Gusto mo na bang lagyan ng hikaw si baby? Narito ang mga dapat mong tandaan na tips para sa ear piercing ni baby kung sakaling lalagyan mo na siya ng hikaw sa tenga!
Pwede na bang lagyan ng hikaw si baby?
Ayon kay Dr. Schneider, kailangan munang hintayin ng mga magulang na umabot si baby sa pangatlo nitong buwan bago lagyan ng hikaw. Dahil kung sakaling hindi ito sundin at magkaroon ng infection ang tenga ng iyong anak, kadalasan na kailangan silang i-admit sa ospital.
“I tell parents to wait until children are at least three months old before getting ears pierced because if they were to develop an infection and fever from the piercing, infants younger than three months almost always have to get admitted to the hospital according to protocol,”
-Dr. Schneider
Baby ear piercing tips | Image from Jadell FIlms on Unsplash
Do’s and Dont’s na dapat mong malaman sa piercing ni baby
Kung sakaling bubutasan mo na ang tenga ng iyong baby, mas advisable na dalhin ito sa eksperto o sa iyong pediatricians para makasigurong tama at safe ang paglalagay ng piercing ni baby.
Tungkol naman sa tamang material na gagawing hikaw kay baby, mas magandang piliin ang mga hypoallergenic products katulad ng 18- or 24-karat gold. Ito kasi ang kadalasang hindi nagkakaroon ng allergic reaction sa mga baby.
Mga risk ng hikaw ng bata
1. Choking.
Likas na sa mga bata ang isubo o ilagay sa bibig ang lahat ng kanilang madadampot. Kaya naman hindi malabong mairita si baby sa hikaw nito lalo na kung first time niyang magsuot nito. Dahilan para mapansin niya ito sa kanyang tenga at tanggalin at saka dito na niya isusubo. Kahit na sabihin natin na babantayan natin si baby, may pagkakataon pa rin na mabibilis ang kamay nila at hindi mo alam na may naisubo na ito sa kanyang bibig.
Pwede na bang lagyan ng hikaw si baby? | Image from Unsplash
2. Magnetic parts ng hikaw.
Ito ay may pagkakatulad lang sa choking. May ibang hikaw na mayroong magnetic parts. At sobrang delikado once na malunok ito ni baby. May pagkakataon kasi may ibang hika na may maliliit na magnet at kapag nalunok ng bata, magkakaroon ng attraction sa bituka ng bata dahilan para magkaroon ng damage ang mga tissue. May iba ring magnet na hindi naidudumi ng bata kaya naman kailangan pa silang operahan para lang makuha ito.
3. Pagkalason sa lead.
May ibang hikaw na may ingredient na lead. Kaya naman hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang pagbili basta basta ng mga hikaw sa iyong baby lalo na kung mura ito at kung saan-saan lang binili. Ang pagkalason ng bada sa Lead ay maaaring magdulot sa kanya ng learning disabilities, developmental delay, fatigue o seizure. Kadalasang nakikita sa dugo ng bata ang sobrang amount lead dito kung sakaling nalason sila.
4. Allergic reaction.
May ibang bata na okay lang kahit lagyan ng hikaw sa tenga ngunit may iba rin na nagkakaroon ng malalang reaction once na lagyan ng hikaw ito sa tenga. Ito ay dahil may ibang bata na sensitibo ang kanilang balat. Lalo na ang bata dahil hindi pa malakas ang kanilang immune system.
Pwede na bang lagyan ng hikaw si baby? | Image from Unsplash
Mga dapat tandaan:
- ‘Wag hahawakan ang ang bagong piercing na tenga ng isang bata. Sensitive pa kasi ang tenga ng bata at maaaring mainfect ito sa dumi.
- Madalas na linisin ang tenga ni baby gamit ang malinis mong kamay.
- Iwasan ilagay si baby sa mga swimming pool. May mga kemikal itong maaaring pumasok sa sugat ng tenga ni baby at magkaroon ng infection.
- Bantayan ang iyong baby kung sakaling hahawakan ang bagong piecing na tenga nito.
- Mahalaga ang malinis na kamay kapag lilinisan o papalitan ng hikaw si baby.
BASAHIN:
The risks of piercing baby’s ears parents should know about
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!