Pampatalino sa bata? May mga paraan para matulungan ang iyong anak na magkaroon ng mataas na IQ. At ito ay base sa mga pag-aaral at pananaliksik ng siyensa at subok na epektibo.
Mga paraan ng pampatalino sa bata
Para matulungan ang iyong anak na maging matalino ay may sampung paraan na maaring gawin para mahasa ang kaniyang IQ. Narito ang sampung paraan.
Ayon sa pag-aaral, ang mga music lessons ay mabisang pampatalino sa mga bata.
Nang ikumpara sa mga batang hindi sumasailalim sa music lessons. Natuklasang ang mga batang kabilang sa music group ay mas mataas ang score sa IQ subtest at naitalang mas nagkakamit ng academic achievement.
At hindi nga lang daw sa mga bata helpful ang music. Dahil ayon sa isang Northwestern University study nakakatulong din daw ito sa matatanda sa pamamagitan ng pagbabawas ng epekto ng aging o pagtanda.
2. Exercise
Ang pag-eexercise ay tumutulong para mas mapabilis ang ability ng isang batang matuto.
Base sa isang 2007 human study ng mga German researchers, mas natuto ng 20% ng mga bagong vocabulary words ang mga tao pagkatapos mag-exercise.
Sinuportahan naman ito ng isa pang pag-aaral na nagsabing ang tatlong buwan ng pag-eexercise ay nag-iincrease ng blood flow sa parte ng utak na nagfofocus sa memory at learning ng 30%.
3. Pagbabasa kasama ang anak
Ayon sa isang research ang pagbabasa kasama ang iyong anak ay mas nag-iimprove ng kaniyang reading skills at strategies.
Ito ay mas effective na paraan para siya ay matuto kumpara sa pagtuturo sa kaniya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga pictures sa libro habang ikaw lang nagbabasa.
Larawan mula sa Shutterstock
4. Maayos na tulog
Ang kakulangan ng isang oras na tulog ng isang bata ay katumbas ng dalawang taong pagkawala ng kaniyang cognitive maturation at development.
Habang nakakakuha naman ng mas mataas na grades ang mga batang natutulog ng dagdag pang 15 minutes. Ito ay base sa pag-aaral na tinalakay sa librong Nurtureshock na isinulat nina by Po Bronson at Ashley Merryman.
5. Pagkakaroon ng self-discipline
Ayon sa librong The Power of Habit: Why We Do What We Do in Life and Business ni Charles Duhigg, natatalo ng self-discipline ang IQ pagdating sa pag-pepredict sa kung sino ang magiging successful sa buhay.
Ilang pag-aaral narin ang nagpakita na ang willpower ay ang pinaka-importanteng habit para makamit ang individual success. Ito ay makikita sa epekto ng self-discipline sa academic performance at pagkakaroon ng high grades sa school ng isang bata. Kumpara sa nagagawa ng intellectual talent.
Habang ang “conscientiousness” naman o ang pag-gawa ng isang bagay na may dedikasyon ay hindi lang tumutulong na magkaroon ng better grades ang bata sa school.
Sa kanilang paglaki ay tinutulungan din sila nito na umiwas sa paggawa ng krimen. Ganoon din na magkaroon ng happy married life kapag sila ay kinasal na.
Naitala ding ang mga taong may self-discipline ay nabubuhay ng mas matagal dahil wala silang bisyo. Kaya naman mas mababa ang tiyansa nilang ma-istroke, magka-highblood pressure at magkaroon ng Alzheimer’s disease.
Ito ay mula naman sa isang pag-aaral na tinalakay sa librong How Children Succeed: Grit, Curiosity, and the Hidden Power of Character ni Paul Tough.
Habang ang best predictor daw ng success, ayon naman sa isang pag-aaral mula sa librong Drive: The Surprising Truth About What Motivates Us ni Daniel H. Pink ay ang “grit.” Ito ay ang perseverance o ang passion na magkaroon ng long term goals.
6. Pagiging active
Base naman sa isang pag-aaral mula sa librong Brain Rules for Baby: How to Raise a Smart and Happy Child from Zero to Five ang pagiging active ay mas magandang paraan para sa mga batang matuto kaysa sa panonood lang ng baby videos.
Sa isang oras kada araw nga daw na panonood ng baby videos, ang mga bata ay nakakaintindi lang ng anim hanggang walong salita. Kumpara sa mga batang hindi nanonood nito.
Dahil ayon naman sa librong The Talent Code ni Dan Coyle, ang paggawa sa mga bagay ay mas tumutulong sa ating utak na mag-evolve kumpara sa pakikinig lang para matuto.
Larawan mula sa Shutterstock
7. Treats gaya ng caffeine at sugar sa tamang oras
Maliban sa pagkain ng masustansiya, hindi naman masama para sa mga batang kumain ng mga “bad foods” paminsan-minsan gaya ng caffeine at sugar. Dahil ayon sa isang research ito daw ay mga brain boosters. Tinutulungan din daw nito ang isang taong mas maging attentive at mas tumalas ang memory processes ng kaniyang utak.
