Pangatlong baby ni Nadine Samonte, maselan niya paring ipinagbubuntis dahil sa kondisyon na PCOS at APAS.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang pagbubuntis sa 3rd baby ni Nadine Samonte sa kabila ng kaniyang kondisyon na PCOS at APAS.
- Ano ang mga kondisyon na PCOS at APAS?
Pagbubuntis sa 3rd baby ni Nadine Samonte
Nitong nakaraang buwan ay ipinaalam sa publiko ni Nadine Samonte gamit ang kaniyang Instagram account na siya ay buntis sa kaniyang 3rd baby.
Sa larawang inupload ni Nadine ay makikita kung gaano kasaya ang buo niyang pamilya sa dagdag na blessing sa kanila. Doon niya rin inanunsyo na siya ay nasa 2nd trimester na ng pagdadalang-tao sa pangatlo niyang anak.
View this post on Instagram
Makalipas ang halos isang buwan ay nagbigay ng update si Nadine sa kaniyang pagdadalang-tao. Dito ibinahagi niya na muntik ng mawala sa kanila ang kaniyang ipinagbubuntis noong nasa first trimester palang ito.
Dahil tulad ng dalawa niyang naunang pagbubuntis ay nilalabanan niya parin ang sakit na PCOS at APAS hanggang sa ngayon. Pahayag ni Nadine,
“Everyday is a struggle but its more of a blessing. Feeling my tummy grow everyday is what im thankful for. Thank you Lord for our 3rd baby.
Yes I still have PCOS and mostly APAS. This journey is particularly different from my 2 kids. We almost lost our baby during my first trimester but with God’s grace and Guidance hindi nya kami pinabayaan. God is Good.”
Nadine Samonte: “I’m one strong momma here!”
Sa larawan ngang kalakip ng update sa pagbubuntis ni Nadine ay makikita ang kaniyang tiyan na puno ng pasa. Ito ay dahil kailangan niyang mag-inject araw-araw ng gamot sa kaniyang kondisyon upang maprotektahan ang kaniyang pagdadalang-tao.
View this post on Instagram
Pero mahirap man ang muling pinagdadaanan, sabi ni Nadine ay hindi siya nagrereklamo. At hindi siya susuko at mananatiling matapang at malakas para sa mga anak at pamilya niya.
“And more to come. Not complaining but hey i can say im one strong momma here fighting for my babies. Ang dami kong iniyak sa journey na to hehe😅 pero I wont give up EVER! I’ll fight and stay strong for them!!! Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin to. Hello to our rainbow baby soon😊 Our last😊❤️🌈.”
Ito ang nasabi pa ni Nadine.
Reaksyon ng mga netizens
Ang post na ito ni Nadine ay nakatanggap ng suporta at paghanga mula sa kaniyang mga kaibigan at fans.
Lalo na sa mga babaeng nakakaranas rin ng parehong kondisyon na nararanasan niya.
“Strong momma God bless you Po. I have PCOS din Po kaso d pa married hehe pero praying someday pag married na eh mabuntis agad Ako. 🙌”
“I have PCOS too and You are Amazing Mommy Nadine! prayers for you and little rainbow.”
Ito ang nasabi ng ilang netizens sa kondisyon ni Nadine.
BASAHIN:
“When I got miscarriage. Gumaling ang PCOS ko and after 6 months.. I got pregnant again.”
APAS o antiphospholipid antibody syndrome: Sanhi, sintomas, at lunas
“When I got miscarriage. Gumaling ang PCOS ko and after 6 months.. I got pregnant again.”
Ano ang PCOS at APAS?
Ayon sa Mayo Clinic, ang PCOS o Polycystic ovary syndrome ay isang hormonal disorder na nararanasan ng mga babae. Ang mga babaeng mayroon nito ay maaaring makaranas ng irregular o mahabang menstrual periods.
Sila ay maaaring marami ring male hormone na androgen sa katawan. At ang kanilang ovaries ay maaaring magkaroon ng maraming follicles o collection of fluids na makakaapekto sa pagre-release ng eggs ng kanilang ovaries na nagiging hadlang sa pagbubuntis.
Samantala, ang APAS naman o Antiphospholipid syndrome ay isang immune disorder na kung saan ang katawan ng isang babae ay nagproproduce ng abnormal antibodies na maiuugnay sa pagkakaroon ng abnormal blood clots sa kaniyang ugat.
Ang blood clots na ito ay madalas na nabubuo sa binti ng isang babae. Pero possible rin itong mabuo sa ibang bahagi ng katawan tulad ng kidneys, lungs at iba pang organs.
Ang mga abnormal na antibodies na pinoproduce ng APAS ay sinasabing mas prevalent o marami sa mga babaeng mayroon ring PCOS. Kaya madalas ang isang babaeng may PCOS ay nakakaranas rin ng kondisyon na APAS tulad kay Nadine Samonte.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
Paano mapoprotektahan ang pagbubuntis mula sa kondisyon?
Ang kondisyon na APAS dahil sa nagdudulot ng excessive blood clotting ay lubhang delikado sa pagbubuntis. Dahil sa ito ay maaaring magdulot ng pregnancy complications tulad ng preeclampsia, thrombosis, premature miscarriages at unexplained fetal death.
Sa pagbubuntis ay may treatment naman na maaring gawin upang maprotektahanan ang ipinagbubuntis na sanggol mula sa banta ng kondisyon.
Bagama’t mahigpit na ipinapayo na dapat ay pagplanuhan ng isang babaeng nay APAS ang kaniyang pagbubuntis. Dahil kung buntis na ay kailangang mag-take ng blood thinners na aspirin o heparin araw-araw ng buntis. At ito ay kailangan niyang gawin sa pamamagitan ng pag-iinject ng gamot sa kaniyang katawan.
Kasabay ng paggagamot ay kailangan ring iwasan ng buntis ang ilang activities na maaring magdulot sa kaniya ng injury o pagdurugo.
Tulad ng mga contact sports na maaring magdulot ng injury o pasa sa kaniyang katawan. Kailangan niya ring mag-ingat sa paggamit ng matutulis o matatalas na bagay na maaring makahiwa sa kaniya.
Source:
Mayo Clinic, Medical News Today, Medscape
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!