Madalas na biruan ng parents sa tuwing nagiging achiever si baby ang kung kanino nagmana ito. Pinag-aagawan pa ng mga mommy at daddy kung sino nga ba ang nagbigay ng genes na ito sa kanilang anak. Ang tanong, pwede nga bang mamana talaga ng baby ang pagiging smart ng mga magulang?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pagiging smart nina mommy at daddy, pwede bang mamana ni baby?
- Nature vs. Nurture
- Mga paraan para matulungan si baby sa kanyang learning process at maging smart
Pagiging smart nina mommy at daddy, pwede bang mamana ni baby?
Katalinuhan nina mommy at daddy, pwede bang mamana ni baby? | Larawan mula sa Pexels
Parati naman talagang nasisimulan ng biruan ang ideya kung kanino nagmana ang baby. Kanino niya nakuha ang features ng mukha, iba’t ibang behaviors, talents, at maging ang kanyang pagiging matalino. Kung hanggang ngayon ay curious pa rin kayo parents, well, may sagot na ang mga eksperto diyan.
Ang genes ay gawa sa DNA at tumutukoy sa basic physical at functional unit ng heredity. Ang bawat tao ay mayroong dalawang kopya ng genes na nakuha sa kanilang mga magulang. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit may mga features ang physical na katawan ng isang tao na halos kapareha sa kanilang magulang.
Ang mga cognitive functions tulad ng working memory, cognitive control, maging ang pagkakaroon ng motivation ay nakadepende sa neural connectivity at function. Parehong ang constructions ng brain ng tao at functioning ng neurons ay naka-rely sa genetic programs.
Kaya mayroong impluwensya ang genes sa cognitive function na involve sa learning process. Inobserbahan ng mga eksperto ang 4,000 na lokasyon sa DNA ng tao. Nakita nilang mayroong “statistically reliable links” ang educational attainment na mula rito ngunit ang bawat link na ito ay mahina.
Ipinaliwanag ito ng mga eksperto bilang “partly genetic but without genes.” Ibig sabihin, maraming different combinations ng traits at genes na nakakabit sa traits ng isang bata kung bakit siya nagiging matalino.
Halimbawa na lang diyan, maaaring ang isang tao na makapagtapos ng college degree dahil sa iba’t ibang traits niya tulad ng pagiging matiyaga, masipag, at iba pang personality traits. Sa kabilang banda, maaari ring maging balakid ang physical issues at mental issues na maaaring mamana.
Nature vs Nurture
Nature vs Nurture: Ano ang mas mahalaga? | Larawan mula sa Pexels
Nature
Sa isang research, pinag-aralan ng mga eksperto ang mga participants na binubuo ng mga magulang at kanilang anak. Napag-alaman na naman dito na ang polygenetic scores ng magulang ay naka-link sa educational level ng kanilang mga anak, ibig sabihin partly heritable nga ang education attainment.
Bukod dito, nakita rin nila na kahit hindi naipasa ang mga genes na related sa education, nagiging matalino pa rin ang bata.
Nurture
Ang rason kung bakit ganito pa rin kahit hindi na direktang naiimpluwensyahan ng genes ang education ng bata ay dahil sa environment. Malaking factor ang naibibigay ng learning environment sa pag-unlad ng bata sa larangan ng edukasyon.
Nakakadagdag ng factor ang pino-provide ng magulang ang mga bagay at kailangan ng kanilang anak. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila, naaalagaan din ang process ng kanilang pagkatuto.
Ayon sa researchers, dapat ay sabay ang genes at environment upang masigurong uunlad ang learning ni baby.
BASAHIN:
The hows of raising a super smart baby: Here are 12 tips you can try
Is baby biting me, normal? How to stop baby from biting while nursing
Want your kids to be smarter? Get dad involved!
Mga paraan para matulungan si baby sa kaniyang learning process at maging smart
Mga paraan para matulungan si baby sa kanyang learning process | Larawan mula sa Pexels
Alam naming isa sa priorities ng parents na paunlarin ang learning process ng anak. Para malaman kung papaano, sundin ang ilang tips na ito para ma-develop ang attention, language, at reasoning skills na iyong baby hanggang siya ay maging toddler.
- Maging healthy habang buntis pa lang para kay baby
- I-level ang way ng pagbe-baby talk sa kanya
- Makipaglaro sa kanya na gamit ang mga kamay gaya ng peek-a-boo
- Mag-invest para sa educational books
- Pumili ng mga laruang maaaring makapag-explore at interact sa kanya
- Alamin kung paano ang tamang way ng pagrespond sa tuwing siya ay umiiyak
- Maging attentive at focused sa anak
- I-engage siya na sumama sa paglilinis mo ng bahay upang matutunan magsort ng things into categories
- Ugaliing kumanta parati ng nursery rhymes at riddles
- Gumawa ng mga pagkaing healthy para sa kanyang katawan at brain
- Gamitin ang positive discipline na approach
- Subukang ipalaro sa kanya ang mga messy materials tulad ng liquid, solid, at mixture habang binabantayan
- I-express ang iba’t ibang positive emotions sa iyong baby
- Ituro sa kanya ang mga body language
- Turuan siya ng positive emotional skills
- Maging consistent sa pagiging reassuring sa kanyang nararamdaman
- I-enroll siya sa mga enrichment class o workshops
- Maging open-minded sa tuwing nagsasabi siya ng mga concerns
We always want the best for our babies. Kaya naman, mahalaga na inaalam natin ang mga bagay na nakabubuti para sa kanila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!