LOOK: Meryll Soriano at Joem Bascon pinabinyagan na si Baby Gido

Baby Gido isang taon narin. Narito ang mga larawan sa naging birthday celebration niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon na si Baby Gido Bascon bininyagan na!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga detalye ng binyag ni Baby Gido Bascon.
  • Relasyon ni Meryll Soriano at Joem Bascon.

Baby Gido Bascon bininyagan na!

Image from Meryll Soriano's Instagram account

Ganap ng isang kristyano ang anak ng aktor at aktres na sina Joem Bascon at Meryll Soriano. Dahil kahapon, Linggo ay bininyagan na si Baby Gido Bascon. Ito ay ibinalita ng aktres na si Meryll Soriano sa kaniyang Instagram account.

"Welcome to the Christian world, anak."

Ito ang caption ng Instagram post ni Meryll na kung saan tampok ang larawan nila ni Joem kasama ang cute na anak na si Gido.

Sa isa pa niyang Instagram post ay pinasalamatan ni Meryll ang mga ninong at ninang na nagpunta sa binyag ni baby Gido. Isa na nga rito ang diamond star at kaniyang tiyahin na si Maricel Soriano. Ang binyagan ay ginanap sa Lord of Divine Mercy Parish sa Quezon City.

“Thank you to all the Ninongs and Ninang that made it! And, of course, to our families and Father Roland from Jesus, Lord of Divine Mercy Parish.”

Ito ang sabi pa ni Meryll sa isa pa niyang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ilan pang larawang ibinahagi ni Meryll makikitang maliban sa pagbibinyag kay baby Gido ay ipinagdiwang din kasabay nito ang first birthday niya.

Naging possible ito sa pamamagitan ng expertise ng event planner na si Kim Torres, event stylist na si Gideon Hermosa at events photographer and videographer na Nice Print Photo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Meryll Soriano's Instagram account

Pagbubuntis ni Meryll Soriano kay baby Gido

Ilang oras matapos pumasok ang taong 2021 ay ibinahagi ni Meryll Soriano na siya ay isang ina muli. Ito ay hindi deretsahang ipinahayag ng aktres pero ipinakita niya sa pamamagitan ng mga larawan sa isa sa kaniyang Instagram post.

Sa larawan ay makikita si Meryll na may kargang sanggol kasama ang aktor na si Joem Bascon. Habang ang isa pang larawan ay makikitang kasama niya ang panganay na anak na si Elijah. Ito ang anak nila ng dating asawa na si Bernard Palanca.

Ang post na ito ang unang nagbigay ng pahiwatig na nagkabalikan na sina Meryll at Joem at nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan.

Mula noon ay sunod-sunod na ang pagpopost ni Meryll ng mga larawan ng kaniyang baby kasama ang ilan pang miyembro ng kanilang pamilya. Kabilang na nga rito ang ama ni Meryll na si Willie Revillame.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa sa mga Instagram post ni Meryll ay ibinahagi niya na hindi naging madali ang naging pagbubuntis niya kay baby Gido. Sa edad na 38 ng magbuntis ay nakaranas siya ng anxiety at gestational diabetes.

Nahirapan din siya sa panganganak at inabot ng sampung oras pag-lelabor bago naisilang ng ligtas si baby Gido. Pagbabahagi niya patungkol sa kaniyang pagdadalang-tao,

“At 38, my doctor told me that it’s risky and difficult. I had anxiety over this on the latter part of my pregnancy.”

“I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6-7 month of my pregnancy. Which meant 4 x a day of glucose tests, 4 x a day of insulin shots and nth goodbyes to donuts, chocolates and cakes until I give birth.”

“So, I worked out 4-5 x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could. It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done.”

“Voila! I made it. I did it and I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery.”

Image from Meryll Soriano's Instagram account

BASAHIN:

Meryll Soriano on depression: “2 days akong hindi makabangon—kahit pag-ihi, ayokong umalis ng kama”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Meryll Soriano and Jerika Ejercito: From having the same ex to co-parenting their kids, Eli and Isaiah

Ina ng batang nasawi sa aksidente sa bouncy castle: “You wouldn’t dream a fun activity day would end like this”

Meryll Soriano and Joem Bascon relationship

Taong 2009 ng unang magkatrabaho sina Meryll at Joem sa teleseryeng I love Betty la Fea sa ABS-CBN. Dito rin umano nagsimula ang romance sa pagitan ng dalawa na agad na natapos matapos ang isang taon.

Sa isang panayam ng ABS-CBN tungkol sa kanilang relasyon at paghihiwalay ay ibinahagi ni Joem na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Meryll. Bagamat nagbigay pahiwatig ito na may posibilidad na magkabalikan sila na nangyari nga at nagbunga na.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Instagram