Ngayong back-to-school na naman, nagbigay ng payo ang mga spine and neck surgeons hinggil sa tamang backpack na gagamitin ng mga bata.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Backpack ng bata, hindi raw dapat mabigat ayon sa mga eksperto
- How to choose the right backpack for your kid
Backpack ng bata, hindi raw dapat mabigat ayon sa mga eksperto
Talaga nga namang damang-dama na ang back to school ngayong 2022. Marami ang excited na ulit na bumalik sa face-to-face classes dahil ilang taon ding online class lamang ang mode of learning dahil sa COVID-19 pandemic.
Malamang sa malamang, maagang kinumpleto ng parents ang pagbibili ng mga gamit na need ng kanilang anak. Inihanda na siguro kaagad ang mga libro, supplies, lunch boxes, at iba pang essential na bagay. Sa excitement na ito both ng parents at bata, nauuwi sa dinadala na lang ang lahat ng mga gamit at inilalagay sa backpack.
Ang ganitong gawain ay hindi raw healthy para sa health ng inyong anak. Maaari raw kasi itong mauwi sa serious health hazard ayon sa opinyon ng mga spine at neck surgeon. Hindi raw ipinapayo ng eksperto ang sobrang sikip, hindi sinusuot nang tama at wala na sa maayos na kundisyon na backpack ng mga eksperto.
Ito ang sabi rin ni Dr. Rahul Sha, isang board-certified spine and neck surgeon.
“A backpack that fits poorly, is too heavy, worn too often or incorrectly can lead to our children having problems with posture, pain in their necks, arms, and back,”
Ang mga backpack daw kasi na sobrang bibigat ay maaaring mag-cause ng prblema sa spinal column na sa simula ay temporary back ache lang pero maaaring mapunta sa mas malala pang injury.
“With a too heavy backpack, the back will begin to compensate for the extra weight and create stress on their spinal column, which can lead to a cascade of effects for the back from temporary backache to a more serious injury.”
Lumalaki nga raw ang bilang ng mga batang napupunta sa ER dahil sa backpack-related injuries. Ang extra load daw na inilalagay sa backpack ay nagsasanhi ng malala pang risk para magkaroon ng injury ang likuran nila.
“As all of these loads and pivot points change, children are forced to use their backs to counterbalance these loads. Therefore, the hinges (the areas where the bones move in the back) are placed at further risk for injury with so much extra load.”
Kinakailangan na raw kumonsulta sa doktor kung sakaling nakararamdam na ang bata ng mga sumusunod na sintomas:
- Umiinda na mayroon o nakararanas na ng backpain
- Pagkaramdam parati ng labis na pagkapagod o fatigue
- Pamumula ng likuran
- Pagkakaroon ng swelling o discomfort sa kanyang katawan
Mapapansin mo rin daw sa bata ang paghihirap na sa pagsuot ng backpack dahil sa kanyang mga kinikilos.
Dagdag ni Dr. Shah, “Children will also tend to find other ways to ‘offload’ the weight of the backpack by not walking as far with the backpack or other subtle maneuvers.”
Kadalasan daw na naglilean forward ang mga bata para lang mabuhat ang mabibigat nilang bag.
“Also, many children may significantly alter their posture and lean far forward to accommodate the backpack as compared to being able to stand upright as they normally would.”
How to choose the right backpack for your kid
Isa sa pinaakmang paraan upang maprotektahan ang likod ng bata: pumili ng tamang backpack para sa kanya.
Kung minsan sa sobrang excitement ng parents na matuwa ang bata. Nauuwi na maling bag na ang nabibili para sa kanila. Kaya nauuwi rin ito sa labis na pagkasakit ng kanilang likuran. Narito ang guide kung paano dapat na pumipili ng tamang bag ngayong pasukan na naman:
- Pumili ng bag na mayroong support para sa kanyang likuran.
- Iwasang bumili ng bag na mabigat agad kung dalhin kahit wala pang laman.
- Hindi dapat sobrang sikip ang adjustment na hindi na halos makakahinga ang likod ng bata.
- Siguraduhing hindi hihigit sa 10% ng timbang ng bata ang ipapadalang bag sa kanya.
- Huwag bumili ng sobrang laking bag na lalagpas na sa bewang ng bata.
- Dapat ay well-padded ang straps ng bag upang hindi labis na masakit sa kanyang balikat kung bibitbitin.
- Huwag ding bumili ng bag na may sobrang nipis na strap dahil magdudulot ito ng dagdag pang bigat sa inyong anak.