Bilang nanay, nais mong laging healthy ang baby mo. Kung kaya’t konting sakit or kakaibang sintomas lamang ay nag-aalala na tayo agad.
Sa panahon ngayon halos lahat ay nagagawa na online—pag-apply ng trabaho, pamimili ng pagkain, or pagbabayad ng bills. Dahil dito, nagiging sobrang dependent na tayo sa internet.
Para sa mga mommy, mas madaling magtanong sa mommy groups sa Facebook. Pero kahit na may maitutulong naman ito sa ibang pagkakataon, kailangan pa rin maging alerto ng mga mommy sa bad advice sa Facebook groups.
Mommy, Mag-ingat sa Bad Advice Sa FB Groups!
Nais man tumulong ng ibang mommies, mayroon talagang bad advice sa fb groups na nakakalito lamang. | image: shutterstock
1. Hindi Porkit Tumalab Sa Iba Ay Gagana Para Sa Lahat
Halimbawa, may nakita akong nagtatanong sa isang grupo kung paano nga ba matutulungan ang anak niyang may constipation. Marami namang advice mula sa mga mommies na gustong tumulong. May mga nag-recommend ng pagkain at gamot, dahil ito daw ang tumalab sa baby nila.
Marahil ay makatulong nga ito, pero what if ang baby ng mommy na nagtanong ay may mga allergies o iba pang kondisyon na kailangan suriin ng doktor? Dahil nakuntento na si mommy sa online advice, ipagpapaliban na niya marahil ang pagkonsulta sa doktor.
2. Gusto Man Nilang Makatulong, Hindi Nila Alam ang Medical History ng Anak Mo
May isa namang mommy na nag-aalala kasi hindi bumibigat ang timbang ng anak niya. Kaya’t nagtanong naman siya sa isang FB group, kung saan ikinwento niya ang pag-aalala niya. Aniya mukhang may sakit ang anak niya dahil kahit anong breastfeed niya ay hindi ito lumalaki or bumibigat.
May mga nag-advice ng dapat kainin ng baby niya, maging ang kadalasan niya ng pagbi-breastfeed ay inusisa din ng ibang mommy. Sinagot naman ito ng mommy at nagpasalamat. Sana’y matulungan naman siya. Pero gustuhin man ng mga member ng grupo na alamin ang buong kwento, limitado lamang ang information na maibibigay ni mommy.
Kailangan malaman ang buong medical history ng bata, kasama na dito ang mga bakuna, allergy, at iba pang naging sakit na ni baby.
3. Iba Pa Rin Ang Advice Mula sa Doktor
May rason kung bakit nag-aral ng napakatagal ang mga doktor. Ito ay para palaguin at palawigin ang knowledge nila sa bawat kondisyon. Sa atin ay simpleng diarrhea lamang, halimbawa, pero sa mata ng doktor dose-dosenang posibilidad ang maaaring nagdudulot ng sintomas na ito.
Kahit nga subok at batikang doktor na ang ikinukunsulta nati’y ika nga nila dapat may “second opinion” pa rin tayo para makakasiguro.
4. Mas Kampante Tayo Dapat If Maraming Opinyon ang Makuha Natin, Hindi Lamang Online
Hindi lamang second opinion, kundi third maging fourth para masiguro na safe at healthy ang babies natin. Oo, medyo mahal ang magpa-checkup kada may sakit si baby pero napaka-importante nito, lalo na’t under one year old pa ang anak mo.
Mommies, hindi naman lahat bad advice sa FB groups, pero nasa kamay natin ang pag-filter sa impormasyon na nakukuha natin. Maraming online resources, mga subok na na health websites, na makakatulong na pagtibayin ang knowledge natin, pero kahit ito’y dapat i-verify pa din natin sa doktor.
Sa panahong ito, kung kailang mayaman tayo sa paraan na kumuha ang impormasyon, wala pa ring katumbas ang pagiging mabusisi at wais na mommy!
BASAHIN: Tanong ni Mommy: Bakit naninigas ang tiyan ko ngayong nagbubuntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!