LOOK: Baeby Baste, nag-celebrate ng 7th birthday

lead image

Ang Eat Bulaga Dabarkads full support ngang ipinagdiwang ang ika-pitong kaarawan ng kanilang bunsong co-host na si Baeby Baste.

Baeby Baste birthday celebration kasama ang mga Dabarkads

Ang pinakabatang TV host na si Baeby Baste—na ang tunay na pangalan ay Sebastian Benedict Granfon Arumpac ay nagdiwang ng kaniyang ika-pitong taong gulang noong ika-22 ng Agosto.


Ang kaniyang mga magulang ay nagkaroon nga ng isang grand kiddie party para sa kaniya sa PlayHub Dynamic Corporation events place sa Quezon City.

Ang naturang kiddie party nga ay patterned ang theme sa Boom segment ng Eat Bulaga.


Maliban sa kaniyang pamilya, kamag-anak, kaibigan sa labas ng showbiz, dinaluhan nga ito ng kaniyang mga Dabarkads, na pinangunahan ng TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon).



Present din ang anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Tali.

Dumalo rin si Pia Guanio kasama ang mga anak na sina Scarlet at Brooklyn.

Present din si Ruby Rodriguez, Ryzza Mae, at Jazmin Makayla na kasama rin ang kaniyang pamangkin na si Luane Dy.

Nagmistula ngang naging malaking playground ng mga bata at kids-at-heart ang grand kiddie party ni Baeby Baste at kitang-kita naman sa bawat isa sa kanila na nag-enjoy silang ipagdiwang ang ang 7th birthday ni Baste.

Happy 7th birthday sa iyo Baeby Baste!


Source: Nice Print Photography

Basahin: Everything you need to know about the Shakey’s party package

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner