Asthmatic senior citizen rejected by hospitals
Posible nga bang isang sintomas din ng COVID-19 sa mga patients ang asthma?
Hindi nagawang makaligtas ng isang may asthma na senior citizen sa Nueva Ecija matapos nitong mamatay dahil tinanggihan siya sa anim na hospital na kanyang pinuntahan.
Asthmatic senior citizen rejected by hospitals | Image from Usplash
Asthmatic senior citizen rejected by hospitals
Sa kwento ng anak ng 65 years old na senior citizen mula sa Nueva Ecija, makikita kung gaano sila nag hagilap ng mapupuntang hospital para sa maisugod ang kanyang tatay na kailangan ng medical assistance dahil sa asthma.
Ang isang 65 years old na senior citizen mula Nueva Ecija ay bigong nakaligtas dahil anim na hospital ang tumangging kunin ito. Napag-alamang ito ay mayroong iniindang asthma kaya kailangan ng agarang lunas.
Buong pusong nagdadalamhati naman ang anak na si Girlie Cabling-Cagaoan habang kinukwento ang mga nangyari. Ayon sa kanya, wala man lang nagbigay ng first aid sa kanyang tatay kahit na nakita nilang hirap na hirap ito sa kalagayan. Ang tanging naging desisyon na lamang ng kanyang tatay ay ang umuwi. At wala pang ilang oras ay agad itong binawian ng buhay dahil sa iniindang asthma.
“Wala na po kaming nagawa. Sabi niya, umuwi na lang ika tayo. Wala pong araw, oras po [namaalam na siya]… Naawa po siguro siya sa sarili niya,”
Dagdag pa nito na mula 11 PM pa lang ng gabi ay nagsimula na silang pumunta sa mga hospital para ipa-tingin ang kanyang tatay na si Ladislao Cabling. Ngunit sa kasamaang palad, lahat ng kanilang pinuntahang ospital ay tumanggi na kunin ito.
Dahilan naman ng mga hospital ay wala nang bakanteng ICU para sa mga ibang pasyente.
Dagdag pa ng anak, nang nasa isang ospital sila ay may nagsabi sa kanyang kapatid na positibo sa COVID-19 ang kanyang tatay kahit na hindi ito dumadaan sa ano mang medikal na pagsusuri.
Asthmatic senior citizen rejected by hospitals | Image from Freepik
Ang balitang ito ay nakarating na rin kay President Duterte.
Pinabatid niya ang kanyang pagkadismaya sa nangyari. At sinabing kung sakaling totoo ang lahat ng ito, mananagot ang mga hospital dahil sa nangyaring insidente. Ito ay dahil mahigpit na pinagbabawal sa batas.
Dagdag pa ng presidente,
“Paano ‘yung mga Pilipino na ganoon? Kaya lahat na magkasakit, heart attack, appendicitis, pumutok ang kung anong puputok diyan, pumutok ‘yung utak, especially government hospital, my order is: must accept admission. You fail on that, I will relieve all of you sa hospital. And you can consider yourself suspended because the written order will follow,”
Asthma on COVID-19 patients
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Asthmatic senior citizen rejected by hospitals | Image from Freepik
Asthma on COVID-19 patients
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at World Health Organization (WHO), ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease katuladng asthma. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
Ayon sa CDC, ang mga taong may asthma ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat nilang tandaan at gawin:
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Mag tabi ng sapat gamot para sa asthma
- Panatilihin ang social distancing
- Palaging maglinis ng kamay
- Maging malinis
Source: GMA News Online
BASAHIN: 23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19