WATCH: Baby Tali, kaya na raw bigkasin ang A, B, C!

lead image

Hindi maitatago ang talino ng anak ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto na si Baby Tali sa isang video kung saan ay binibigkas niya ang alphabet

Kamakailan lang ay nagpost ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto ng mga picture ni Baby Tali habang nag-eenjoy sa pool. Dito, kitang-kitang talagang nag-eenjoy siya kasama ang kaniyang Daddy Vic.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Vic and Pauleen Sotto (@team_bosleng) on


Ngunit alam niyo ba ay napaka-advanced rin na bata ni Tali? Sa katunayan, kahit magdadalawang taon pa lang si Tali sa Nobyembre, ay kayang-kaya na niyang bigkasin ang ilang mga letters ng alphabet! Ibinahagi ng kaniyang mga magulang ang kakaibang talino ni Baby Tali sa isang Instagram post.

Baby Tali, kaya nang bigkasin ang mga A, B, C

Sa video, makikita si Tali na nanonood ng educational video na tinuturo ang alphabet. Habang pinapanood niya ito ay dahan-dahan niyang sinasabayan, at ginagaya ang mga tunog ng letters na itinuturo.

Bagama't hindi pa perpekto ang pag-pronounce ni Tali, kitang kita na marami na siyang nabibigkas na mga letra, at kahit papano ay naiintindihan niya ang mga sinasabi sa video.

Inaasahan namin na magbabahagi pa ng mga videos ang magulang ni Tali, at siguradong ipapamalas niya ang kaniyang pagiging mahusay at advanced para sa edad niya!

Panoorin dito ang video ni Tali na inupload sa Instagram:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Vic and Pauleen Sotto (@team_bosleng) on

 

Paano mo malalaman kung advanced ang development ng iyong anak?

Nais mo bang malaman kung mas advanced kaysa sa ibang bata ang iyong anak? Heto ang ilang palatandaan:

  • Maganda ang kanilang memory
  • Tila lagi silang curious sa paligid
  • Naiintindihan nila ang cause and effect ng mga bagay
  • Gusto nilang sumasama sa mga mas nakatatanda
  • Maganda ang kanilang language skills
  • Sila ay may strong na personality
  • Mas emotional sila
  • Mas marami silang energy para gumawa ng kung anu-ano
  • Mahilig sila sa mga hobbies
  • Hilig nila ang pagbabasa

Basahin: STUDY: 10 paraan para matulungan ang bata na maging matalino

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner