Baby namatay sa COVID, pero ama niya hindi naniniwalang COVID ang ikinamatay ng anak niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng isang baby na namatay sa COVID.
- Mga sintomas ng COVID-19 sa sanggol.
8-month-old baby na namatay sa COVID
Photo by Josh Willink from Pexels
Viral ngayon ang kuwento ng isang 8 buwang gulang na sanggol na nasawi dahil sa COVID-19. Ayon sa post ng netizen na may username na Che Rie na base sa mga comments ay isang doktor, nitong August 8 ay nasawi ang isa mga pasyente niyang sanggol dahil sa COVID-19.
Bago pa man umano dalhin sa ospital, ang sanggol ay nakakaranas na ng ubo at lagnat ng anim na araw na. Siya rin umano’y nakaranas ng paulit-ulit na seizures o kombulsyon. At matapos nga ang anim na oras ng dalhin siya sa ospital ay namatay ang sanggol.
Kuwento ng netizen, parehong lumabas na positive sa sakit na COVID-19 ang magulang ng nasawing sanggol. Pero ang ama nito hindi naniniwalang namatay dahil sa sakit ang anak niya.
Sa katunayan, sinasabi nitong hindi totoo ang COVID-19 at gumagawa lang ng excuse ang ospital. Ang ama ng sanggol itinatanggi pang nakakaranas siya ng sintomas ng COVID-19, bagama’t siya’y inuubo at pinipilit na itago ito.
Mga magulang niya ayaw magpabakuna
Base pa rin sa post, ang ama ng sanggol ay isang Grab driver na madalas na nakikisalamuha sa iba’t ibang mga tao. Pero siya’y ayaw magpabakuna kontra COVID-19, ganoon din ang kaniyang asawa. Ang nakakalungkot pa, sila’y may dalawa pang anak, na maaari ring matulad sa namatay nilang baby dahil COVID.
Kaya hiling ng netizen na nag-post tungkol sa kuwento ng baby na namatay sa COVID, magpabakuna na laban sa COVID-19. Ito ay hindi lang para mabigyan ng proteksyon ang inyong sarili. Kung hindi pati na rin ang ating mga anak na nakadepende ang buhay sa ating mga magulang nila.
“The safe keeping of our kids is a joint responsibility of the family and the community. Not one of them will be safe if not all of us will be protected.
So please, if you don’t want to do it for yourself, get vaccinated: for the children who are counting on us to keep them alive until this pandemic is over.”
Ito ang apela ng netizen.
BASAHIN:
5 sintomas ng bagong DELTA variant na iba sa karaniwang sintomas ng COVID-19
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home
COVID-19 sa mga sanggol
Ang mga sanggol at maliliit na bata ay maaari ring magkaroon ng COVID-19. Bagama’t, base sa mga naitalang kaso, karamihan sa kanila ay nakaranas lang ng mild symptoms o ang iba nga ay halos wala.
Ayon sa balita ng Inquirer, kamakailan lang may namatay din ang isang 4-day old na baby matapos ang tatlong araw sa Ilocos Norte matapos magpositibo sa COVID-19. Ito umano ang pinakabatang namatay sa probinsya dahil sa COVID-19.
Kaya naman dapat maging maingat pa rin tayong mga magulang upang maprotektahan sila sa virus na ito. Lalo na wala pang bakuna na pwede para sa kanila. Kaya dapat sumunod tayo sa mga health protocols.
May posibilidad na makaranas sila ng malalang COVID symptoms ay posible. Lalo na ang mga sanggol na ipinganak na may sakit na asthma, congenital heart disease, genetic disease at iba pang mga sakit na may kaugnayan sa kanilang respiratory system.
Base parin sa pahayag ng mga eksperto, pinakamataas ang tiyansa ng mga batang edad isang taong gulang pababa na makaranas ng severe COVID-19. Dahil sa ang immune system nila ay immature pa na maaring maging rason para makaranas sila ng breathing problems.
Ayon naman kay Dr. Aaron Milstone, pediatrician mula sa Johns Hopkins Children’s Center, ang mga magulang ay may napaka-halagang papel na ginagampanan pagdating sa pagpoprotekta sa maliliit na bata at sanggol laban sa COVID-19.
Ganoon din ang mga caregivers at iba pang adults na nakapaligid sa kanila. Dahil sa ngayon na hindi naman sila nakakalabas, tayo lang ang paraan para maihatid o mailapit sa kanila ang virus.
Kaya napakahalaga na para sa kanilang proteksyon tayo ay magpabakuna kontra sa sakit. Ganoon rin ang mahigpit na pagsunod natin sa COVID-19 protocols lalo na bago makisalamuha sa kanila.
Image by Victor Ramos from Pixabay
Sintomas ng COVID sa mga sanggol at maliit na bata
Pero pagdating sa mga sanggol, paano ba malalamang sila ay maaaring infected na ng COVID-19? Ito umano ang mga ipinapakitang sintomas ng COVID-19 sa mga sanggol at maliit na bata.
- Ubo
- Lagnat na maaring sabayan ng panginginig ng katawan o chills
- Hirap sa paghinga
- Diarrhea
- Pagsusuka
- Runny nose o sipon
Ang sintomas ng COVID-19 ay halos tulad din ng sintomas ng pneumonia sa mga sanggol. Kaya naman sa oras na makaranas ng sipon at ubo ang iyong sanggol ay mainam na patingnan agad siya sa doktor.
Ang iba pang palatandaan na dapat bantayan na nangangahulugan na dapat madala na sa ospital ang isang sanggol ay ang sumusunod:
- Hirap na siyang makahinga.
- Hindi na maka-dede o makalunok ng anumang liquid ang sanggol.
- Labis na irritable o hirap ng gisingin ang sanggol.
- Nangingitim na ang mga labi niya.
Paano maproteksyonan ang mga sanggol mula sa COVID-19?
Baby photo created by user18526052 – www.freepik.com
Sa ngayon, may dalawang paraan para ma-protektahan ang maliliit na bata laban sa COVID-19. Una, sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga COVID-19 protocols sa tuwing lalapit sa kanila.
Pangalawa, sa pamamagitan ng pagbabakuna para ma-protektahan mo ang iyong sarili laban sa sakit at mapangalagaan sila.
Source:
Mayo Clinic, Johns Hopkins Medicine, Manila Bulletin, Inquirer