Isa sa madalas na nakatutuwang gawin for parents ay ang pagdadamit sa kanilang kids. Nakaka-enjoy kasing makita na nabibihisan sila with different outfits. Kaya naman upang mas matulungan ka sa pamimili ng mga damit, naghanda kami ng aming top picks ng baby girl clothes.
Keep on scrolling para matuto ng higit pa tungkol sa pagdadamit sa iyong baby. At alamin ang aming mga brands sa aming listahan. For sure, matutuwa ka sa magiging OOTD na iyong baby girl!
Bakit kailangang comfortable ang clothes ni baby?
Bukod sa ibang gamit, napakahalaga rin ng komportableng damit kay baby. Bakit nga ba kailangan na comfortable ito suotin? Narito ang ilan sa mga dahilan:
- Mas presko ang kanilang magiging pakiramdam lalo na kung narito sa tropikal na bansa tulad ng Pilipinas.
- Nakakatulog sila ng maayos dahil walang irritating feeling na nakaka-interrupt ng kanilang pagtulog.
- Naiiwasan ang allergies at iba pang skin concerns dulot ng unnecessary designs sa damit.
- Maiiwasan din ang pagkakaroon nila ng bad mood dahil nga komportable ang kanilang pakiramdam.
Talaan ng Nilalaman
6 Best Baby Girl Clothes
Handa ka na bang damitan ang iyong little one with different types of clothes? Tutulungan ka namin para sa kanyang outfit of day. Pinili namin dito ang best brands ng baby girl clothes na maaari mong i-purchase online!
MIMI AND BEBE BABY Combi T-shirt Shorts Terno
Best terno clothes
|
BUMILI SA SHOPEE |
BCBL Baby Girl Jumpsuit Floral
Best jumpsuit
|
Bumili sa Lazada |
St.Patrick Obi Tie-Side Short Sleeves
Best baby girl clothes for newborn
|
Bumili sa Shopee |
MQATZ Newborn White Baptism Dress
Best baby girl clothes for christening
|
BUMILI SA LAZADA |
ANGELIKE Dress For Girl
Best tutu dress
|
BUMILI SA SHOPEE |
Cotton Stuff - 3-piece Sleeveless Tie-Side
Best unisex clothes for baby
|
BUMILI SA SHOPEE |
Mimi and Bebe Baby Terno T-shirt
Best terno clothes
Kakaibang cuteness nga naman ang dala kung magkapareho ang top at bottom clothes ni baby. Kaya para sa terno clothes ni baby girl, narito ang Mimi and Bebe Baby Terno T-shirt. Kilala ang brand na ito na nagproproduce ng stuff ni baby sa murang halaga.
Sa affordable price nito, masusulit mo na ang pagbili. Maganda ang mga ganitong klase ng damit lalo sa bansa natin na kadalasan ay mainit ang panahon. Gawa kasi ito sa cotton spandex material. Isa iyan sa mga material na nagbibigay ng presko pakiramdam habang suot.
Mamahalin mo rin ang iba’t ibang designs na inooffer ng brand. Mayroon silang fruits, cartoon characters, at marami pang ibang prints.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Partner clothes
- Sleeveless top
- Shorts bottom
- Made from cotton spandex
BCBL Floral Jumpsuit
Best jumpsuit
Isa sa mga most common type of baby clothes na nararaparat makita sa closet ni baby ang ay jumpsuit. Sa aming list, ang best diyan ay ang BCBL Jumpsuit Cute Clothes for Baby Girl. Pinatunayan talaga ng brand na ito na isa sila sa mga best brands out there when it comes to baby clothes.
Ito ay may puff sleeves at shorts na bagay na bagay for baby little girls. Mayroon ding bow decoration to add some details sa overall jumpsuit. Sa shorts nito, makikita mo ang floral patterns na very classic ang vibes.
Bukod sa design, of course tinignan din namin kung gaano ito ka-comfortable. Pumasa naman dahil very breathable ang pagkakagawa rito. Lightweight din sa pakiramdam kaya iwas irirtable feeling kay baby. Komportable pa at at gawa na rin sa high-quality cotton.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Lace puff
- With classic floral patterns
- Breathable and lightweight
- Made from high-quality cotton material
St. Patrick Obi Tie-Side Short Sleeves
Best baby girl clothes for newborn
When it comes to newborn and baby clothes, isa sa mga nangungunang brands ay ang St. Patrick. Kaya naman hindi namin kinalimutan ang St. Patrick Obi Tie-Side Short Sleeves. Subok na rin ng maraming parents ang brand na ito dahil sa quality nilang binibigay.
Maganda talaga para sa infants ang damit. Ginawa kasi nila ang product na basic at simple lang para mas presko. Ang top ng damit ay tie-side at shortsleeve lamang para madaling magalaw ni baby ang kanyang arms. Isinama na rin nila ang footie pajamas na perfect gamitin lalo na sa gabi. Kung malamig naman ang panahon maaaring ipasuot ang kay baby ang mittens at beanie na kasama na sa set.
