na ito ay bronchiolitis.
Screenshot from Beth Foster’s Facebook page
Nasa isang Christmas party sila noon nang magkaron ng sunud-sunod na pag-ubo si baby Myah. Naging kulay purple na ang sanggol sa loob lamang ng 15 segundo, kwento ni Foster. Akala niya noon ay dahil lang ito sa napakalamig na panahon.
Tumawag sila sa emergency hotline ng doktor, pagkatapos ay isinugod na ang bata sa ospital—sa payo na rin ng doktor.
Sa ospital nila nalaman mula sa mga doktor doon na may mas malalang sakit si Myah. Dapat pa nga daw ay ambulansiya ang nagdala sa kaniya. Walang kamalay-malay si Foster kung gaano kalubha ang kondisyon ng anak hanggang sa puntong iyon.
Dito na naisip ng ina na ibahagi sa iba ang karanasang iyon noong Disyembre 2017, dahil sinabihan na silang hindi lang isang linggo sila mananatili sa ospital. Noon na ikinabit ang napakaraming machines kay Myah, na naka-admit na sa high dependency unit ng children’s ward. Naka-oxygen, may feeding tubes at kinailangang saksakan ng pampatulog para lamang makapagpahinga.
Si Myah ay ipinanganak lamang noong Nobyembre 2017. Isang buwang gulang pa lamang siya noon.
Sa pagtatapos, hinikayat ni Foster ang mga magulang na huwag maliitin ang ubo at sipon, at huwag mag-atubiling dalhin agad sa doktor at patingnan ang mga anak, lalo na kung sanggol pa lamang.
Wala nang mas nakakadurog ng puso, pagtatapos ni Foster. Kahit na ubo at sipon lamang, patingnan agad sa doktor, hikayat niya sa lahat. “Please spread awareness as before all this we didn’t even know what bronchiolitis was, [Pakikalat ang impormasyong ito para malaman ng lahat, dahil ni hindi namin alam kung ano ang bronchiolitis],” diin niya.
Sintomas ng Bronchiolitis na dapat malaman ng mga magulang
Ang Bronchiolitis sa mga bata ay isang viral lung infection na nagiging sanhi ng pamamaga at pagbabara ng pinakamaliit na air passage ng baga, na tinatawag na bronchioles.
Kadalasang mga sanggol na may gulang na 3 hanggang 9 na buwan ang tinatamaan nito. Ang mga sumusunod ang kadalasang at risk:
- Mga sanggol na pinapasuso ng ina o breastfed
- Mga ipinanganak nang wala sa termino o premature
- Mga ipinanganak ng may sakit sa puso o baga
- Mga sanggol na may problema na sa immune system pagkapanganak
- Mga sanggol na exposed na sa secondhand smoke
- Mga sanggol na na-expose sa virus sa mga mataong lugar
Maging alerto at mag-ingat dahil ang bronchiolitis ay karaniwang napapagkamalang ubo at sipon lamang. Narito ang iba pang mga sintomas:
- Hirap sa paghinga
- Wheezing, crackling o rattling na tunog ng baga
- Bluish o purplish na kulay ng balat dahil nga kulang na sa oxygen
- Fatigue o labis na pagkapagod
- Ubo
- Lubog ang ribs kapag humihinga (sa mga bata)
- Labis na paglaki ang butas ng ilong kapag humihinga (sa mga sanggol)
- Mabilis na paghinga, na parang naghahabol
Para sa mga bata, kailangang dalhin agad sa ospital para ma-admit. Sa ospital, kailangang bigyan ng oxygen, nebulizer, at ntravenous fluid treatments. Nagbibigay din ang doktor ng medikasyon para buksan ang baradong bronchioles ng sanggol.
Kapag pinayagan nang ma-discharge sa ospital, ang mga batang nagkaron ng bronchiolitis ay mangangailangan ng sapat na pahinga at fluids para ma-rehydrate.
Siguraduhing walang mga kemikal at usok na masisinghot ang sanggol pagdating sa bahay. Makakatulong ang paggamit ng humidifier.
Inaabot ng isang linggo bago tuluyang gumaling ang pasyente.
Tinanong namin si Beth Foster para malaman ang buong kwento tungkol sa kondisyon ni Myah. Narito ang Facebook post niya.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Bianchi Mendoza.
READ: 6 Ways to calm a child’s cough the natural way
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!