REAL STORIES: "Nakabasag ng gamit si baby, hindi ko siya pinagalitan."

Makagawa man ng mali ang kaniyang anak, siniguro ng isang mommy na mananatili ang pagmamahal niya rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinatunayan ng isang mommy na kahit may magawang mali ang kanyang anak ay hindi pa rin mababawasan ang pagmamahal niya rito.

Sa kwento ni Mommy Eva, binalikan niya ang kanyang experience matapos na nakabasag ng kagamitan sa loob ng bahay ang kaniyang baby. Ngunit imbes na pagsabihan ito, mas nangibabaw ang pagiging maitindihan ng ina at tanggapin ang pagkakamali ng kaniyang anak.

Ayon sa kaniya, mas mahalagang matutunan ng anak na bumangon sa kanyang nagawang mali kaysa lalo itong i-down. Dahil baka mas lalo lang magkaroon ng negatibong epekto sa inyong baby kung papagalitan ito lagi sa tuwing nakakagawa ito ng hindi tama.

Basahin dito ang kwento ni Mommy Eva tungkol sa kaniyang naging realization bilang nanay.

Realization ni mommy noong nakabasag ng gamit si baby

Nabasag yung nag-iisang scented candle ko. Nagtatrabaho ako. Nasa gitna ng meeting. Nakaturn-off ang videocam dahil buhat si baby na medyo nagta-tantrums.

Binigay ko kay Husband sandali si baby pero umiiyak pag ‘di nakadikit sakin, kaya kinuha ko ulit. Habang nakikinig ako, ‘di ko napansin na nasagi na niya ang kandila.

Bumagsak at nabasag. Nagulat ako, kami. At syempre yung asawa ko ang naglinis ng mga basag na parte ng kandila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nasabi ko lang kay baby, “It’s okay baby, it’s okay.” Sabay yakap.

Larawan mula sa author

Na-realize ko. Grasya ng Panginoon yun. Yung mahinahon at magiliw na pagtanggap sa mali ng anak ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ganun ang nakalakihan ko. Naalala ko pa noon, noong minsan naglalaro ako sa kalsada, nagsisipa kami ng mga kaibigan ko. Habang nakatingin sa ere para sipain ang pabagsak na tingga, may kasalubong na pala akong nagtitinda ng fishball, in short nabunggo ako.

Hindi naman major injury pero alam ko nagkapasa ako. Tumakbo agad ako sa bahay bago pa man maunahan ako ng kaibigan kong magsusumbong. Nagtago na ako sa kwarto kahit masakit.

Bakit? Dahil takot akong mapagalitan pa lalo. Takot ako na nasaktan na nga ako, ako pa may kasalanan.

Ganito ang madalas eksena ‘pag nagkamali ang bata. Nadapa ka na, pagagalitan ka pa. Nasaktan ka na, papaluin ka pang lalo. Pumalpak ka na, sisisihin at tila wala ka ng ibang mabuting magagawa sa susunod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Na-realize ko sa sandaling nabagsak ni baby yung kandila, sisikapin naming mag-asawa na sa panahong may nagawa siyang mali hanggang paglaki niya, sasabihin lang naming, “Anak it’s okay, it is okay, we’re here and we love you”.

Larawan mula sa author

BASAHIN:

Paano disiplinahin ang anak nang hindi sinisigawan o pinapalo?

REAL STORIES: “Struggling to feed your toddler? You are not alone!”

Bakit hindi ka dapat galit sa tuwing pinagsasabihan ang iyong anak? Ito ang paliwanag ng eksperto

Batang magulang pa lang kami pero ito yung mga natututunan namin sa mga mentors, leaders, at mga kapwa naming magulang na kaibigan namin, ‘yong kapag nasaktan ang anak mo, yayakapin mo.

Kapag nasugatan, gagamutin mo at di na lalaliman pa lalo ang sugat. ‘Yong tatanggapin mo kahit may pagkakamali. Patuloy kang magtitiwala na kakayanin niya kahit madapa siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parents, we were given such a huge role in this life. We are to love them unconditionally. Whether they do good or bad. Whether they do right or wrong.

We are here to guide them and lead them to the truth. Build them up and not to break them. Speak life to them and not to destroy them. To be with them even they fail.

Mas mahalaga ang mga anak natin kaysa sa anumang bagay na masira nila. Lagi nating iisipin na anumang salitang lalabas sa ating mga labi ay mga salitang makakatulong para mas maging mabuti at maayos silang indibidwal.

Mahirap ang parenting pero isaalang-alang nating parati ang mararamdaman ng ating mga anak kahit maliliit pa lamang sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag may pagkakataon na hindi na natin alam ang gagawin, makakatulong na lumapit tayo sa mga taong may naging magagandang halimbawa sa larangan ng pagiging magulang. Huwag mahihiyang magtanong.

Sabi nga nila, “It takes a community to raise a child.”

Kaya mommies and daddies, let’s start a generation na hindi takot lumapit ang bata sa magulang kapag nagkamali sila, na kapag nasaktan tayo ang unang lalapitan.

Kaya natin yan sa ilalim ng grasya ng Panginoon!

Sinulat ni

Eva Gonzales