Sa unang mga buwan ng pagkalat ng COVID-19, ang buong akala ng karamihan ay matatatanda o edad 60 pataas lamang ang kinakapitan nito. Kasama pa nito ang paniniwalang sa malalamig na lugar lang aktibo ang nasabing virus. Ngunit sa paglipas ng mga araw, makikita na nag-iiba o mas nagiging complicated ang coronavirus. Dito na nakumpirma na posibleng mag positive ang isang baby sa COVID-19.
Baby positive on COVID-19
Ayon sa anunsyo ni Bataan Governor Albert Garcia sa kanyang Facebook page, isa ang 1 month old na batang lalaki ang nakasama sa 4 na bagong nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Bataan. Ang baby na nag positive sa COVID-19 ay naitala rin na pinakabatang positibo sa nasbaing virus sa bansa.
Kasama nito ang 55 years old na lalaking taga-Orani na pumanaw dahil sa brain herniation, 28 years old na lalaking taga-Mariveles at 38 years old na taga Limay.
As of April 5 naitala na ang 22 confirmed positive cases, 3 fatalities, 6 recoveries, 3,575 PUM at 807 mild PUI sa probinsya ng Bataan.
Baby positive on COVID-19 | Image from Abet Garcia Facebook
Batid naman ng Bataan provincial government na sumunod ang lahat sa nilatag na protocol ng Enhanced Community Quarantine. Manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan at ugaliin ang pagsagawa ng social distancing upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
Posible bang mag positive ang baby sa COVID-19?
Ayon sa analysis, ang mga baby ay maaaring mag positive sa COVID-19, ngunit hindi ito malala.
Kumpara sa mga matatanda, mas makikita mo ang mga sintomas sa kanila katulad ng matinding pag-ubo o pagdumi. Samantalang sa mga bata naman ay mild symptoms lang.
Mayroon namang isa pang bagong pag-aaral, nakita ng mga researcher na mas delikado rin para sa mga baby at toddler kumpara sa mga pre-schooler. Lalo na kung ang isang baby at toddler ay may current health issue. Hindi pa kasi todong nadedevelop ang immune system nila at madali pa silang kapitan ng kung anu-anong sakit. Tandaan na ito pa rin ay base sa health at immune system ng isang bata.
Baby positive on COVID-19 | Image from Unsplash
Sa pag-aaral mula January 16 hanggang February 8, naitala ng Chinese Center for Disease Control and Prevention ang 2,143 na batang may edad 18 pababa ay nagkaroon ng test at diagnosis sa COVID-19. At iba naman ay maaring nagkaroon na ng mga sintomas dahil sa exposure.
Sa madaling salita, ang mga baby at toddler ay delikado sa nasabing virus. Maaari silang makaranas ng seryosong komplikasyon sa baga at maging isang lung disease. Tandaan na lapitin ang mga bata lalo na kung ito ay may sakit na sa respiratory o immune system.
Baby positive on COVID-19 | Image from Freepik
Sintomas ng COVID-19 sa baby at bata
Ito ang mga sintomas ng COVID-19 sa baby na maaaring makita sa kanila at sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa mga baby at matatanda ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Mataas na lagnat
- Shortness of breath
- Pag-ubo o dry cough
Kung sakaling mapapansin mo na hindi na normal ang nararamdaman ng iyong baby, agad siyang dalhin sa ospital. Narito ang mga sintomas na kailangang bigyan ng pansin:
- Pagdumi
- Pagbabago ng kulay ng mukha
- Abnormal na pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!