X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Nakaka-cancer nga ba ang baby powder?

3 min read
Nakaka-cancer nga ba ang baby powder?

Ano ba ang koneksyon ng baby powder at cancer sa isa't-isa? Totoo nga bang masama sa kalusugan ang paggamit ng baby powder? Ating itong alamin.

Hindi na bago ang makarinig ng kung anu-anong balita tungkol sa mapanganib na mga baby products, lalong-lalo na sa internet. Ngunit sino ba ang mag-aakala na mayroong kinalaman ang baby powder at cancer sa isa’t-isa? Kamakailan lang ay kumalat ang balita na marami daw nagsampa ng kaso sa isang nagbebenta ng baby powder dahil daw sila ay nagka-cancer dahil dito.

Pero may katotohanan nga ba ang mga paratang na ito? Masama ba ang paggamit nito sa kalusugan ng iyong anak? Ating alamin ang katotohanan.

Baby powder at cancer: Ano ang koneksyon?

baby powder at cancer

Madalas gamitin ang baby powder matapos paliguan si baby. | Source: Pixabay.com

Alam niyo ba na ang baby powder o talcum powder, ay gawa sa isang malambot na bato na tinatawag na talc? Ito ay hinuhukay mula sa mga minahan at ginagawang iba’t-ibang uri ng mga powder at cosmetics.

Ligtas din daw ang paggamit nito bilang isang pulbo, at wala pang napatunayang masamang epekto nito sa kalusugan. 

Pero ayon sa mga nagsampa ng kaso laban sa mga kumpanyang nagbebenta ng baby powder, nahahaluan daw ng asbestos ang talc na nakukuha sa minahan. Ito ay dahil madalas silang matagpuan ng magkasama sa minahan. Ang asbestos ay isang uri ng mineral na napatunayang nagdudulot ng cancer at iba pang mga sakit kapag nalanghap ng mga tao.

Bukod dito, kinasuhan at natalo ang kumpanya nang mapatunayang mayroong asbestos ang ilan sa kanilang mga produktong binebenta! Kaya’t marami na ang nag-aalala kung masama nga ba sa kalusugan ang paggamit ng pulbo.

Ano ba ang katotohanan?

Hanggang ngayon, hindi pa rin masabi kung ligtas ba o hindi ang paggamit ng baby powder. Ito ay dahil paiba-iba ang resulta ng mga pag-aaral tungkol sa baby powder at cancer, at wala pang isang pag-aaral na makapagsasabi na ito ay 100% na ligtas, o mapanganib.

Kaya’t hanggang ngayon, hindi pa rin masabi ng mga eksperto kung ligtas nga ba o hindi ang paggamit ng baby powder. Hangga’t walang pag-aaral na nakakapagsabi kung ligtas ba o hindi ang baby powder, mahirap magbigay ng rekomendasyon tungkol dito.

Gayunpaman, wala namang dahilan upang gumamit ng baby powder na gawa sa talc. Maraming ibang uri ng baby powder, tulad ng gawa sa rice flour, cornstarch, at iba pa na epektibo rin at mainam na gamitin sa balat.

Kaya’t kung nag-aalala kayo na baka makasama sa kalusugan ang talcum powder, mabuting gumamit na lang ng powder na gawa sa ibang material na napatunayan nang ligtas sa mga sanggol. Mayroon lang kamahalan ang mga produktong ito, ngunit magkakaroon ka naman ng peace of mind dahil siguradong walang panganib ang ganitong mga produkto.

Partner Stories
ULTIMATE GUIDE to Maya's #1212MoneyDay
ULTIMATE GUIDE to Maya's #1212MoneyDay
Alorica recognized as Employer of the Year in 2021 Stevie Awards for Great Employers 
Alorica recognized as Employer of the Year in 2021 Stevie Awards for Great Employers 
Navillera: Song Kang makes a perfect transformation into a ballerino with big dreams
Navillera: Song Kang makes a perfect transformation into a ballerino with big dreams
WHY a baby’s skin is different from adult skin
WHY a baby’s skin is different from adult skin

 

Source: Medical News Today

Basahin: “Nagbabalat si baby!” Mga dapat alamin tungkol sa pagbabalat ng bagong-silang

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Nakaka-cancer nga ba ang baby powder?
Share:
  • Baby na may Beckwith-Wiedemann Syndrome, kinailangang operahan

    Baby na may Beckwith-Wiedemann Syndrome, kinailangang operahan

  • Mga sintomas ng cancer sa bata

    Mga sintomas ng cancer sa bata

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Baby na may Beckwith-Wiedemann Syndrome, kinailangang operahan

    Baby na may Beckwith-Wiedemann Syndrome, kinailangang operahan

  • Mga sintomas ng cancer sa bata

    Mga sintomas ng cancer sa bata

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.