Sinong mag-aakala na ang simpleng walker na gamit ni baby ang maaaring makapagdulot ng aksidente sa kanya?
“Walker is not advisable” warning ng ina matapos maaksidente ang anak
Nitong March 2, isinugod sa ospital ang 11 months old na lalaki. Siya ay matapos maaksidente sa sinasakyang walker.
Ayon sa post ng kanyang nanay na si Meiko Montefalco sa Facebook, mga 8 ng umaga nang mangyari ang aksidente. Kasalukuyan silang natutulog ng kanyang asawa. Ang kanyang anak naman na si Albion ay nasa bakuran nila kasama ang kanyang nanay at yaya nito. Ito ay para paarawan ang bata dahil maganda ang sikat ng araw sa ganitong oras.
Habang nasa walker si Albion, nagpag desisyunang magsiga ng mga tuyong dahon na nalaglag sa puno ang kanyang yaya sa bakuran. Pagkatapos nito, pumunta rin ang yaya malapit sa kanyang nanay upang tulungan itong ayusin ang mga bote. Ayon sa kanya, hinila pa nito ang walker ni Albion upang mapunta sa pwesto nila. Ngunit maya maya lamang, nagulat sila ng umiiyak na ang bata at nakasubsob na sa sinisigang mga dahon.
Ayon sa ina,
“Ang itsura daw ng anak ko, lower body ay nasa walker pa, nakataob pa-slant ang walker, at ang ulo at upper body ay nakasubsob na doon sa mga siga. Nakatukod/Nakalapat yung buong kanang braso nya sa mismong baga at yung kanang pisngi nya at nakatapat sa apoy.”
Dahil sa nangyari, nag hysterical na sa kanilang buong bahay habang iyak ng iyak ang bata. Nagising na rin sila dahil sa nangyari. Agad nilang isinugod sa ospital si baby Albion.
Bahagi ng ina, walang tumulong luha sa kaniya habang sinusugod sa ospital ang kanyang anak. Ngunit pagkatapos ng lahat ng procedure, dito na siya bumigay at umiyak.
Para kay Meiko Montefalco, magsilbing aral ito sa mga magulang. Bantayan ng maigi ang kanilang mga anak lalo na kung kailangan talaga nila ng gabay. Ang sabi sa kanya ng kanyang doctor, hindi talaga advisable ang paggamit ng walker sa bata. Maaaring madelay lang ang development nito at mapalapit sa aksidente.
List of baby walker accidents
Ayon sa iba, hindi na talaga safe gumamit ng walker ang mga baby. Isa kasi itong dahilan para makapag udyok sa inyong anak na abutin ang isang bagay na matipuhan nila. Katulad na lamang ng mga bagay na pwedeng makapagdisgrasya sa kanila. May iba rin na para daw matigil ang paggamit nito, kailangang ibanned na agad hanggat maaga pa.
Sa tala ayon dito, tumataas pa rin ang mga kaso ng mga naaaksidenteng baby nang dahil sa paggamit ng naturang walker.
List ng mga aksidente:
- 2001, nahulog sa hagdanan ang isang 9 month old habang nakasakay sa baby walker at namatay ito.
- 2002, namatay ang isang 7 month old na bata nang sumbit ang kwintas nito sa waler dahilan para masakal siya.
- 2004, namatay ang isang 10 month old pagkatapos nitong hugutin ang cord ng lutuan na may lamang mainit na tubig
- 2005, namatay ang 9 month old matapos mapunta ito sa swimming pool habang nakasakay sa walker at nalunod
- 2006, namatay ang 7 month old nang mapunta ito sa kalsada at nabunggo ng truck habang nakasakay sa walker.
Makakatulong ang walker upang ma entertain ang iyong anak ngunit mapapalapit lang din ito sa aksidente. Bukod dito, maaari rin makaapekto sa development ng baby ang paggamit ng walker. Masasanay kasi ito na nakasakay sa walker imbes na maglakad ng kusa.
Ayon kay Lockwood,
“Using a walker comes with significant safety risks for your child and there are many alternative play options that promote development, while keeping your child safe … parents should not use walkers and instead opt for an activity center that does not have wheels,”
Basahin: Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!