Karamihan sa mga tao ay hindi na naaalala pa ang mga kaganapan noong sila ay bata pa lamang. Ang tanong ng maraming parents, kailan nga ba magsisimulang magkaroon ng memories si baby? May sagot ang mga experts diyan!
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang memory at paano ito gumagana?
- Kailan magsisimulang magkaroon ng memory si baby?
Ano ang memory at paano ito gumagana?
Nabubuhay ang tao sa araw-araw na mayroong iniisip o ginagawa dahil sa mga tinatandaang mga bagay. Nagbabalik-tanaw sa mga alaala dahil gamit ang pagre-recall sa mga nagdaang pangyayari sa kani-kanilang buhay. Malaki ang parteng ginagampanan ng memorya sa tao.
“Memory refers to the processes that are used to acquire, store, retain, and later retrieve information.”
Mayroong tatlong major na process na involve sa memory. Ito ang encoding, storage, at retrieval.
- Encoding – Tumutukoy ito sa proseso kung saan unang natutunan ang impormasyon. Dito nalalaman ang bagay at inuunawa. Ito ang short-term memory na proseso sa utak.
- Storage – Ito naman ay ang responsable sa sa kung gaano karami at katagal na ireretain ng utak ang isang memorya.
- Retrieval – Ito ay proseso na nangyayari kung saan ina-access na ang memorya.
Para makabuo ng mga memorya, kailangang nasa usable form ang information na nakukuhakaya nag-eencode ang isipan para dito. Kung na-encode na ng isip ng tao, dapat na ito ay ma-store para magamit kung kailanman ito kailangang balikan.
Ito ang kakayahan ng human memory. Kaya nitong mag-preserve at recover ng mga impormasyon. Sa kabuuang buhay ng tao, kailan nga ba nagsisimula na makatanda ang isang indibiduwal ng mga bagay-bagay?
BASAHIN:
10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan
Katalinuhan nina mommy at daddy, pwede bang mamana ni baby? Heto ang sagot ng mga experts
Kailan magsisimulang magkaroon ng memories si baby?
Ano ang pinakaunang alaala na natatandaan mo mula nang ikaw ay isilang? Naalala mo bang ikaw ay nilalaro ng iyong mga magulang? O kaya ang kasiyahan ng iyong binyag?
Marahil ay magsisimula mong matandaan ang memorya sa panahong bata ka na at hindi noong sanggol pa lamang. Kung minsan, ang ilan pang kaganapan noong bata ay medyo malabo kung babalikan muli. Bakit nga ba nangyayari ito?
Halos karamihan sa mga tao ay walang kakayahang maalala ang mga kaganapan sa buhay sa edad na 3 taon pababa. Sa mga psychologist ay tinatawag ila itong infatile amnesia. Ayon sa eksperto ang kahulugan daw nito ay ang mabilisang paglimot sa mga nangyari noong sila’y sanggol pa lamang.
“Infantile amnesia, the inability of adults to recollect early episodic memories, is associated with the rapid forgetting that occurs in childhood.
It has been suggested that infantile amnesia is due to the underdevelopment of the infant brain, which would preclude memory consolidation, or to deficits in memory retrieval.”
Underdeveloped pa ang memory ng baby sa ganitong edad pero hindi nangangahulugang hindi na nila kayang bumuo ng memorya. Kaya nilang makaalala ng mukha sa parte ng kanilang pamilya. Makikita ang ebidensya ito dahil ngumimgiti o kaya naman ay tumatawa sila sa tuwing nakikita ang mga pamilyar na mukha sa kanilang paningin.
Ayon sa researcher na si Carolyn Rovee-Collier na mula sa Rutgers University, ang mga pinakabatang infants daw ay nakakaalala lamang ng memorya nang ilang araw.
Habang tumatanda raw sila ay mas humahaba ang panahon na kaya nilang tandaan ang mga alaalang ito.
Sa paglipas ng panahon, matutunan na ng tao na makaalala o magrecall ng mga kaganapan. Ito ang tinatawag na autobiographical memory.
“Autobiographical memories often involve a sense of time passing, which isn’t something infants can think about until much later in life. Autobiographical memories also require a sense of self, or the ability to reflect on yourself and your own behavior as it relates to others.”
Ito ang pahayag ng mga eksperto pagdating sa autobiographical memory.
Ang part ng brain na nagii-store ng memorya na tinatawag na hippocampus ay hindi pa fully-developed sa infancy period. Nagsisimulang magdevelop ito pagsapit nang ika-18 na buwan ng bata.
Ang mga inaakalang memorya raw na naaalala ng tao ay dahil lamang sa mga kuwento-kuwento na kanilang naririnig. Wala pa kasing kakayahan ang mga infant na mag-store ng complex na impormasyon tulad na lamang ng pag-intindi sa mga wika o lengguwahe.
Samakatuwid, kayang bumuo ng mga baby ng memories. Kaiba nga lang sa mga memorya na kayang ikwento o ibahagi ng matatanda.
Unti-unti itong madi-develop habang sila ay tumatanda kasabay ng kanilang paglaki. Malaki rin ang maitutulong ng mga magulang upang mahasa ang memorya ng kanilang anak.