Paano maiiwasan ang dengue ngayong mayroong COVID-19?

Paano maiiwasan ang dengue ngayong mayroong COVID-19?

Sa panahon ng tag-ulan, dito na naglalabasan rin ang maraming lamok na may dalang sakit. Paano nga ba maiiwasan ang dengue?

Habang mayroon pa tayong kinakaharap na COVID-19 pandemic, isang sakit na naman ang lumilitaw ngayon dahil tag-ulan na rin. Ito ang delikadong dengue na kailangang bigyan ng pansin. Paano  nga ba maiiwasan ang dengue at tuluyang malayo ito sa iyong pamilya?

Dengue sa Pilipinas

Ayon sa World Health Organization, as of June 2020, mababa ang naging rate ng dengue ngayong tao at umabot ito ng 91%. Mababa na ito kumpara noong nakaraang taon. Nasa 49,234 dengue cases ang naitala ngayong taon habang 86,011 na kaso naman nag nakaraang taon.

paano-maiiwasan-ang-dengue

Paano maiiwasan ang dengue? | Image from Unsplash

Ngunit hindi pa rin tayo dapat makampante dito. Dahil ang mga lamok ay mayroon pa ring dalang sakit na maaaring maging banta sa buhay ng iyong pamilya.

Sa pagdaan ng mga araw, tumataas ang pag mature at breeding mga mga lamok. Ito ang dahilan ng mabilis nilang pagdami na nagiging cause rin ng mataas na kaso ng dengue.

Dahil sa araw-araw na pag ulan, ang mga tubig ulan ay naiimbak s mga estero, bubong o madidilim na lugar. Dito namamahay at nangingitlog ang mga lamok.

Karaniwang nararanasan ng mga taong may dengue ay ang mataas na lagnat na ilang araw na ring tumatagal.

Epekto ng Dengue

Dahil dito, sa una ay hirap ang mga doctor na tukuyin ang mataas na lagnat kung ito ba ay dengue o COVID-19.

Ito ay dahil may magkaparehas na sintomas ang COVID-19 at dengue. Katulad na lamang ng lagnat, pananakit ng mga muscle, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.

paano-maiiwasan-ang-dengue

Paano maiiwasan ang dengue? | Image from Unsplash

Bukod dito, posible pa rin na maranasan ng isang tao ang magkaroon ng dengue at COVID-19 dahilan para mahirapan ang doctor na tukuyin ito. Hindi rin makukumpirma ang sakit dahil lang sa kinuhang blood sample sa pasyente.

Sa isang kaso ng pasyenteng nakakaranas ng lagnat at pananakit ng muscle, siya ay kinuhaan ng samples at napagalamang positibo sa dengue. Ngunit sa iba pang pag-aaral sa kanya, nakumpirmang siya pala ay may COVID-19 at hindi dengue.

Maaari ring magbigay ng maling resulta ang mga test sa platelet count at liver sa isang pasyenteng suspect ng COVID-19 at dengue.

Paano kumakalat ang dengue?

Hindi nakakahawa ang dengue from person to person kagaya ng COVID-19. Nakukuha ang dengue dahil sa kagat ng lamok na mayroong dalang sakit. Hindi mismo nahahawaan ng sakit ang mga lamok dahil sila m ismo ang may dala nito once na kinagat ka nito para sa dugo.

Dahil sa COVID-19, naging mabilis lang ang pagkalat ng dengue sa mga tao. Katulad ng COVID-19 wala pa mismong gamot para sa sakit na ito. Ang tanging paraan lang para mawala ito ay matigil ang pagkalat.

paano-maiiwasan-ang-dengue

Paano maiiwasan ang dengue? | Image from Freepik

Paano makaiwas sa dengue? Itigil ang breeding

Para matigil ang pagkalat ng dengue, kailangan natin silang pigilan na magpadami. Bukod sa mga empty construction yards, sila ay nabubuo rin sa ating mga bahay.

May payo at paalala naman ang NEA dito. Makakatulong para hindi pagbahayan at itlogan ang simpleng paglinis sa mga timba, flower pot, vase, gutter. Siguraduhin na ito ay walang tubig at lagyan rin ng Bacillus thuringiensis israelensis (Bti). Isang insecticide na makakatulong sa pagpigil ng mga lamok. Sa loob naman ng bahay, maaaring mag-spray ng insecticide rin sa madidilim na sulok nito. Dito kasi kadalasang namamahay ang mga lamok katulad sa gilid ng sofa, kama, likod ng kurtina, toilet at mismong sa bintana.

Maaari ring maglagay sa balat ng mga mosquito repellent para masigurong hindi makakagat ng lamok.

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

#AskDok: Nakakahawa ba ang sakit na dengue?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner