Baby food recipes Philippines ideas na siguradong healthy pero budget-friendly.
Baby food recipes Philippines
Naghahanap ka ba ng mga baby food recipes para iyong little one na masustansiya pero hindi mabigat sa bulsa. Narito ang ilang baby food recipes ideas mula sa National Nutrition Council na perfect pasa iyong baby na may edad na 6 hanggang 12 na buwang gulang.
Lugaw na may saging at mangga
Ang unang baby food recipe idea nating tampok ay ang lugaw na may saging at mangga. Ito ay para sa mga baby na may edad na 6 hanggang 9 buwang gulang.
Para sa mga kakailanganing sangkap ay maghanda ng sumusunod:
- 1/2 piraso ng hinog na mangga
- 1 piraso ng hinog na saging na latundan
- 1 kutsara ng malambot na kanin
Sa pagluluto ng lugaw na may saging at mangga ay simulang balatan ang mga prutas. Saka ito durugin ng mabuti.
Saka ihalo ang dinurog na saging at mangga sa malambot na kanin. Haluin mabuti at saka ihain at ipakain kay baby.
Lugaw na may kalabasa at kamote
Ang sunod na baby food recipe ay ang lugaw na may kalabasa at kamote. Ito ay para sa mga baby na may edad na 6 hanggang 9 buwang gulang.
Para sa mga sangkap na kakailanganin ay ihanda ang mga sumusunod:
- 2 tasang tubig
- 1/4 tasa ng binalatan ng mani
- 1/3 tasa ng binalatan at hiniwa sa maliliit na kwadradong kamote
- 1/4 tasa ng binalatan at hiniwa sa maliliit na kwadradong kalabasa
- 1/4 kutsaritang iodized salt
- 3 kutsarang malapot na lugaw
Simulan ang pagluluto sa pamamagitan ng paghuhugas sa mga sangkap bago hiwain. Itabi at takpan.
Magpainit ng kawali at saka tustahin ang mani.
Kapag tostado na ang mani ay durugin ito ng pino gamit ang almeres.
Sunod ay magpakulo ng tubig sa isang kaldero. Kapag kumulo na ang tubig ay ilagay ang dinurog na mani at lutuin sa loob ng 10 minuto.
Saka ilagay ang hiniwang kamote at kalabasa. Pakuluin sa loob ng 10 minuto upang maluto. Kapag malambot na ang kalabasa at kamote ay tanggalin na sa apoy ang lugaw. Palamigin ng konti. At ito ay pwede ng ihain at ipakain kay baby.
Sopas na may kalabasa, repolyo at itlog
Ang pangatlong baby recipe food idea ay ang sopas na may kalabasa, repolyo at itlog. Ito ay para sa mga baby na may edad na 9 hanggang 12 buwang gulang.
Para sa mga sangkap ay ihanda ang mga sumusunod:
- 3 tasang tubig
- 1 tasa ng lutong macaroni pasta
- 3/4 tasa ng kalabasa na binalatan at hiniwa sa maliliit na piraso kwadrado
- 1/4 tasa ng repolyo na ginayat at hiniwa ng maliliit na piraso
- 1 pirasong itlog
- 1/2 kutsaritang iodized salt.
Sa pagluluto ng baby food recipe na ito ay una munang hugasan ang mga gulay at sangkap bago hiwain.
Takpan ito at itabi para hindi madumihan. Saka magpakulo ng isang tasang tubig. Kapag kumulo na ang tubig ay ilagay na ang kalabasa at lutuin sa loob ng 10 minuto.
Matapos ang 10 minuto ay kunin mula sa kaserola ang kalabasa saka ito durugin.
Pakuluin ang natitirang 2 tasa ng tubig sa loob ng 2 minuto. Saka ilagay rito ang pasta, kalabasa, repolyo at itlog. Lutuin ang mga ito sa loob ng 5 minuto. Timplahan ng asin. Kapag ok na sayo ang lasa ay pwede ng patayin ang apoy at ihain ang sopas kay baby sa isang malinis na mangkok o lalagyan.
Ang baby food recipes Philippines ideas na ito ay mula sa National Nutrition Council kaya naman sigurado kang ito ay masustansya at makakatulong sa healthy body and mind development ni baby.
Source: National Nutrition Council
Basahin: Baby Food 101: Mga kailangan mong malaman sa pagpapakain kay baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!