Hindi inaasahan ng mga magulang ni baby Ezra Mansoor ang trahedyang sinapit ng anak. Ang baby na natutulog lang sa crib ay bigla na lamang daw kinagat ng aso noong May 24.
Six-week-old baby namatay dahil kinagat ng aso!
Ayon sa artikulo ng PhilSTAR Life na isinulat ni Brooke Villanueva, sa ulat umano ng NBC news outlet, inatake ng aso ang isang 6-week-old na baby sa loob mismo ng kanilang bahay.
Kinagat ng aso ang baby na si Ezra Mansoor habang siya ay natutulog sa crib. Ang aso na kumagat sa kanya ay ang family pet pa nila.
Larawan mula sa Freepik
Labis ang dalamhati na naramdaman ng ina ni baby Ezra na si Chloe sa sinapit ng anak. Lalo pa at alagang aso nila ang kumagat sa bata.
Aniya, “You just think it would never happen to you, but it can happen to anyone—with any dog breed, no matter how long you’ve had the dog.”
Para sa ina, si baby Ezra ang lahat-lahat sa kaniya. Kaya mahirap tanggapin ang nangyari sa kaniyang anak.
Kwento ni mommy Chloe, mayroong dalawang aso na alaga ang kanilang pamilya. Ang husky raw na alaga nila ang kumagat sa baby. Saad ni mommy Chloe, wala naman daw ipinakitang signs ng aggression ang aso bago ang pangyayaring ito. Walang warning ang aso na bigla na lang nilapa ang kaniyang anak.
“All the sleepless nights and the dirty diapers—looking back, I would take a million sleepless nights and dirty diapers and all the fussiness, you would take it all back in a second and never take any moment or second for granted,” ani mommy Chloe.
Aso dinala sa local animal shelter
Agad din namang dinala sa ospital si baby Ezra pero dineklara din itong patay noong May 30. Samantala, dinala naman sa local animal shelter ang aso para sa 10-day bite quarantine.
Iniimbestigahan na ng Knox County Sheriff’s Office ang kaso na ito.
Ayon sa National Canine Research Council, hindi pangkaraniwan para sa mga aso ang “unprovoked attacks.”
“At least it’s unusual in the sense of a dog lashing out in some way without having given some indication that he was uncomfortable in the situation.”
Posible umano na hindi lamang napansin ng mga tao ang signal ng aso bago nito kagatin ang baby.
“When you hear a dog described as biting ‘without warning,’ take a minute to wonder what the dog may have actually said and to realize that unless you were actually there and are skilled at reading canine body language, you cannot know,” saad ng NCRC.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!