Baby walang butas sa puwit ng maipanganak. Doktor hindi agad napansin ang kondisyon ng sanggol.
Baby walang butas sa puwit
Isang sanggol na babae mula sa India ang ipinanganak na walang butas sa puwit. Ang kondisyon ng sanggol natuklasan ng kaniyang 22-anyos na ina matapos ang 13 oras ng siya ay maipanganak.
Ayon sa isang medical case report, ang baby walang butas sa puwit ng maipanganak ay hindi agad napansin ng mga doktor ang kalagayan. Bagamat kanila daw itong i-chineck agad pagkatapos maisilang ng kaniyang ina. Paliwanag ng mga doktor ito ay dahil sa hindi pa nai-stretch ng ganap ang balat ng sanggol sa bandang puwitan kapag bagong panganak.
Sa ginawang eksaminasyon ng mga doktor, natuklasan nilang may normal na rectum o puwit ang sanggol. Bagamat natatakpan ang butas nito ng high pigmented na balat.
Mayroon ding nabuong channel o lagusan na nagdudugtong sa puwit at vagina ng sanggol. Ito ang naging dahilan kung bakit sa iisang butas lumalabas ang kaniyang dumi at ihi.
Dagdag pa ng mga doktor ay wala silang natuklasang genetic condition na taglay ang sanggol na maaring maging dahilan ng kaniyang anorectal malformation. Dahil ayon sa University of Rochester Medical Center, ang kondisyon daw na ito ay nararanasan ng mga sanggol na may underlying birth defects ng maipanganak. Tulad ng Down syndrome, spinal defects at Townes-Brocks syndrome. Pero giit ng mga doktor na tumingin sa baby walang butas ang puwit ay wala daw sa mga ito ang taglay ng sanggol. At maari daw itong maisaayos ng isang operasyon ng kung saan i-rerepair at magkakaroon ng butas ang puwit niya.
Imperforate anus o improperly developed anus
Ang imperforate anus ay isa sa mga birth defects na nararanasan ng sanggol habang siya ay lumalaki sa sinapupunan ng kaniyang ina. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng improperly developed anus na may sumusunod na sintomas:
- Walang butas sa puwit.
- Maling posisyon o napakalapit ng butas ng puwit sa vagina na babaeng sanggol
- Hindi pagdumi matapos maipanganak ng nakalipas na 24-48 oras.
- Paglabas ng dumi sa ibang bahagi ng katawan tulad ng urethra, vagina at scrotum.
- Namamagang tiyan.
- Abnormal na koneksyon ng daanan ng dumi ng sanggol sa kaniyang reproductive system o urinary tract.
Ayon sa Cincinnati Children’s Hospital, ang kondisyon na ito ay nararanasan ng isa sa kada 5,000 na sanggol na isinisilang. Madalas daw na nararanasan ito ng mga lalaking sanggol na nagtataglay din ng sumusunod na birth defects o abnormalities:
- Kidney and urinary tract defects
- Spine abnormalities
- Windpipe o tracheal defects
- Esophageal defects
- Arms and legs defects
- Down syndrome
- Hirschsprung’s disease
- Duodenal atresia
- Congenital heart defects
Ang tanging paraan para maisaayos ang kondisyon na ito ng isang sanggol ay ang pagsasagawa ng operasyon o surgery. Ito ay upang maitama ang pagkakamali o abnormality na kaniyang nararanasan.
Paano mababawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng birth defects ng isang sanggol
Bagamat ang mga birth defects tulad nito ay hindi maiiwasan, may mga paraan naman upang mapababa ang tiyansa ng isang sanggol na makaranas nito. At ito ay sa pamamagitan ng tulong ng kaniyang ina na responsable sa maayos na development niya sa loob ng sinapupunan.
Ang ilan sa paraang maaring gawin ng isang babae upang maiwasan ito ng kaniyang sanggol na dinadala ay ang sumusunod:
Bago magbuntis
- Siguraduhing up-to-date ang iyong mga bakuna.
- I-check at siguraduhing hindi ka nagtataglay ng kahit anong STDs o sexually transmitted disease.
- Uminom ng daily recommended dose ng folic acid bago magbuntis.
- Bago uminom ng kahit anong gamot ay magpakonsulta o magtanong muna sa iyong doktor.
Habang nagbubuntis
- Uminom ng prenatal vitamis.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain.
- Huwag manigarilyo at iwasan ang 2nd hand smoke.
- Huwag uminom ng alak.
- Iwasan ang pinagbabawal na gamot.
- Mag-ehersisyo at magpahinga.
- Magpakonsulta agad kapag nalamang ikaw ay buntis at regular na magpacheck-up.
Source: DailyMail UK, Kid’s Health, Healthline
Photo: Freepik
Basahin: Pantanggal ng pimples, maaaring magdulot ng birth defects sa ipinagbubuntis