2-month old baby nag-positibo sa COVID-19, kasalukuyang asymptomatic

Paano nga ba nahahawa sa sakit na COVID-19 ang mga sanggol at paano sila maiiwas rito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2-month old baby asymptomatic COVID-19 positive! Narito kung paano nga ba nahahawa sa sakit na COVID-19 ang newborn baby.  At ang mga paraan kung paano sila maiiwas at mapoproteksyonan mula dito.

Baby asymptomatic COVID-19 positive

Base sa pinaka-latest na COVID-19 case bulletin na inilabas ng Department of Health ay may isang 2-month old baby ang lumabas na positibo sa sakit sa Western Visayas. Ang sanggol ay isang lalaki at nagmula sa Moises Padilla, Negros Occidental. Ito ngayon ang itinuturing na pinakabatang biktima ng sakit sa rehiyon.

Image from Freepik

Bagamat positibo sa sakit, ang baby ay hindi nagapapakita ng sintomas ng sakit o asymptomatic.

Ayon sa Western Visayas Center for Health Development, ang baby na asymptomatic at COVID-19 positive ay kasalukuyang inoobserbahan sa isang quarantine facility.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng naitalang 353 kaso ng COVID-19 sa buong Western Visayas. Nasa 11 sa mga ito ang nasawi, 148 ang naka-recover at 194 ang nakikipaglaban parin sa sakit. Halos 69 percent naman ng kabuuang bilang ng positibong kaso ng sakit sa rehiyon ay binubuo ng mga nagbalik na OFW mula sa ibang bansa at locally stranded individuals na nagmula sa Maynila.

Pumalo naman sa bilang na 38,805 ang bilang ng kaso ng sakit sa buong bansa. Nasa 1,274 na ang mga nasawi at 10,673 na ang tuluyang gumaling at naka-recover.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID-19 sa mga baby

Image from Freepik

Sa ngayon, nanatili paring pangunahing paraan upang mahawa ang sanggol sa sakit na COVID-19 ay kapag na-expose ito sa virus. O kaya naman ay kapag nagkaroon ng contact sa taong infected ng sakit. Dahil base parin sa mga pag-aaral, ang COVID-19 transmission mula sa isang buntis at sa kaniyang sanggol na dinadala ay may mababang posibilidad. Hindi rin ito basta maipapasa sa pamamagitan ng kaniyang breastmilk. O kapag ang sanggol ay ipinanganak ng normal o sa pamamagitan ng vaginal delivery.

“We wanted to look at the outcome for babies whose mothers contracted the virus and see if the route of birth, method of infant feeding and mother/baby interaction increased the risk of babies contracting the virus. From our results, we are satisfied that the chance of newborn infection with COVID-19 is low.”

“We would also stress that a vaginal birth and breast feeding are safe for mothers who find themselves in these circumstances.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Kate Walker. Isang clinical associate professor of obstetrics mula sa University of Nottingham at nanguna sa pinakabagong pag-aaral tungkol sa COVID-19 sa mga baby.

Sintomas ng COVID-19 sa baby

Ayon naman sa pediatrician na si Dr. Gel Maala, ang sintomas ng COVID-19 sa baby ay tulad lang din sa mga matatanda. Ilan nga sa palatandaan nito ay ang pagkakaroon ng ubo, sipon, lagnat at hirap sa paghinga. Kaya naman sa oras na mapansin na ang iyong baby ay nagpapakita ng nasabing sintomas, mabuting dalhin na agad siya sa doktor. Upang siya ay matingnan at malaman kung positibo ba siya sa sakit. Dahil kung mapabayaan ang sakit ay maaring magpahirap sa mahina pang katawan ng iyong anak.

Base naman sa pag-aaral na isinagawa nila Dr. Walker na nailathala sa journal na BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, karamihan ng mga sanggol na lumabas na positibo sa sakit ay mga asymptomatic o hindi nagpapakita ng kahit anumang sintomas.

Ayon naman sa isang pahayag ng CDC, ang mga sanggol ay hind nakakaranas ng malalang sintomas ng COVID-19 kumpara sa mga matatandang tinamaan ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano maiiwas si baby sa sakit

Image from Time

Samantala, para naman maiwas at maprotektahan si baby sa sakit na COVID-19 ay ito ang maari mong gawin.

  • Huwag na munang ilabas o dalhin sa matataong lugar ang mga baby at bata. Ito ay upang hindi sila ma-expose sa mga germs at viruses na maaring magdulot sa kanila ng sakit.
  • Para sa mga adults, kailangan ding ugaliin ang strict at proper handwashing bago hawakan si baby. Gawin din ito sa kaniya lalo na kung siya ay nakakahawak ng maruming bagay.
  • Siguraduhin ding laging hydrated si baby. At palakasin ang kaniyang immune system sa pamamagitan ng pagpapakain sa kaniya ng mga prutas na rich in vitamin C.
  • Ang paggamit ng air purifiers na may HEPA filters ay makakatulong upang masigurong malinis ang hangin na umiikot sa loob ng ating bahay.
  • Iwasang halikan si baby. Dahil maraming germs at viruses na kumakapit sa katawan nating mga adult na para sa atin ay harmless. Pero para kay baby ay delikado at hindi na kayang labanan ng mahina pa niyang katawan.

Ayon naman kay Franka Cadée, presidente ng International Confederation of Midwives, sa panahon na ito ay dapat itinatanong ng mga buntis ang kanilang midwifes o health care professional kung saan pinaka-ligtas na sila ay manganak. Dahil may opsyon naman na gawin ang homebirth delivery, bagamat ito ay nakadepende sa kondisyon ng kanilang pagbubuntis.

“Women should ask their midwife [or health care professional] what they feel is the safest place for them and how precautions are being taken from situation to situation. It depends on the woman, on her situation and on the healthcare system.”

Ito ang pahayag ni Cadée.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources:

ABS-CBN News, Science Daily, CDC

Basahin:

Paano maiiwasan ang dengue ngayong mayroong COVID-19?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement