May diaper rash si baby? 7 na maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari

May diaper rash ba si baby? Bakit nga ba ito nangyayari o ano ang sanhi nito? Alamin ang mga sagot dyan dito at kung paano rin ito magagamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga challenging part ng pagiging mommy ay ang pagkakaroon ng diaper rash ni baby. Nagdudulot kasi ito ng iritasyon at discomfort sa ating mga anak. At syempre, bilang mga magulang ayaw natin na makaranas ng di magandang pakiramdam ang baby natin. Ano nga ba ang baby diaper rash? Ano ang sanhi nito at paano ito gamutin? Alamin ang mga ‘yan sa article na ito.

Ano ang baby diaper rash?

Larawan mula sa Shutterstock

Ang diaper rash ay karaniwang nangyayari sa mga bata. Wala yatang batang hindi nakaranas nito, kahit hindi malala.

Hindi po ito dahil sa pabayang mga magulang. Ito ay uri ng contact dermatitis o sakit sa balat na sanhi ng maraming bagay. Nagiging malala ito kung hindi naaagapan o naiimpeksiyon ng bacteria o yeast.

Ang diaper rash ay pamumula ng bahagi ng ibabang katawan, mula harap hanggang sa puwetan ng bata. Ito ay tumutukoy sa pagka-irita ng balat sa bahaging ito dahil na nga sa suot na diaper.

Kahit hindi pa uso o hindi pa nagsusuot ng disposable diaper ang mga bata nuong sinaunang panahon, mayron nang kaso ng diaper rash.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagmimistulang mas madalas at mas malala lamang ngayon dahil hindi maikakaila na kapag nababad sa materyal ng disposable diaper ang balat ng bata, ay mas nakakairita ito.

Tinatawag din itong diaper o ammonia dermatitis. Ang dermatitis ay ang pamamaga at labis na pamumula ng balat.

Maraming sanhi ng kondisyong ito, pero ang pinakakaraniwan ay ang contact irritation o pagka-irita ng balat dahil sa mga bagay na dumadampi rito, lalo’t nabababad sa basa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diaper rash kay baby. | Larawan mula sa Shutterstock

Mga sintomas ng diaper rash ni baby

  • Pamumula sa balat sa bahaging puwetan 
  • Kapansin pansin ang iritasyon ni baby lalo na habang nagpapalit ng diaper. Ang isang baby na may diaper rash ay mabilis mairita at umiyak kapag nahahawakan ang parte na may diaper rash. 

7 maaaring sanhi kung bakit nagkakaroon ng diaper rash si baby

Ang pagkakaroon ng diaper rash ay maaaring may iba’t ibang sanhi. Kaya naman nilista namin  ang mga karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng diaper rash ni baby. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 

1. Iritasyon mula sa dumi at ihi.

Ang matagal na exposure sa dumi at ihi ni baby ay isa sa mga sanhi ng diaper rash. Kapag pinatagal ang dumi at ihi sa diaper nagkakaroon ng iritasyon sa balat ni baby. 

2. Mahigpit na diaper.

Ang paglalagay ng masyadong mahigpit na diaper kay baby ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng diaper rash. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Iritasyon mula sa bagong produkto.

Ang balat ng baby ay maaaring mairita sa mga bagong produkto, tulad ng baby wipes, disposable diapers, detergent, bleach o fabric softener. Importante na humanap ng produkto na hiyang kay baby upang hindi makaranas ng diaper rash. 

4. Bacterial o yeast (fungal) infection.

Ang isang simpleng impeksyon sa balat ay maaaring lumalala at kumalat. Ang mga parte na nasasakop ng diaper tulad ng pwet at hita ay mas prone sa pagkakaroon ng bacteria. 

5. Reaksyon sa bagong pagkain kinakain ni baby

Kapag ang isang baby ay nag-umpisa ng kumain ng matigas na pagkain, nagbabago na rin ang kanilang dumi. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapataas ng chance ng pagkakaroon ng diaper rash. 

6. Pagkakaroon ng sensitibong balat.

Ang mga baby na may kondisyon sa balat tulad ng atopic dermatitis o seborrheic dermatitis (eczema) ay mas madalas makaranas ng pagkakaroon ng diaper rash. 

7.  Paggamit o pag-inom ng antibiotic.

Ang antibiotic ay pumapatay ng good at bad bacteria. Kapag ang isang bata ay umiinom ng antibiotic, ang mga good bacteria na lumalaban sa mga impeksyon ay nababawasan. Ang paggamit ng antibiotics ay sanhi rin ng pagkakaroon ng diarrhea. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano magagamot ang diaper rash?

Larawan mula sa Shutterstock

Mommies at daddies kahit gaano pa tayo kaiingat hindi maiiwasan na minsan ay magkaroon si baby ng diaper rash, kung kaya naman kinakailangan na maging maalam tayo sa mga treatments na pwede nating gawin. 