Kumbaga, buy one take all ka na rito. Bukod pa sa pagiging set, gawa pa sa 100% cotton na mula sa United States of America. Sulit talaga ang pera kapag ito ang iyong binili!
Bakit namin ito nagustuhan?
- Basic and simple design
- With footie pajama
- Tie-side short sleeve
- Made from 100% cotton from the USA
MQATZ Baby Girl Dress
Best baby girl clothes for christening
Balak mo na bang pabinyagan si baby? Perfect ang MQATZ Baby Girl Dress para sa kanya. Magaganda ang reviews ng brand na ito lalo na sa parents na mayroong baby girl.
Ang white dress na ito ay talaga namang ginawa para sa special day ni baby. Makikita mo ang floral designs ng product na bagay sa kanyang binyag. Mayroon ding lace at bow ang dress na nakakadagdag pa sa cuteness nito. Sleeveless na rin kaya kahit pa nasa labas kayo ay hindi gaanong mainit para sa kanyang pakiramdam. Dinagdag din nila ang head dress na match sa kabuuan ng dress na ito.
Hindi lamang sa binyag ito magagamit for sure, pwedeng-pwede rin sa wedding, birthdays, at iba pang occasions.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Floral designed dress
- With lace and bow
- Has head dress
- Perfect for other formal occasion
Angelike Tutu Dress
Best tutu dress
Cute clothes for baby girl ba ang hanap mo? Cuteness overload ang kayang ibigay sa iyo ng Angelike Tutu Dress. Talaga namang adorable for parents ang dress na ito dahil sa girly at elegant design.
Gawa ang dress sa high-quality na satin at tulle. Sinigurado rin ng brand na mayroon itong cotton lining. Ito ay para hindi masaktan ang delicate skin ng iyong baby.
Sulit na mabibili mo ito dahil hindi nagfefade ang magandang kulay niya. Kahit din labhan sa washing machine ay hindi nagsi-shrink katulad ng ibang damit.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Perfect for events and photoshoots
- Made from high-quality satin and tulle
- Has cotton lining
- Does not fade or shrink
Cotton Stuff Sleeveless Tie-side
Best unisex clothes for baby
Kung gusto mo naman ng damit na maaaring magamit ng next baby mo, ito ang para sa iyo. Unisex kasi ang Cotton Stuff Sleeveless Tie-side. Kung baby brands lang din ang pag-uusapan, dito ka na sa Cotton Stuff.
Sa pagbili mo ng isang pack, mayroon ka nang makukuha na three pieces ng tie-side na damit. Sleeveless lahat ng ito, perfect na pamalit at suot everyday. Maganda itong gamitin ng babies from zero to six months. Gaya nga ng sinabi na namin unisex ang clothes kaya magagamit kahit sa next baby mo pa.
Gawa ang products sa combed cotton na breathable at comfortable. Swak na swak din sa sensitive skin ni baby dahil gentle ang pagkakagawa dito. Talaga namang pang-everyday outfit ito ng iyong little one.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Three pieces sleeveless in one pack
- Suitable for babies from zero to six months
- Made from combed cotton
- Daily outfit
Price Comparison Table
Alam naming may nakahanda ka nang budget for your precious one’s clothes. Ang tanong nga lang, saan sa aming recommendations ang pasok dito? Para hindi ka na mahirapang maghanap, ito ang price comparison table nila:
Baby girl clothes brands |
Price |
Mimi and Bebe Kids and Baby Terno T-shirt | Php 50.00 – Php 80.00 |
BCBL Jumpsuit Cute Clothes for Baby Girl | Php 332.00 – Php 413.00 |
St. Patrick Obi Tie-Side Short Sleeves | Php 351.00 |
MQATZ Baby Girl Dress | Php 608.00 – Php 621.66 |
Angelike Tutu Dress | Php 269.00 |
Cotton Central Sleeveless Tie-side | Php 320.00 |
How to properly dress a baby?
Kung first time parent ka, malamang ay tanong mo rin ito. Marami sa mga magulang ang nahihirapan kung paano nga ba dapat binibihisan nang tama ang sanggol. Ang number one na technique dito? Manatiling kalmado at maingat.
Narito ang steps kung paano nga ba dapat binibihisan ng tama ang isang sanggol.
- Siguraduhing hindi malamig ang kwartong pagbibihisan. Warm enough dapat ang temperatura ng paligid.
- Ilagay siya sa soft at sa comfortable surface.
- Maglagay ng lampin o nappy para sa kung sakaling biglang maihi ang bata.
- I-stretch ang lusutan ng ulo ng damit. Alalayang mabuti ang ulo ni baby habang nilalagay ito.
- Iwasang masagi ng damit ang kanyang mukha dahil dito mo hihilain pababa ang damit. Gawin din ito kapag inaalisan siya ng damit siya.
- Dahan-dahang ilagay ang mga braso ng bata sa arm holes ng damit.
Talaga namang happiness din ng mommies at daddies ang pagdadamit ng cute clothes for baby girl. With our recommendations, for sure ay fun na fun ang outfit of the day ni baby.