Isang kapapanganak pa lamang na baby mula Batangas ang namatay dahil sa COVID-19. Mahalagang malaman ang mga sintomas nito para safe si baby!
23-day-old baby namatay dahil sa COVID-19
Noong Thursday, April 9, inanunsyo ni Mayor Eric Africa ng Lipa, Batangas ang kanilang pinaka latest na fatality case sa kanilang lugar.
Isang 23-day-old baby ang namatay dahil sa COVID-19, siya ang Case No. 15 ng Lipa, Batangas. Ang batang lalaki ay nagmula sa Barangay ng Lodlod.
Napag-alaman na namatay ang 23-day-old na baby bago nakumpirma ng Department of Health na nag positibo ito sa pandemic COVID-19.
Nanghingi naman ng dasal si Mayor Eric Africa para sa 23-day-old na baby na namatay dahil sa COVID-19.
“Please pray for the soul of their Little Angel.”
As of April 8, naitala na ang 39 na positive cases sa Batangas habang 8 naman ang mga namatay at 8 katao rin ang naka recover. Samantalang person under investigation namang maituturing ang 35 na residente dito at 367 ang persons under monitoring.
Kamakailan, sa lugar naman ng Bataan naitala rin ang pinakabatang nagpositibo sa kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar. Isang 1 month old baby na batang lalaki ang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19.
Batid rin ng Bataan provincial government na sumunod ang lahat sa nilatag na protocol ng Enhanced Community Quarantine. Manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan at ugaliin ang pagsagawa ng social distancing upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
Posible bang magkaroon ang baby ng COVID-19?
Ayon sa analysis, ang mga baby ay maaaring mag positive sa COVID-19, ngunit hindi ito malala.
Kumpara sa mga matatanda, mas makikita mo ang mga sintomas sa kanila katulad ng matinding pag-ubo o pagdumi. Samantalang sa mga bata naman ay mild symptoms lang.
Mayroon namang isa pang bagong pag-aaral, nakita ng mga researcher na mas delikado rin para sa mga baby at toddler kumpara sa mga pre-schooler. Lalo na kung ang isang baby at toddler ay may current health issue. Hindi pa kasi todong nadedevelop ang immune system nila at madali pa silang kapitan ng kung anu-anong sakit. Tandaan na ito pa rin ay base sa health at immune system ng isang bata.
23-day-old baby namatay dahil sa COVID-19 | Image from Unsplash
Sa pag-aaral mula January 16 hanggang February 8, naitala ng Chinese Center for Disease Control and Prevention ang 2,143 na batang may edad 18 pababa ay nagkaroon ng test at diagnosis sa COVID-19. At iba naman ay maaring nagkaroon na ng mga sintomas dahil sa exposure.
Sa madaling salita, ang mga baby at toddler ay delikado sa nasabing virus. Maaari silang makaranas ng seryosong komplikasyon sa baga at maging isang lung disease. Tandaan na lapitin ang mga bata lalo na kung ito ay may sakit na sa respiratory o immune system.
Sintomas ng COVID-19 sa baby at bata
Ito ang mga sintomas ng COVID-19 sa baby na maaaring makita sa kanila at sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa mga baby at matatanda ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Mataas na lagnat
- Shortness of breath
- Pag-ubo o dry cough
23-day-old baby namatay dahil sa COVID-19 | Image from Unsplash
Kung sakaling mapapansin mo na hindi na normal ang nararamdaman ng iyong baby, agad siyang dalhin sa ospital. Narito ang mga sintomas na kailangang bigyan ng pansin:
- Pagdumi
- Pagbabago ng kulay ng mukha
- Abnormal na pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
BASAHIN: 1-month-old na sanggol sa Bataan nag-positibo sa COVID-19 , COVID-19 on babies: Sintomas, paano iiwasan at mga dapat gawin
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!