Sa COVID-19 outbreak na nararanasan natin ngayon, marami na ang naapektuhan. Noong unang mga araw ng outbreak, naitala na majority ng mga nag positive sa nasabing virus ay mga nasa edad 60 pataas. Ngunit sa paglipas ng mga araw, naging mas komplikado ito at naging malawak pa. Naipabalita na ang mga bata at sanggol na nagpositibo sa nasabing virus. Kasama na ang mga may current medical condition sa respiratory system. Ang pneumonia ang sinasabing kilalang sintomas ng nasabing virus. Kaya naman mahalagang malaman ang pneumonia sa baby at kung ano ang mga sintomas nito.
Pneumonia sa baby
Ang Pneumonia ay isang seryosong impeksyon sa baga ng tao at ito ay sanhi ito ng mga bacteria at virus. Maaari itong makahawa ng mabilis kung may direct contact na magaganap sa taong infected nito. Kadalasan nitong nagkakaroon ang mga batang nasa edad 5 pababa.
Para sa mga sanggol, ang common cause ng pneumonia ay ang chlamydia. Ito ay nagdudulot ng mild illness. Para sa mga bata naman na nasa edad 5 pataas, sila ay nagkakaroon ng rashes, headache at sore throat.
Pneumonia sa baby | Image from Freepik
Sintomas ng pneumonia sa baby:
- Lagnat
- Pag-ubo
- Pagsusuka
- Baradong ilong
- Mahirap pakainin ang baby
- Panginginig
- Mabilis na paghinga
- May tunog ang paghinga
Madaling kapitan ng pneumonia ang mga baby na mahina ang resistensya.
Baby na may pneumonia tinanggihan ng mga ospital sa Laguna
Samantala, isang 9 month old na baby ang napag-alamang hindi tinanggap sa halos 10 na ospital sa Laguna.
Ayon sa kwento ni Yanna Malicdem sa Tribune, halos 12 hours naghintay at naghanap ng ospital ang kanyang ate at pamangkin. Matapos silang tanggihan na i-admit sa unang hospital ang kanyang pamangkin, agad silang naghanap pa ng ospital ngunit tinanggihan pa rin ito sa kabila ng iniindang mataas na lagnat ng bata.
Si Yanna ay nagtatrabaho sa Canada bilang isang medical worker. Nalaman niya ang pinagpinagdaanan ng kanyang ate at pamangkin dahil nagkataong kausap nito thru video call ang kapatid.
Ang unang pinuntahang ospital ng kanyang ate at pamangkin ay ang Biñan Doctors’ Hospital. Dito tinignan ang paghinga, lalamunan at temperatura ng bata. At napag-alaman ring may iniindang infection ang batang lalaki. Ngunit sa kalaunan, hindi rin tinanggap i-admit ang bata dahil wala na raw pediatrician at bakanteng kwarto.
Pneumonia sa baby | Image from Yanna Malicdem
Sunod nitong pinuntahan ang Unihealth Southwoods Hospital at Medical Center sa Biñan pero tinanggihan lang ulit sila at pinababalik na lang sa naunang ospital. Hindi rin daw kasi maaaring i-admit ang bata dahil bawal siyang ihalo sa ibang pasyente dahil may infection ito. Wala na rin silang bakanteng kwarto at sa ward na lamang ang natitira.
Ilang mga ospital pa ang kanilang pinuntahan pero tinaggihan lang sila nito nang walang test o assessment na nagaganap.
Sa loob ng 12 na oras na kanilang pag-iikot, nakapunta rin ang ate at pamangkin ni Yanna sa New Sinai MDI Hospital sa Santa Rosa. Sa ospital na ito ay dinaan sa checking ang bata ngunit pagkatapos ay sinigawan lang ang kanyang kapatid dahil dinala nito ang kanyang anak sa ospital.
Dagdag ni Yanna sa interview ng Tribune,
“My sister told them she doesn’t know exactly. So the doctor shouted at her, saying, ‘Why don’t you know when you are the mother. You brought the baby here, putting us, the frontliners, at risk,”
Tinanong pa raw ito ng doctor kung ano ang nangyari sa bata. Hindi naman nakasagot ang kanyang kapatid at sinabing hindi niya alam kung ano ang buing nangyari at kalagayan ng baby. Sumigaw ang doctor at sinabing dapat alam nito ang kalagayan dahil siya ang ina nito at nilagay lamang sa alanganin ang mga frontliners sa nasabing ospital.
Pneumonia sa baby | Image from Freepik
Ngunit sa huli, ang batang lalaki ay naasikaso ng halos anim na oras. Dito napag-alamang siya ay may pneumonia. Pero sa kabila nito, hindi pa rin pinayagang i-admit ang kanyang anak dahil wala nang bakanteng kwarto. Binigyan rin sila ng waiver na nagsasabing hindi responsable ang ospital sa anumang mangyayari sa bata sa hindi nila pag admit dito dahil wala nang bakanteng kwarto. Dagdag naman ni Yanna, hindi ito pinirmahan ng kanyang kapatid.
Sa huli, na-admit ang batang lalaki sa Westlake Medical Center sa COVID-19 floor. Ito ay itinuturing na COVID-19 suspect dahil ang isa sa mga sintomas ng COVID-19 ay ang pneumonia. Nakuhaan na rin ito ng swap sample at nag iintay na lamang ng resulta.
Kasalukuyan ring naka home quarantine ang batang lalaki habang nagpapagaling.
Source:
Tribune
Basahin:
Senior namatay sa bahay nang hindi tanggapin sa 6 na hospital na pinuntahan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!