Common na sa iba’t ibang pamilya ang magkaroon ng pet bilang parte ng kanilang buhay. Alamin ang ilang tips na maaaring sundin para manatiling safe si baby habang nakikipaglaro sa inyong mga pet dogs.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ways para mapanatiling safe si baby sa inyong mga pet dogs
Ways para mapanatiling safe si baby sa inyong mga pet dogs
Ang mga dogs ang isa sa mga pinaka-common na pet sa bawat tahanan. Kadalasan kasing sweet at para ring bata kung magkakaroon ng aso sa bahay kaya labis na napapamahal ang mga ito sa pamilya bilang pets.
Sa kabila nito, marami pa rin ang nababalitang dog attacks sa mga nakakasama nila sa bahay partikular pa sa mga bata. Ang mga ganitong pagkakataon ay maaaring mangyari mula sa mild hanggang severe na aksidente.
Para sa both dog lovers at parents, mainam na malaman kung paanong mapapanatiling ligtas ang mga anak sa inyong pet kahit pa lubos na komportable na sila sa loob ng tahanan.
Larawan kuha ni Ricardo Esquivel mula sa Pexels
Narito ang ilang ways na maaaring gawin para maging safe ang inyong anak sa mga dogs:
-
Alamin kung paano makipag-communicate sa mga aso at ituro ito sa mga bata
Katulad ng tao, marunong din ang aso na makipag-communicate lalo kung matutunan ng tao na makinig nang mabuti sa mga signs at body language na kanilang ipinapakita. Maraming signs na maaaring malaman kung ano ang partikular na nararamdaman ng isang aso.
Kung ang aso ay pini-flick ang kanilang tenga, sinasara ang bibig o kaya naman ay inaalis ang atensyon ng ulo sa isang bagay, ibig sabihin ay hindi sila komportable sa partikular na nangyayari.
Samantalang ang wagging o paggalaw naman ng kanilang buntot sa mid-height na taas at pagkakaroon ng relaxed body ay nangangahulugang komportbale sila sa isang bagay.
Tinataas naman nila ang wagging ng buntot kung tensyonado at ibinababa naman kung sila ay kinakabahan sa nangyayari. Kung sila naman ay takot sila ay didistansya sila o ita-tuck ang buntot sa pagitan ng kanilang mga paa.
Kung sakaling magkaroon ng misinterpretation sa mga ganitong signs ay maaaring maglead sa aksidente tulad ng pangangagat ng aso. Mainam na parating may supervision ng matanda kung nakikipaglaro ang bata sa pet upang maturo rin sa kanila ang mga signs na ito.
-
Turuan ang anak na bigyan ng space ang mga pets
Mahalagang masabi sa mga bata na ang pagtulog at pagkain ng aso ay ang safe zones at pansarili nilang espasyo at hindi kinakailangan parating kulitin.
Larawan kuha ng Pixabay mula sa Pexels
-
Tandaan ang “Pat. Pet. Pause”
Kung nais makipag-bonding sa dogs, maaaring i-pat ang binti upang pumunta ang alaga sa iyo. Kung sakali mang pumunta at nasa mood siya sa paglalaro bigyan ng gentle pat sa kanyang shoulder o tagiliran. Iwasang i-pat siya sa ulo dahil marami sa mga aso ang may ayaw nito.
Pumwesto sa tabi ng aso upang mayroon pa rin siyang space sa paggalaw. Magpause sa pangatlong pat o pangatlong segundo upang malaman kung magrereconnect ba ang alagang pet sa iyo. Kung sakaling sumandal siya ibig sabihin ay gusto niya pa, kung hindi naman at umalis ibig sabihain naman nito ay hindi na niya gusto.
Kung ituturo sa bata, malalaman niya ang tamang pakikipag bonding sa inyong family dog.
BASAHIN:
Ano ang baby growth spurts at paano maaalagaang mabuti ang iyong anak sa stage na ito?
Lumulusog ang anak? 6 ways to open up healthy eating habits to your kids
Postpartum tummy: Normal bang mukha pa rin akong buntis after manganak?
-
Siguraduhing parating may supervision at mainam na pag-iingat sa interactions ng bata
May mga aso na maituturing na palakaibigan at mayroon ding mailap sa tao. May mga aso pang hindi alam kung paano makikipag-interact sa mga bata.
Maaari kasing magkaroon ng tendency na nagiging maligalig ang bata sa tuwing nakakakita ng aso, sa ganitong pagkakataon mahalaga anng pagbabantay ng adults. Lalo na sa mga asong may malaki o heavy breeds na kayang-kaya itumba ang mga maliliit na bata sa harutan.
Larawan kuha ni Nattaphat Phau mula sa Pexels
-
Ipaalala sa mga bata na hindi dapat basta-basta nakikipaglaro sa mga aso sa public spaces
Tulad ng tao na nagre-react sa tuwing may hindi kilalang tao na biglang lalapit, ganoon din ang mga aso sa public spaces. Ituro sa mga bata na parating itanong sa may-ari ng aso kung maaaring bang mag-“hello” muna bago tuluyang lapitan ang mga ito.
Hindi sila dapat basta-basta lamang puntahan dahil makakaramdam din sila ng threat at takot para sa kanilang kaligtasan. Ang mga ganitong pagkakataon ay nauuwi sa aksidente dahil sa pagdedepensa ng mga hayop sa sarili nilang espasyo.
Magandang humingi ng payo at opinyon sa veterinarian o eksperto patungkol sa kalagayan ng parrikular na alaga ninyong aso. Sila ang maaaring makatulong sa kung paano dapat nakikipag-interact ang mga tao sa inyong mga alagang dogs.