COVID 19 test kits Philippines: Narito ang pagkakaiba ng PCR, rapid test at saliva test sa pagtukoy kung ang isang tao ay infected ng COVID-19. Pati na ang mga FDA approved COVID 19 test kits na maaring mabili dito sa Pilipinas.
COVID 19 test kits Philippines
Ang pagsailalim sa COVID-19 testing ang pangunahing paraan upang matukoy kung ang isang tao ay infected ba o hindi ng nakakahawang virus. Kung iyong maririnig ay may iba’t-ibang uri nga nito. Mayroong tinatawag na PCR test, rapid test at ang saliva test. Malamang tulad ng karamihan ay nagtatanong at naguguluhan karin sa kung ano ba ang pinagkaiba ng mga test na ito sa isa’t-isa. Kaya naman ngayon ay iisa-isahin natin kung paano sila isinasagawa at ano ang gamit nila.
Ano ang RT-PCR test?
Ang RT-PCR o real time polymerase chain reaction test ay kilala rin sa tawag sa swab test. Dahil upang masagawa ito ay kinakailangan ng nasal swab o nasal secretions ng isang taong nagpapakita ng sintomas at hinihinilang infected ng COVID-19.
Sa pamamagitan ng RT-PCR test ay nadedetect ang presence ng COVID-19 genetic material sa katawan. Kaya naman nagkakaroon lamang ng positibong result sa test na ito kung infected na nga ng sakit ang isang tao. Ngunit ganoon pa man ang isang taong infected ng sakit ay maaring magkaroon parin ng false negative result sa PCR test. Ang false negative result ay nangangahulugang ang isang tao ay infected ng sakit ngunit ang resulta ng test niya ay negative.
Paliwanag ng isang artikulong inilabas ng Harvard Medical School, nangyayari ito kapag hindi tama ang pagkuha ng swab sample. O kaya naman ay isinagawa ang test ng masyadong maaga matapos ang exposure sa sakit. Kaya naman payo ng mga health experts sumailalim sa RT-PCR test ng 7-8 araw matapos ma-expose sa sakit. O kaya naman ay 3-4 na araw matapos makaranas ng sintomas ng sakit.
Samantala, lumalabas naman ang resulta ng RT-PCR test sa loob ng 3-5 araw matapos makuhanan ng swab sample ang suspected COVID-19 patient. Sa mga araw na ito ay pinapayuhan ang mga sumailalim sa RT-PCR test na i-isolate ang sarili at huwag na munang makikihalubilo sa ibang tao. Ito ay upang sa kung sakaling siya ay positibo sa sakit ay hindi niya na ito maihawa pa sa iba.
Ang swab test ay magagawa lang ng mga clinic o ospital na mayroon ng angkop na kagamitan.
Rapid antibody test o blood test
Ang isa pang uri ng COVID-19 test kit na available dito sa Pilipinas ay ang Rapid Antibody Test o RAT. Sa pamamagitan ng test na ito ay natutukoy kung ang isang tao ay nagtataglay ng specific antibody laban sa COVID-19 sa kaniyang dugo. Ang antibody na ito ay pinoproduce ng katawan isa o dalawang linggo matapos magkasakit ng COVID-19. Dito sa Pilipinas ay ginagamit ang test na ito sa mga taong na-exposure sa sakit ngunit asymptomatic o hindi nagpapakita ng sintomas. O kaya naman upang masiguro kung ang isang tao ay tuluyan ng naka-recover mula sa sakit.
Upang masagawa ang rapid antibody test ay kinakailangan ng blood sample ng isang tao. Hindi tulad ng swab test ay mas mabilis na makukuha ang resulta ng rapid test. Maaring ang resulta nito ay lumabas sa loob lang ng isang oras hanggang 2 araw. Lumalabas lang na positibo ang resulta ng rapid test kapag nagtataglay na ng COVID-19 antibody ang isang tao. Nangangahulugan ito na siya ay na-expose sa sakit. Bagamat ito ay hindi nagsisiguro na siya ay may immunity na laban sa virus.
FDA approved COVID-19 test kits sa Pilipinas
Ayon sa FDA, narito ang mga approved rapid antibody test na mabibili dito sa Pilipinas.
-
NANJING VAZYME 2019-nCoV IgG/IgM DETECTION KIT
Manufacturer: Biolidics Limited. – 37 Jalan Pemimpin, #02-07, Mapex, Singapore
-
NOVEL CORONAVIRUS (2019-NCOV) IgM/IgG ANTIBODY DETECTION KIT (COLLOIDAL GOLD METHOD)
Manufacturer: Nanjing Vazyme Medical Technology Co., Ltd – Level 1-3, Bldg. C2, Red Maple Sci-Tech Park, Kechuang Road, Nanjing China
-
DIAGNOSTIC KIT FOR IgM/IgG ANTIBODY TO CORONAVIRUS (SARS-CoV-2) (COLLOIDAL GOLD)
Manufacturer: Zhuhai Livzon Diagnostic Inc. – 1st Building, No. 266, Tongchang Road, Xiangzhou District, Zhuhai, Guangdong Province, People’s Republic of China
-
2019-nCoV ANTIBODY TEST (COLLOIDAL GOLD)
Manufacturer: Innovita (Tangshan) Biological Technology Co., Ltd. – No. 699 Juxin Street, High-Tech Industrial Development Zone, Qian’an 064400, Hebei, China
-
SARS-CoV-2 ANTIBODY TEST (LATERAL FLOW METHOD)
Manufacturer: Guangzhou Wondfo Biotech Co., Ltd. – No. 8 Lizhishan Road, Science City, Luogang District, 510663, Guangzhou, People’s Republic of China
Saliva test
Nito lamang Abril ay inaprubahan ng FDA ang pagsasagawa ng saliva test para matukoy kung infected ng sakit ang isang tao. Halos katulad ito ng procedure sa swab test. Ang kaibahan lang ay saliva o laway ang kinukuhang sample upang matukoy kung nagtataglay ng genetic code ng sakit ang katawan ng isang tao. Base sa mga isinagawang obserbasyon, naging malaking tulong ang saliva test upang mabawasan ang risk ng COVID-19 sa mga health care professionals.
Source:
Talk To Mira, FDA
Basahin:
Mga paraan para makaiwas sa mga asymptomatic COVID-19 patients
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!