Buntis, patay matapos kunin ng kaibigan ang unborn baby sa mismong tiyan nito

Sa salaysay ng suspek, pinatay nito ang kaibigan at hinati ang tiyan para makuha ang unborn baby nito sa loob ng sinapupunan. | Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby stolen from womb

Walang awang pinatay ang isang buntis ng kanyang mismong kaibigan. Napag-alamang dinala pa ito sa fake baby shower para sa kaniyang paparating na anak. Ang mas nakakakilabot pa rito ay ninakaw ng kaibigan ng buntis ang unborn child sa sinapupunan nito.

Buntis, patay matapos kunin ng kaibigan ang unborn baby sa mismong tiyan nito

Isang 24-year-old na buntis ang natagpuang wala nang buhay matapos pumunta sa fake baby shower. Si Flávia Godinho Mafra ay napag-alamang nasa 36th week ng kaniyang pagbubuntis. Ngunit natagpuan na lamang itong patay at wala na ang baby sa kaniyang sinapupunan.

Base sa imbestigasyon, si Mafra ay pumunta sa kanyang baby shower. Ngunit naniniwala ang dalawang testigo na ang dinaluhang baby shower ay fake at may kasamang iba ito nang umalis sa lugar.

Baby stolen from womb | Image from Newsflash

Ang suspek sa marahas na pagpatay kay Mafra ay kaibigan nito ay inamin ang krimeng ginagawa niya. Sa kaniyang salaysay, pinatay nito ang kaibigan at hinati ang tiyan para makuha ang unborn baby nito sa loob ng sinapupunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek na kaibigan ng biktima ay nabuntis noong 2019 ngunit nagkaroon ng miscarriage at tuluyang nawala ang baby nitong January lamang. Pinaniwala ng suspek ang mga kaibigan nitong siya ay buntis pa kahit hindi na.

Sa report pa ng pulisya, ang biktima ay napag-alamang dinala sa abandonadong lugar at doon hinampas ng matigas na bagay bago buksan ang kanyang tyan at kunin ang baby. Sa autopsy na isinagawa sa biktima, ito ay namatay dahil sa dinanas na injury sa kanyang abdomen.

Arestado naman ang suspek at ang kaniyang asawa dahil sa krimen na ginawa. Habang ang baby ng biktima ay pinapagaling dahil sa natamong cuts sa likod nito.

Ano ang postpartum depression?

Ang postpartum depression ay nararanasan ng mga nanay na pagkatapos nilang manganak. Ito ay halo-halong matinding emosyon katulad ng anxiety, mood swings, labis na pagiging emosyonal o kaya naman hirap sa pagtulog. Sa madalas na pagkakataon, ito ay mahirap pigilan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsisimula ang baby blues tatlong araw pagkatapos manganak ng isang babae at umaabot ng ilang linggo.

Baby stolen from womb | Image from Newsflash

Saka lang nagiging postpartum depression ito kapag tumagal ang nararanasang kondisyon ng isang nanay na halos tumatagal ng taon. Nararanasan ang postpartum depression bago, habang at pagkatapos manganak ng isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pag-aaral na pinublish sa British Journal of Psychiatry sa National Institute for Health Research, nasa 25% ng mga kaso ng postpartum depression ay nagsisimula sa pagbubuntis.

Sintomas ng baby blues

Nararanasan ito ng ibang nanay pagkatapos nilang manganak. Kadalasan tumatagal ito ng 2 linggo. Narito ang sintomas:

  • Hirap sa pagtulog
  • Pagiging malungkutin
  • Pag-iyak
  • Sobra-sobrang emosyon
  • Iritable
  • Hirap sa pagkain
  • Pagkawala ng concentration
  • Anxiety
  • Mood Swings

Sintomas ng postpartum depression

Napag-alaman rin na mataas ang rating ng depression sa 8th month ng pregnancy. Mahirap malaman kung ang nararanasan mo ba ay matatawag mo nang depression. Ngunit kapag nakita mo na ang mga sintomas ng postpartum depression, kailangan mo nang magpatingin sa iyong doctor.

Baby stolen from womb | Image from Newsflash

Kadalasang napagkakamalang baby blues ang postpartum depression. Pero malalaman mong postpartum depression ito dahil mas malala at mas matagal na mararanasan ito. Mararanasan ito bago, habang o pagkatapos manganak. Kadalasan itong tumatagal ng taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang sintomas ng postpartum depression na dapat mong bigyang pansin:

  • Malalang mood swings
  • Sobra-sobrang pag-iyak
  • Hirap makihalubilo sa baby
  • Pagiging malungkutin o miserable sa araw-araw
  • Sobra sobrang magalit
  • Umiiyak palagi kahit sa maliit na bagay
  • Iritable at galit sa halos lahat ng bagay
  • Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati ay nag eenjoy ka
  • Hirap sa pagtulog o sobra sobra ang pagtulog
  • Overeating o pagkawala ng appetite
  • Sobrang pagkapagod
  • Lack of concentration
  • Nawawala ang connection sa baby at nakakapag isip ng malulungkot na mga bagay
  • Pagkawala ng connection sa asawa at pamilya
  • Thoughts of self harm
  • Suicidal thoughts

 

Source:

News.com

BASAHIN:

5 dapat gawin upang maiwasan ang stillbirth

Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano