Ang anak ng mag-asawang si Isabelle Daza at Adrien Semblat na si Baby Baltie ay nabinyagan na. Nangyari ang binyagan sa France, kung saan nakatira ang mga kamag-anak ni Adrien.
Dagdag pa ni Isabelle, gusto raw niyang sa France binyagan si Baby Baltie “to share milestones with his French family.”
At kitang-kita naman sa mga larawan na inupload nila sa social media, mukhang tuwang tuwa ang pamilya ni Adrien kay Baltie!
Baby Baltie, bininyagan sa France
Isa nang Kristiyano si Baltie matapos siyang binyagan noong December 23. Ito ay halos 8 buwan matapos siyang ipanganak noong April 1. Naganap ang binyagan sa isang simbahan sa Alsace, France.
At siyempre, nagkaroon ng salo-salo ang kanilang pamilya, kung saan kitang-kitang busy sa pagkain si Baltie.
Siyempre, nagbahagi rin ng mga larawan sa social media ang mga tito at tita ni Baltie.
Heto ang kaniyang tita:
At ito naman ang tito ni Baltie:
Kasama rin daw ni Isabelle ang ina niyang si Gloria Diaz, partner nitong si Mike de Jesus, at mga kapatid na si Ava at Raphael.
Sama-sama silang nagdiwang ng Pasko sa France.
Source: ABS-CBN News
Basahin: Isabelle Daza shares a photo of her newborn baby boy!