X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ina ng batang nasawi sa aksidente sa bouncy castle: "You wouldn't dream a fun activity day would end like this"

4 min read
Ina ng batang nasawi sa aksidente sa bouncy castle: "You wouldn't dream a fun activity day would end like this"

Ikinamatay ng limang bata ang aksidente sa Bouncy Castle, Ina nang isa sa mga nasawi nagbigay ng pahayag at babala.

Limang bata ang patay at apat na iba pa ang sugatan matapos ang aksidente sa bouncy castle, Tasmania, nitong Huwebes, ika-16 ng Disyembre. 

Mababasa sa artikulong ito:

  • Aksidente sa Bouncy castle
  • Safety tips kapag naglalaro ang bata sa bouncy castle

Aksidente sa Bouncy castle

Ayon sa pulisya, ang aksidente ay sanhi ng pagbugso ng malakas na hangin. Ang mga bata ay nahulog mula sa 10 metro na taas. 

aksidente sa bouncy castle

Larawan mula sa Shutterstock

“A wind gust had reportedly caused the jumping castle and inflatable balls to lift into the air,”  

Mabilis na dumating ang Paramedics at binigyan ng paunang lunas ang mga bata bago isakay sa helicopter patungo sa ospital. Apat na bata ang una nang idineklarang dead on arrival at ang ikalima ay namatay sa ospital.

Napag-alamang ang mga batang nasawi ay nasa ika-6 na baitang na may edad na 10 hanggang 11 na gulang. 

Inilarawan ng Prime Minister na si Scott Morrisson ang aksidente sa bouncy castle bilang “unthinkably heartbreaking”.

“Young children on a fun day out… and it turns to such a horrific tragedy. At this time of the year, it just breaks your heart.” dagdag niya. 

Nagbigay din siya ng mensahe ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga batang nasawi. 

“Our hearts are breaking for the families and the loved ones, schoolmates, teachers of these young people who were taken too soon.”

aksidente sa bouncy castle

Larawan mula sa Shutterstock

Samantala, agad namang inalerto ang mga magulang kasunod ng insidente. 

Sa ulat ng isang local newspaper, ang paaralan ay dati nang nag-install ng naturang bouncy castle nang walang naging problema at aksidente. 

Ayon sa mga magulang na may anak na nag-aaral sa parehong paaralan, ito ay isang hindi inaasahang pangyayari. 

“You wouldn’t dream a fun activity day would end like this. We all feel so heartbroken for the parents involved. And feel guilty that we are also relieved our children were not injured.”

Kasalukuyang iniimbestigahan ang aksidente sa bouncy castle ng pulisya.

Mayroon nang mga naunang insidente ng pagkamatay sanhi ng bouncy castle. Noong 2019, dalawang bata ang namatay at 20 iba pa ang nasugatan sa isang katulad na aksidente sa China.

Isang taon bago nito, isang batang babae naman sa UK ay nasawi rin matapos maglaro sa bouncy castle. 

Samantala sa Summer Grant, Norwich, dalawang fairground worker ang nakulong matapos masawi ang pitong taong gulang na bata matapos sumabog ang bouncy castle dahil sa kapabayaan ng dalawa. 

Safety tips kapag naglalaro ang bata sa bouncy castle

aksidente sa bouncy castle

Larawan mula sa Shutterstock

Upang maiwasan ang aksidente sa bouncy castle, mainam na tandaang ang mga sumusunod bago gamiting ito.

  1. Kapag ginagamit ito sa labas, ang lahat ng mga anchor point ay dapat gamitin na may metal ground stakes na hindi bababa sa 380 mm ang haba at 16 mm ang lapad, na may isang bilugan na tuktok. Dapat ito ay magkaroon ng welded metal na ‘O’ o ‘D’ sa dulo. 
  2. Lahat ng inflatables ay dapat mayroong hindi bababa sa 6 na anchor point. Ito ay ipaaalam sa iyo ng manual operator – tiyaking nasa lugar pa rin ang mga ito at hindi pa naaalis.
  3. Kung hindi magagamit ang ground stakes dahil sa ibabaw (hal. tarmac) maiging gumamit ng ballast na may timbang na hindi bababa sa 163 kg at may angkop na fixing upang ikabit ang mga lubid. Ang inflatable ay dapat na mahigpit na nakadikit sa lupa upang ang hangin ay hindi makapasok sa ilalim nito at maiangat ito.
  4. Kung ang inflatable ay ginagamit sa loob ng bahay, itanong sa manual operator kung anong anchorage ang kailangan upang mapanatili ang hugis ng device at maiwasan ang pagbagsak nito. 
  5. Hindi dapat gumamit ng inflatable kung ang hangin ay higit sa 24 mph.
  6. Ang ilang inflatables ay maaaring magkaroon ng lower maximum wind speed para sa operasyon. Palaging suriin ang operating manual upang makumpirma ang maximum wind speed para sa mas ligtas na operasyon ng inflatable.
  7. gumamit ng anemometer upang masukat ang bilis ng hangin. Kung ito ay hindi angkop, ang inflatable ay hindi dapat gamitin.
  8. Siguraduhing walang butas ang inflatable
  9. I-check din ang iba pang kagamitan na gagamitin gaya ng blower. 

 

Source:

BBC News, Health and Safety Executive

Partner Stories
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kyla Zarate

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Ina ng batang nasawi sa aksidente sa bouncy castle: "You wouldn't dream a fun activity day would end like this"
Share:
  • 20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

    20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

  • REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

    REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

  • 8 signs na hindi na healthy ang pagiging mahigpit mo sa anak mo

    8 signs na hindi na healthy ang pagiging mahigpit mo sa anak mo

  • 20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

    20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

  • REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

    REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

  • 8 signs na hindi na healthy ang pagiging mahigpit mo sa anak mo

    8 signs na hindi na healthy ang pagiging mahigpit mo sa anak mo

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.