X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

255 na tricycle drivers sa Mandaluyong nag-positibo sa COVID-19

3 min read
255 na tricycle drivers sa Mandaluyong nag-positibo sa COVID-19255 na tricycle drivers sa Mandaluyong nag-positibo sa COVID-19

Kamakailan lamang ay nagdaos ng rapid testing sa Mandaluyong City at 255 na tricycle drivers ang napag-alamang positibo sa COVID-19.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng hard lockdown sa ilang piling lugar sa Mandaluyong at nagdaos din ng rapid testing. Kaya naman napag-alamang 255 na tricycle drivers sa Mandaluyong ang positibo sa COVID-19.

Tricycle drivers sa Mandaluyong, positibo sa COVID-19

Umaabot sa 8,000 ang bilang ng mga tricycle drivers sa Mandaluyong City. At nag-abiso rin si Mayor Menchie Abalos na nagkaroon sila ng rapid testing kung saan 4,000 ang sumailalim dito.

“Ganyan kadami kasi naman close to 4,000 ang aming pina-rapid test kasi 8,000 ‘yung aming tricycle drivers, medyo nangangalahati na kami ngayon kaya out of 4,000, 255 ‘yung nagpositive sa rapid,” Abalos added.

tricycle drivers sa mandaluyong positibo sa covid-19

Image from Freepik

Hindi rin umano nanggaling sa iisang lugar ang mga nag-positibo kaya hindi pa rin nila matukoy kung paano at saan nahawa ang mga ito. Kasalukuyan namang naka-isolate na ang mga nagpositibo at sinisiguro ni Mayor Abalos na hindi muna sila mapapayagang pumasada.

“Hindi mo ma-trace kung sasabihin mo na nahawa kung kanino kasi nga random ‘yung aming ano eh. Iba-ibang barangays itong mga drivers na ‘to eh kaya di namin masabi kung nahawa kung kanino…” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Mayor Abalos na lahat ng mga ito ay asymptomatic at kung hindi pa sumailalim sa rapid testing ay hindi malalaman na carrier pala sila ng COVID.

Metro Manila, GCQ na nga ba simula June 1?

tricycle drivers sa mandaluyong positibo sa covid-19

Image from Freepik

Sakali namang sumailalim na sa GCQ o General Community Quarantine ang Metro Manila simula June 1, kalahati lamang muna sa mga tricycle drivers ng Mandaluyong ang mapapayagang pumasada.

“Kalahati lang muna ang tatakbo na tricycle pagdating ng June 1. Ang gagawin namin parang color coding sila, iba ang MFW, iba ang TTH para at least di naman sila sabay sabay na 8,000 lalabas diyan sa kalye.”

Dahil 17 na Metro Manila mayors ang sumang-ayon na mag-GCQ na sa NCR pagkatapos ng dalawang buwan, maaari na ngang magsimula ito sa June 1.

Ano nga ba ang mangyayari kapag inilipat na sa GCQ mula MECQ ang Metro Manila?

Bukod sa papayagan na ang 50-50 workforce scheme, sinabi ni Roque na lahat ng modes of transportation ay maari na ulit na mag-operate. Ang pinagkaiba lamang ay 50 percent ng kapasidad lang nito ang puwedeng magamit.

Mayroon pa ring ilang checkpoint pero ito ay mababawasan na upang hindi na rin maging sanhi ng traffic jams. Bukod pa rito, kailangan pa ring i-observe ang physical distancing at pagsusuot ng face masks.

Ano ang pwedeng gawin upang maging safe

tricycle drivers sa mandaluyong positibo sa covid-19

Image from Freepik

Kung posible para sa iyo na hindi na muna lumabas kahit na GCQ na, mas maigi ito. Pero kung kinakailangan talaga na pumasok na ulit sa trabaho o di naman kaya ay lumabas para sa iba pang essential na bagay — narito ang ilang hakbangin na puwede mong gawin upang manatiling safe.

Ayon sa CDC o Center for Disease and Prevention Center, ang pangunahing paraan kung paano nahahawa sa virus na nagdudulot ng COVID-19 ay ang pagkakaroon ng close contact sa taong infected ng sakit. Dahil hindi naman natin malalaman kaagad kung sino sa mga nakakasalamuha natin ang infected, mas kailangang mag-doble ingat.

Ugaliing maghugas ng kamay at maligo kung nanggaling sa labas. Tanggalin din kaagad ang damit at ibabad ito upang hindi na mabuhay ang virus na maaring nakakakapit dito.

Kung magtatagal naman sa labas ay palaging magbaon ng alcohol at magsuot ng face mask. Kung posible na huwag dumikit sa mga tao ay mas mainam dahil physical distancing talaga ang pinaka kailangan sa panahong ito.

 

Source:

Manila Bulletin, Manila Times

Basahin:

Partner Stories
JOHNSON’S honors mothers who Choose Motherhood
JOHNSON’S honors mothers who Choose Motherhood
Baby Dove takes bath time to the next level in the metaverse with the new Baby Dove Soothing Moisture Wash
Baby Dove takes bath time to the next level in the metaverse with the new Baby Dove Soothing Moisture Wash
Google shares tips on teaching digital responsibility to kids
Google shares tips on teaching digital responsibility to kids
Check the Label: Protecting What’s Good
Check the Label: Protecting What’s Good

Mas madali nga bang mahawaan ng COVID-19 ang mga may asthma?

 


May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • 255 na tricycle drivers sa Mandaluyong nag-positibo sa COVID-19
Share:
  • Babae sa QC na hindi lumabas simula ng Marso, nag-positibo sa COVID-19

    Babae sa QC na hindi lumabas simula ng Marso, nag-positibo sa COVID-19

  • Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

    Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

  • Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

    Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Babae sa QC na hindi lumabas simula ng Marso, nag-positibo sa COVID-19

    Babae sa QC na hindi lumabas simula ng Marso, nag-positibo sa COVID-19

  • Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

    Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

  • Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

    Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.