Kaya naman isang magandang reward ang candies at sodas sa mga bata lalo na kapag sila ay nag-aaral.
8. Pagiging masiyahin
Ayon sa pag-aaral ang mga batang masiyahin ay mas nagiging successful sa buhay.
Sa kanilang paglaki ay mas nagkakaroon sila ng mas magandang performance reviews, prestigious jobs at mas mataas na sahod kapag sila ay nagtratrabaho na. Mas mataas din ang tiyansa nilang maging masaya at satisfied sa kanilang partner kapag naikasal na. At ang unang hakbang para maging masiyahin ang isang bata ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masiyahing magulang.
9. Mga matatalinong kaibigan
Isa pang mabisang pamapatalino sa mga bata ay ang mga taong laging nakakasama nila. Ito ay kanilang mga kaibigan.
Ayon sa isang pag-aaral ng economist na si Bruce Sacerdote natuklasan niya na ang peer influence ay malaki ang nagagawang impluwensiya sa performance ng isang bata.
Sa isang experiment napatunayan niya na kapag ang isang estudyante na may mababang grades sa school ay nagsimulang makasama ang isang estudyante na may matataas na grades ay nagsimula ring tumaas ang grade nito.
Kaya naman ang mga taong nakakasama ng isang bata ay dapat laging maging magandang impluwensiya sa kaniya.
10. Pagtitiwala sa kakayahan ng iyong anak
Ang pagtitiwala ng ang iyong anak ay matalino kumpara sa iba ay malaking bagay.
Ito ay napatunayan ng isang pag-aaral na tinalakay sa librong “The Heart of Social Psychology: A Backstage View of a Passionate Science”.
Base sa pag-aaral isang eksperimento ang ginawa para mapatunayan ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagpili ng mga estudyante sa loob ng isang klase na tinawag na “academic spurters”. Tinatawag din na mga potential achievers sa loob ng klase na randomly o walang batayan.
Sa nakakagulat na resulta matapos ang school year, 30% ng mga batang tinawag na academic spurters ay nag-gain ng 22 IQ points habang ang iba ay 10 IQ points.
Kaya naman ipinapakita nito na ang pagkakaroon ng support system. Ganoon din ang pagkakaramdam ng isang bata na may naniniwala sa kakayahan niya ay malaking bagay.
Isa ito sa the best na paraan na pampatalino na kakailanganin ng iyong anak mula sayo.
11. Hayaan silang magkamali
Minsan medyo nakakalungkot talaga kapag ang ating mga ating mga anak ay nagkakamali. Pero sa kanilang mga pagkakamali ay matututo sila. Kaya naman huwag magalit agad akapag sila’y nakagawa ng pagkakamalil.
Bagkus, ay ipaliwanag sa kanila ang kanilang pagkakamali at hayaan silang matututo mula rito. Minsan kasi kapag nakakakuha ng mababang grade ang ating mga anak ay napapagalitan natin sila. Ito’y may masamang epekto rin sa kanilang tiwala sa kanilang mga sarili.
Isang daan din ito, para maturuan sila na hindi ibig sabihing nagkamali sila ay failure na agad. Kundi isang paraan ito para hamunin ang kanilang mga sarili para mas maging mahusay pa.
Vitamins na pampatalino ng bata
vitamins pampatalino ng bata. | Larawan mula sa Shutterstock
Bukod sa mga pinapakain natin sa ating mga anak na pampatalino sa katulad niyang bata narito ang mga vitamins na pwede ring makapag-boost ng kaniyang talino.
Alamin natin ang mga vitamins na pampatalino ng bata na maaari nating mapainom sa ating anak. Para na rin sa kaniyang brain development.
Ang mga vitamin na may DHA o Docosahexaenoic Acid ay may malaking role para sa development ng eye nerve tissues. Para sa mga bata o infant o toddler ay nakakatulong ito para sa kanilang develepment.
Katulad na lamang nang pag-boost ng kanilang memory, at thinking skills. Pati na ang mga ilang mga eye disorder at iba pang kundisyon.
Walang tiyak na totoong epektibo nga ito pero sinasabi ng mga eksperto na makakatulong ang pag-take vitamins na ito para sa pampatalino ng bata.
Safe ba ito para sa anak ko?
Ang DHA ay ligtas naman para sa mga bata lalo na kung napapainom ito ng tama. Ang DHA ay kasama rin sa mga infant formula. Ligtas din ito para sa mga batang may edad na 7 taong gulang at pataas pa, lalo na kung bibigyan ito ng 30 mg/kg na dose nito. Pwede ito bigay nang tuloy-tuloy hanggang 4 na taon.
Babala:
Kahit na safe ito kadalasan para sa mga bata posibleng hindi maging ligtas para sa mga preterm infants born na wala pang 29 weeks. Maaari kasing makaapekto ito sa kanilang paghinga.
Kaya naman mahalaga na tanungin ang pediatrician ng iyong anak patungkol sa vitamins na pampatalino ng bata na ligtas para sa kanilang edad.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!