WATCH: Baby Tali binati ang kaniyang kuya Vico Sotto ng happy birthday

WATCH: Baby Tali binati ang kaniyang kuya Vico Sotto ng happy birthday

Baby Tali binati si Vico Sotto ng happy birthday sa pamamagitan ng isang kanta.

Baby Tali binati si Vico Sotto ng Happy birthday! Ito ay sa pamamagitan ng isang kanta na nakunan ng video ng kaniyang ina na si Pauleen Luna at ikinatuwa ng mga nakanood na netizens.

Baby Tali binati si Vico Sotto ng happy birthday

Kahapon ay ganap ng nag31-anyos si Pasig City Mayor Vico Sotto. Siya ay ang anak ng comedian na si Vic Sotto at aktres na si Coney Reyes.

Baby Tali binati si Vico Sotto ng happy birthday

Image screenshot from Pauleen Luna-Sotto’s Facebook`video

Dahil sa kaniyang magandang record sa pagpapatakbo ng Pasig at bilang isa sa kilalang anak ni Vic Sotto ay nakatanggap ng maraming pagbati si Mayor Vico sa kaniyang kaarawan. Isa na nga siguro ang masasabing espesyal at nakakaaliw ay ang pagbati mula sa kaniyang bunsong kapatid na si Tali na anak nina Vic Sotto at misis nitong si Pauleen Luna.

Ang pagbati ni Tali ng happy birthday sa kaniyang Kuya Vico ay idinaan nito sa isang kanta. Ito naman ay ipinost ng kaniyang ina na si Pauleen Luna sa social media na ikinatuwa ng mga netizens. Dahil sa bandang dulo ng video ay tila nakalimutan ni Tali ng pangalan ng Kuya Vico niya.

“Happy Birthday Kuya Vico from napaka cute na bunso.”

“Muntik pang makalimutan, eh! Nawala na yung ‘kuya’ sa huli.”

Ito ang caption ng video ni Tali na kinakantahan ng Happy birthday ang kaniyang Kuya Vico.

Reaksyon ng mga netizen

Ikinatuwa ng mga netizen ang sweet birthday greeting na ito ni Tali. Ang iba nga ay sinabing very talented ang bata at talagang nagmana sa kaniyang mga magulang. May nagsabi ring nakaka-good vibes talaga ang kakyutan ni Tali. Habang ang iba naman ay nagpaabot rin ng kanilang pagbati kay Mayor Vico Sotto

“Hangkyut… So sweet naman ni baby tali. Happy birthday Mayor Vico!”

“Nakakatuwa ka Tali ang sweet mo naman k Kuya Vico mo. God Bless u sll lagi kitang pinapanood dami mo mo na dina alam galing mo na ding kumanta.”

“Nakakataba ng puso para sa isang kuya na may kapatid na sweet na sweet na si Baby Tali.”

“Sabi ni Tali sa dulo,happy birthday vico-ya…tali nakuha mo na rin pagiging comedian ni daddy mo.”

“Wow talented talaga manang mana sa mga magulang c Baby Tali.”

“Tali tuwang tuwa ako sayu😂😂 nkaka good vibes ka talaga lalo na pag kumanta kna ahaha”

“So cute kakatunaw ng puso so sweet naman Tali bunso❤ naka ilang ulit ko pinanuod.”

“Smart kid!!! hb to ur kuya lil’ princess! You’re already making a lot people happy just by watching your videos… keep it up kid! great job parents!”

Mayor Vico Sotto birthday request

Kahapon ay pinasalamatan naman ni Mayor Vico ang lahat ng bumati at babati palang umano sa kaniyang kaarawan.

Pabiro niya pang pahayag sa mga nagtatanong ng kung anong gusto niyang regalo, grocery food pack nalang daw para sa mga nangangailangan.

Baby Tali binati si Vico Sotto ng happy birthday

Image from Vico Sotto’s Facebook account

“Maraming salamat po sa lahat ng bumati at sa mga babati pa lang!

Sa mga nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo, bumili na lang po kayo ng grocery foodpack at ipamigay sa nangangailangan (pwede nyo i-drop off sa RED o sa mayor’s office; kung ano ang mas convenient).”

Ito ang pahayag ni Mayor Vico sa kaniyang social media account.

May naging request rin siya sa kaniyang mga staff at empleyado. Ito ay kung maari ay wala munang celebration o surprise party.

“Pakiusap na wala munang celebration o surprise party. Hindi naman ako mahilig sa party at higit pa rito, bawal pa ang mga mass gathering.. buhay na buhay pa si Covid mga kaibigan!

Papunta na po akong opis ngayon. Kung may binabalak kayo, itigil niyo na yan! 😂”

Ang kaniyang post ay sinundan rin ng pagbati mula sa mga netizens at pasasalamat ng mga taong natulungan niya lalo na ngayong may pinagdadaanang health crisis ang bansa.

Baby Tali and her half siblings

Samantala, maliban kay Mayor Vico ay close rin kay Baby Tali ang iba pa niyang mga kapatid. Sa katunayan ay gigil na gigil at aliw na aliw nga rin ito sa kakyutan niya.

Sa isang larawan nga na ipinost ni Mayor Vico sa kaniyang Instagram ay makikita kung paano niya pang-gigilan ang little baby pa noon na si Tali.

Baby Tali binati si Vico Sotto ng happy birthday

Image screenshot from Instagram

Ang bonding at closeness na ito ng magkakapatid ay hinangaan ng mga netizens. Dahil kahit magkakaiba-iba ang kanilang mga nanay ay magkakasundo sila.

“Kuya Vico and Ate, nice bonding together with their cute little baby sister, Tali. nagiging laruan nila si baby Tali.”

“Ang ganda nmn tignan ng mag kakapatid na eto super cute nmn kc tlg ni baby tali. kaya napag gigigilan ni ate at kuya nya”

“Sweet sibling good sample kayo mag kakapatid ang acceptance each other maganda ang pag palaki ng parents niyo”

Ito ang ilan sa mga naging pahayag ng mga netizen.

 

Source:

GMA News

Basahin:

LOOK: Reaction ni baby Tali kapag pinapagalitan ni Pauleen Luna-Sotto

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner