Matatandaan na si baby Kobe ang pinakabatang COVID-19 survivor dito sa bansa, ngunit nito lamang gabi ng June 3 siya ay napabalitang namatay na.
Pinakabatang COVID-19 survivor na si baby Kobe, namatay na
Itinuring na pinakabatang COVID-19 survivor si Baby Kobe Manjares na ipinanganak noong April 12. Nalaman na siya ay positibo sa COVID-19 noong 5 days old pa lamang ito.
Agad rin na-discharged si baby Kobe noong April 28 sa National Children’s Hospital nang ito ay gumaling mula sa virus.
Samantala, agad rin siya ibinalik sa ospital ng kanyang mga magulang ng ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang klase ng sakit noong May 1.
Baby na COVID-19 survivor, namatay na | Image from Unsplash
Ayon sa tatay nitong si Ronnel Manjares, nagkaroon ito ng hindi malamang kondisyon. Ang kanyang blood pressure ay tumaas at bigla ding bumababa. Lumaki rin ang tyan nito at napagalamang may infection rin ito sa dugo.
Ayon sa interview sa tatay nito,
“Naging sakit po niya ‘yung kanyang bituka. Nagkaroon po siya ng infection sa dugo. Tumataas, bumababa po ‘yung kanyang blood sugar. Lumalaki, lumiliit po ‘yung tiyan niya,”
Dagdag pa ng tatay ni baby Kobe, noong sinugod na ito sa ospital, ang sabi ng doctor sa kanya ay lalagyan na ito ng tubo. Ngunit agad ring sinabi na si baby Kobe ay wala na.
Binawian ng buhay si baby Kobe nito lamang 1 Am ng Wednesday.
Maaari bang magkaroon ng COVID-19 ang mga baby?
Ayon sa analysis, ang mga bata ay maaaring magkaroon ng virus, ngunit hindi ito malala. Kumpara sa mga matatanda, mas makikita mo ang mga sintomas sa kanila katulad ng matinding pag-ubo o pagdumi. Samantalang sa mga bata naman ay mild symptoms lang.
Mayroon namang isa pang bagong pag-aaral, nakita ng mga researcher na mas delikado rin para sa mga baby at toddler kumpara sa mga pre-schooler. Lalo na kung ang isang baby at toddler ay may current health issue. Hindi pa kasi todong nadedevelop ang immune system nila at madali pa silang kapitan ng kung anu-anong sakit. Tandaan na ito pa rin ay base sa health at immune system ng isang bata.
Baby na COVID-19 survivor, namatay na | Image from Unsplash
Sa pag-aaral mula January 16 hanggang February 8, naitala ng Chinese Center for Disease Control and Prevention ang 2,143 na batang may edad 18 pababa ay nagkaroon ng test at diagnosis sa COVID-19. At iba naman ay maaring nagkaroon na ng mga sintomas dahil sa exposure.
Sa madaling salita, ang mga baby at toddler ay delikado sa nasabing virus. Maaari silang makaranas ng seryosong komplikasyon sa baga at maging isang lung disease. Tandaan na lapitin ang mga bata lalo na kung ito ay may sakit na sa respiratory o immune system.
Naitala naman sa London ang kaso ng pinakabatang nagkaroon ng virus, ito ay isang newborn baby.
Bago ipanganak ang baby, nakakaramdam na ng sintomas ng virus ang ina nito. At pagkatapos manganak, dito na nakumpirma na positibo siya. Agad sinuri ang kanyang baby at napag-alamang nagpositibo rin ito.
Hindi pa rin malaman kung paano ba nagkaroon ng COVID-19 ang newborn baby. Sa loob ba ito ng tyan nagkaroon o habang siya ay pinapanganak?
Sintomas ng COVID-19 sa baby
Ito ang mga sintomas na maaaring makita sa mga baby at matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Baby na COVID-19 survivor, namatay na | Image from Unsplash
Ang sintomas ng COVID-19 sa mga baby at matatanda ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Mataas na lagnat
- Shortness of breath
- Pag-ubo o dry cough
Kung sakaling mapapansin mo na hindi na normal ang nararamdaman ng iyong baby, agad siyang dalhin sa ospital. Narito ang mga sintomas na kailangang bigyan ng pansin:
- Pagdumi
- Pagbabago ng kulay ng mukha
- Abnormal na pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
Source: ABS-CBN
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!