X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

JC Santos at Mommy Shy, ibinahagi kung paano nila napapatulog ng 8pm si Baby River

5 min read

Baby River Santos, alamin kung paano naturuan ng mga magulang niyang sina JC Santos at Shy Herrera na matulog ng maaga.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano bilang isang ama si JC Santos sa anak na si baby River Santos.
  • Parenting tips mula kay JC Santos at misis niyang si Shy.

Paano naturuan si Baby River Santos na matulog ng maaga?

Sa kanilang mga social media post ay makikita kung gaano ka-cool bilang couple ang mag-asawang JC Santos at Shy Herrera. Ang coolness nila ina-apply din nila sa pagiging parents sa 1 year and 8 months old na si Baby River. Kahit first time parents pa nga lang ay marami ng tips ang matutunan sa mag-asawa. Isa na nga rito ay kung paano nila napapatulog ng maaga si baby River, specifically ng alas-8 ng gabi. Paano nila ito nagagawa? Ito ang kanilang sikreto.

“Pinapatay na 'yung ilaw tapos wala ng activities, wala ng screen at 8 pm yun na yon eh that's the time. Maybe 30 mins maglilikot muna siya sa bed tapos kukulitin na muna niya si Shy hanggang sa makatulog na lang siya.”

Ito daw ang strategy na ginagawa ni JC at misis na si Shy para maagang mapatulog si River.

Sa murang edad ni River na 1 year at 8 months ay sinasanay narin nila ito na matulog na nakahiwalay sa kanila. Pagbabahagi ni JC ay ginagawa nila ito sa anak ng dahan-dahan na nakikita naman nilang effective at nakakasanayan niya na.

“We started na katabi namin siya, nasa gitna namin sya. Tapos nagkaroon na kami ng isang bed sa baba so we're gradually bring her on another bed, para ma-establish na may bed na siya. Tapos eventually, another room na 'yon. Lalagyan na namin ng sofa sa gitna gano'n para alam niya na nandiyan lang kami."

Ganito daw ang strategy na ginagawa nila JC Santos kay baby River para unti-unting mailipat ang anak sa sarili niyang kwarto.

Parenting tips mula kay JC Santos at misis na si Shy Herrera

baby river santos

Image from JC Santos Instagram account

Maaga rin daw inintroduce ni JC at Shy ang halaga ng pag-aaral sa anak na si River. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng books with images na nai-enjoy ni River habang siya ay natututo.

“Nung first year nya nag introduce na kami ng books with images. So every day she learns new words through those images. Kunware 'umbrella', 'A is for apple', 'B is for banana'. Even shapes and colors at this parang memorize na nya yung book.”

Ito ang masayang pagkukuwento ni JC. Dagdag pa niya, dahil sa mga nakikita at natutunan ng anak ay nauna pa nga daw nitong nabanggit ang salitang “banana” kaysa tawagin silang mama at papa.

“Sobrang mabilis yung pick-up nya. Natutuwa kami lalo na pag nakakarinig kami ng 'please' and 'thank you'. Nandoon na sya sa words na yon. I remember the first word na natutunan niya talaga ng buo is 'banana' because of the song 'Apples and bananas'. Then she says it with every emotion as in 'bananaaa, bananaaa’.”

BASAHIN:

JC Santos and wife Shy Herrera, ibinahagi ang pregnancy journey sa kanilang “miracle” Baby River

LOOK: Meet River Aletheia, ang super cute na anak ni JC Santos

The 4 best parenting hacks you should try

Paano nasisigurong healthy nila JC at Shy ang anak na si River

baby river santos

Image from JC Santos Instagram account

Pagdating naman sa food at pagiging healthy, hanggang ngayon umano ay breastfed parin si baby River. Paano na-mamaintain ni Mommy Shy ang breastmilk flow niya? Ito ang kaniyang ginagawa.

“I think pinaka-mahalaga is water. Tapos wag ma-stress sa life. Yun lang siguro. Hindi kasi ako stress kaya hanggang ngayon nandyan pa rin yung milk production ko. Kasi sa mga friends ko sinasabi nila na nawawala 'yung sa kanila at an early phase kasi sa stress.”

Ito naman ang pagbabahagi ni Mommy Shy.

Pero maliban sa breastfed ay matakaw narin daw si River kumain ng mga solid foods. Sa kaniyang diet everyday ay hindi daw nawawala ang fruits na nakakatulong sa digestion at bowel movements niya.

“Mayron palagi siya fruits para fiber kasi umaabot ng 1 whole day na hindi siya nagpo-poop so kailangan namin ng fruit intervention.”

Ito ang sabi pa ni JC.

JC and Shy as parents to baby River

baby river santos

Image from JC Santos Instagram account

Sa ngayon, sabi ni JC at Shy ay super nai-enjoy nila ang pagiging parents sa anak na si River. Dahil marami silang natutunan at nadidiscover sa anak kahit sa bata palang nitong edad. Kung puwede nga lang daw ay gusto lang ni JC na mag-stay sa kanilang bahay at alagaan lang ang anak.

“Ako nag eenjoy ako eh. Ako every single day, I see things. I learn new things from her, from myself na 'ah ganito pala ako.' So this is fun for me. Ako kasi education is good eh. I'm pro education so everytime I learn something new it's exhilarating. It's great. I want more. Kung hindi lang ako lumalabas, I don't mind being a stay home dad”, sabi ni JC.

Ganito rin umano ang ginagawang magic kay Mommy Shy ni River.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

“Dahil araw-araw ko syang kasama, yung stages of development nya ay nakikita ko. So amazing lang. She's learning a lot from me and JC. Parang nakikita ko nga ngayon yung myself eh. Nakikita ko yun every gestures nya”, sabi ni Mommy Shy.

“And I think everyday she's inspiring us to do our best”, hirit pa ng aktor at daddy na si JC Santos.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • JC Santos at Mommy Shy, ibinahagi kung paano nila napapatulog ng 8pm si Baby River
Share:
  • #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

    #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

  • Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

    Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

  • 11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

    11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

  • #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

    #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

  • Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

    Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

  • 11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

    11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.