Mga produkto na maaaring gamitin bilang treatment:

  • Cream o ointment na zinc oxide o petrolatum (petroleum jelly). IPahid ito sa parte na apektado ng rashes at patuyuin bago lagyan ng diaper. 
  • Baby powder. Huwag hayaan na mapunta sa mukha ng bata ang pulbos. I-apply ito sa may diaper area. 
  • Antifungal Cream. Gamitin ito kung may fungal infection si baby. 
  • Topical or oral antibiotics. Kung si baby ay may bacterial infection ito ang pinakamainam na gamitin. 

Home remedies sa diaper rash ni baby

Ito naman ang mga home remedies at treatments na pwede nating gawin mommies at daddies:

  • Maghugas ng kamay bago at pagkatapos magpalit ng diaper ni baby.
  • I-check lagi ang diaper ni baby at palitan ito agad kung magkaroon ng dumi.
  • Gumamit ng malinis na tubig sa paghuhugas ng pwet ni baby. Gumamit ng hindi matapang na sabon. 
  • Imbis na kuskusin ay punasan ng dahan dahan ang parte na may diaper rash.
  • Kung ikaw ay gumagamit ng wipes, piliin ang angkop para sa balat ni baby. Iwasan ang mga wipes na may pabango o alcohol. O di kaya naman ay gumamit na lang ng malambot at malinis na tela.
  • Siguraduhin na tuyo ang pwet ni baby bago lagyan ng diaper. 
  • Kung kaya ay iwasan ang paggamit ng diaper upang mahanginan ang balat na may rashes na siyang makakatulong upang mas mapabilis ang pag galing nito.

Paraan para maiwasan ang diaper rash kay baby

Ang pinakamainam na paraang upang maiwasan ang pagkakaroon ng diaper rash ni babay ay kinakailangan na maging dry ang area ng sinusuotan ng diaper. Mayroon ibinahagi ang Mayo Clinic kung paano mababawasan ang tiyansa na magkaroon ng diaper rash si baby.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Palitan ang diaper ni baby nang madalas.

Agad palitan kapag nakita na basa na ang diaper ni baby para hindi siya magkaroon ng diaper rash. Kung aalis ka naman at ipapabantay si baby sabihan ang magbabantay sa kaniya na palitan ang kaniyang diaper kapag basa na ito.

Larawan mula sa Shutterstock

2. Hugasan ang puwetan ni baby nang maligamgam na tubig kapag papalitan siya ng diaper.

Mahalaga na hugasan ang puwetan ni baby at ang area na sinusuotan ng diaper. Pwede ring gumamit ng washcloths, cotton balls, at baby wipes. Pero tandaan na dapat maging gentle sa paghuhugas kay baby.

Tandaan na huwag gumamit ng wipes na mayroong alcohol o fragrance. Kapag gagamit ka naman ng soap, kailangan mild lang at fragrance-free.

3. Punasan ng dahan-dahan ang dry skin nang malinis na towel o kaya naman patuyuin ito sa hangin.

Huwag niyong i-scrub ang iyong baby’s bottom. I-pat lamang ito sa skin ng iyong baby para hindi ma-irritate ang kaniyang skin.

4. Huwag sikipitan ang pagsuot ng diaper kay baby

Kapag masikip ang pagkakasuot ng diaper ay nagpe-prevent ito ng airflow kaya naman maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng diaper rash.

5. Bigyan ng maraming oras si baby na walang suot na diaper.

Kung posible namang hindi suotan si baby ng diaper ay huwag na siyang suotan ng diaper. Ang pag-expose ng skin ni baby sa hangin ay natural at gentle na way para maging dry ito.

Kailan nga ba dapat humingi ng tulong sa doctor?

Kapag hindi naagapan ang diaper rash ay maaaring lumala ito, kinakailangan na ng tulong ng eksperto. Kaya narito ang mga signs na kailangan mo nang dalhin si baby sa doktor: 

  • Ang rashes ay mas lalong lumala sa loob ng dalawa o tatlong araw matapos gamutin.
  • Nagkaroon na ng blisters o pus-filled sores.
  • Nilalagnat si baby habang mayroong diaper rash.
  • Sobrang sakit na ng diaper rash ni baby.
  • Hinihinalang mayroong yeast infection.

Alin nga ba ang mas mainam gamitin, cloth diaper o disposable diaper?

Larawan mula sa Shutterstock

May dalawang uri ng diapers cloth diaper at disposable diaper. Ang cloth diaper ay maaaring hugasan matapos gamitin. Samantalang ang disposable diaper naman ay tinatapon matapos gamitin. 

Ayon sa isang pag-aaral, mas madalang magkaroon ng rashes ang mga baby na gumagamit ng disposable diapers. Sa kabilang banda ang pagkakaroon ng rashes ay hindi nababase sa kung ano mang uri ng diaper ang ginagamit ni baby.

Importante na gawin ay ang madalas na pagpapalit ng diaper, disposable man ito o hindi. Palitan agad ang diaper ni baby kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkakaroon ng diaper rash.

Tandaan mas mainam na agapan ang pagkakaroon ng diaper rash ni baby. Mas mainam talaga na iwasan ito para naman hindi ito lumalala pa at humantong sa maraming kumplikasyon.

Karagdagang ulat mula kay Joyce Vitug

Updates mula kay Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.