6-month-old baby na may sakit sa puso at baga, nalabanan ang COVID-19

Isang 6-month-old baby girl ang nag positibo sa COVID-19. Ngunit matapos ang ilang araw ay nag negatibo ito sa kabila ng heart at lung problem.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami na tayong narinig na kwento ng mga COVID-19 patients. Karamihan dito ay nakapagpa-iyak sa atin dahil sa matinding pinagdaanan sa pandemic. Sinubok na ang katatagan ng bawat isa at hinarap ang mga pagsubok. Pero para sa araw na ito, hatid namin ang isang inspiring story ng baby na nag positibo sa COVID-19 na si baby Erin, 6 months-old. Pinatunayan niya kung gaano siya kalakas at katapang para harapin ang COVID-19 sa kabila ng problema sa baga at puso.

6-month-old baby nag positibo sa COVID-19

Para sa six-month-old na si Erin, walang imposible kung lalakasan mo lang ang loob mo. Sa mura nitong edad, sinubukan agad ang kanyang katatagan. Ito ay nang malamang positibo ang batang babae sa COVID-19.

Baby nag positibo sa COVID-19 | Image from Emma Bates

Nagmula si baby Erin sa Liverpool, England at masasabing kabilang siya sa mga batang kaso ng nasabing virus sa lugar. Ang pag galing ng 6 month old na si baby Erin ay isang inspiration para sa karamihan. Ito ay dahil sa kabila ng heart at lung problem nito, naka-survive at nag negatibo na siya sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby nag positibo sa COVID-19 | Image from Emma Bates

Noong April 24 opisyal na sinabi ng Alder Hey Hospital ang recovery ni baby Erin mula sa COVID-19. Makikita sa video na sinalubong siya paglabas ng kwarto ng mga nurse at doctor sa hallway. Nagpalakpakan rin ito para sa recovery ni Erin. Sa ngayon, hindi pa siya na discharged dahil kasalukuyan pa rin siyang ginagamot sa ibang health conditions. Pero ayon sa ospital maganda ang process ng kanyang pag galing.

Nasa isolation room ng 14 days si baby Erin kasama ang kanyang nanay na si Emma at dito siya pinapagaling.

Ibinahagi naman ng kanyang mommy ang saloobin kay baby Erin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“She’s only gone and done it. Our little girl has beat COVID 19. We are so proud!”

Baby nag positibo sa COVID-19 | Image from Emma Bates

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang health problem ni baby Erin ay nakuha na niya simula ng siya ay pinanganak. Combination rin ito ng congenital abnormalities dahil sa puso at baga ang problema. Ito ay tinatawag na Tetralogy of Fallot.

COVID-19 on babies

Sa COVID-19 outbreak na nararanasan natin ngayon, marami na ang naapektuhan. Noong unang mga araw ng outbreak, naitala na majority ng mga nag positive sa nasabing virus ay mga nasa edad 60 pataas. Ngunit sa paglipas ng mga araw, naging mas komplikado ito at naging malawak pa. Naipabalita na ang mga bata at sanggol na nagpositibo sa nasabing virus. Kasama na ang mga may current medical condition sa respiratory system. Ang pneumonia ang sinasabing kilalang sintomas ng nasabing virus. Kaya naman mahalagang malaman ang pneumonia sa baby at kung ano ang mga sintomas nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pneumonia sa baby

Ang Pneumonia ay isang seryosong impeksyon sa baga ng tao at ito ay sanhi ito ng mga bacteria at virus. Maaari itong makahawa ng mabilis kung may direct contact na magaganap sa taong infected nito. Kadalasan nitong nagkakaroon ang mga batang nasa edad 5 pababa.

Para sa mga sanggol, ang common cause ng pneumonia ay ang chlamydia. Ito ay nagdudulot ng mild illness. Para sa mga bata naman na nasa edad 5 pataas, sila ay nagkakaroon ng rashes, headache at sore throat.

Sintomas ng pneumonia sa baby:

  • Lagnat
  • Pag-ubo
  • Pagsusuka
  • Baradong ilong
  • Mahirap pakainin ang baby
  • Panginginig
  • Mabilis na paghinga
  • May tunog ang paghinga

Madaling kapitan ng pneumonia ang mga baby na mahina ang resistensya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Source: Inquirer

Sinulat ni

Mach Marciano