Backride policy habang GCQ sa mag-asawa, maaring ipatupad upang mabawasan ang mga commuters. Mas malaki umano ang tyansa na mahawa sa COVID-19 kung sasakay sa mga PUVs kumpara kung aangkas na lamang sa asawa.
Backride policy habang GCQ sa mag-asawa
Ngayong nakasailalim na sa GCQ o General Community Quarantine ang Metro Manila, inaasahang babalik na rin sa trabaho ang karamihan. Dahilan para dumami muli ang mga tao sa kalsada pati na ang mga commuters.
Ang kasalukuyang polisiya ay nagbabawal pa rin na mag-angkas dahil hindi ito sumusunod sa social distancing.
Ngunit apela ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, “If they can sleep together, dine together, why can’t they travel together? I think the government should not apply the ban on married couples riding together using their motorcycle as means of transportation in going to their workplaces or to the grocery store to buy household essentials.”
Sakaling ito ay maaprubahan, plano nilang payagan ang mga mag-asawa na umangkas basta mayroong katibayan na sila ay mag-asawa.
Ayon pa kay Castelo, dahil sa kasalukuyang polisiya at sitwasyon, maraming mag-asawa na isa lamang ang nakakapasok sa trabaho. Kung pipilitin namang makapasok sa trabaho, dadagdag lamang sila sa bilang ng mga sasakay sa mga PUVs o pampublikong sasakyan na limitado ang kapasidad.
No backride policy during GCQ
Sa ngayon, kasama ang no backride policy sa inilabas na revised guidelines ng Department of Transportation (DOTr) para sa GCQ.
“Pillion riding or backriding on a motorcycle, however, is still prohibited, whether under ECQ or GCQ. Backriding does not comply with the government’s social distancing protocols.”
Sitwasyon ngayong GCQ
Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan na ang mga public and private sectors na mag-operate muli. Ito ay basta sumusunod sila sa 50-50 workforce policy.
Gayunpaman, umaabot sa 100,000 katao ang mga daily commuters sa Metro Manila at kung makalahati man ito, hindi pa rin uubra kung limitado lamang ang kapasidad ng mga PUVs katulad ng bus at tren.
Ayon sa DOTr, “Commuters should expect long queues before getting on the MRT 3 or a bus as authorities will strictly impose physical distancing even at the train stations and bus stops. MRT 3 will be allowed to carry only 12 percent of its regular passenger load and the buses 50 percent.”
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasada ng mga jeep, pati na rin ang motorcycle-hailing ride na Angkas. Halos 2,000 Grab at taxi drivers naman na ang pinayagan ng LTFRB na magbalik pasada. Ngunit strikto nilang ipinapatupad ang social distancing kahit sa loob ng sasakyan. Ibig sabihin nito ay lahat ng mga GrabCar transactions ay gagawin ng cashless at hindi rin puwede ang GrabShare sa ngayon.
Source:
Basahin:
255 na tricycle drivers sa Mandaluyong nag-positibo sa COVID-19