Baguio itinerary: 15 na puwedeng gawin at puntahan sa City of Pines

Naghahanap ba kayo ng Baguio Itinerary para sa bakasyon? Heto ang ilang mga puwedeng gawin sa Baguio na siguradong magugustuhan ng buong pamilya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karaniwan nang dinarayo ang Baguio kapag bakasyon, at lalong-lalo na kapag parating na ang Pasko. Kaya’t pangkaraniwan nang tanong ng mga magulang ang magandang Baguio itinerary na siguradong maeenjoy ng buong pamilya.

Kaya para sa mga pamilyang nagnanais ng magandang bakasyon sa paparating na Pasko, bakit hindi subukang pumunta sa Baguio ngayong weekend? Gumawa kami listahan ng mga puwedeng gawin sa Baguio na siguradong mag-eenjoy ang buong pamilya. Huwag kalimutang magdala ng mga jacket, at panlamig, dahil siguradong giginawin kayo pag-akyat ng Baguio!

Baguio itinerary para sa mga pamilya

Sa mga nagnanais na pumunta ng Baguio, aabutin ng 4 hanggang 5 oras ang byahe kung dadaan kayo sa TPLEX o Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Para naman sa mga nais mag-commute, nasa mga 5-6 na oras ang biyahe, at puwedeng sumakay mula sa mga bus terminal galing sa Cubao o kaya sa Pasay City. Ang JoyBus at Victory Liner ay 2 sa pinakapopular na bus para sa mga nais pumunta ng Baguio. Ang mga tiket ay nasa 485 pesos para sa regular bus, at 800 naman para sa first class na bus. Mas mabilis ang biyahe ng mga first class na bus dahil wala itong mga stopover.

Para naman sa mga puwedeng tuluyan sa Baguio, maraming mahahanap sa AirBnB. Marami ring mga murang accomodation sa Baguio, kaya’t hindi na kinakailangan na mag-book sa mga mamahaling hotel.

Sa transportasyon naman, siguradong matutuwa kayo dahil mura lang ang mga taxi sa Baguio kumpara sa Maynila. Ngunit ang Baguio ay talagang para sa mga sanay sa mahabang lakaran, kaya’t mabuting maghanda na kayo ng komportableng sapatos kung aakyat kayo.

Heto ang 15 activities na puwedeng ipasok sa Baguio itinerary:

1. Bisitahin ang Burnham Park

Ang Burnham Park ay nasa gitna ng Baguio City. Isa itong malaking park at isa sa mga pinakapopular na destinasyon para sa mga bumibisita sa City of Pines. Dito, puwede kayong sumakay sa mga boats, kumain ng taho at iba pang mga street food, at mag-enjoy sa ganda ng kalikasan at aliwalas ng panahon sa Baguio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Enjoy-in ang magagandang halaman sa Baguio

Kapag nasa Baguio na kayo ay siguradong kapansin-pansin ang dami ng mga halaman at puno sa paligid. Ito ay dahil bagay na bagay ang klima ng Baguio para sa mga halaman, kaya’t mayabong ang pagtubo ng mga ito. Siguradong mag-eenjoy ang mga nature lover sa Baguio dahil napakaraming halaman ang matatagpuan dito.

Ito rin ang dahilan kung bakit sariwang-sariwa ang hangin sa Baguio; dahil maraming mga halaman at puno ang sumasala at nagbibigay ng sariwang hangin.

3. Mag-explore sa Mines View Park

Ang Mines View Park naman ay isang dating mining town noong may kampo pa ang mga Amerikano sa Baguio. Napakaganda ng tanawin sa Mines View Park, at siguradong mag-eenjoy ang inyong mga anak habang naglalakad-lakad at tumitingin sa magagandang tanawin.

Malapit sa Mines View Park ay puwedeng bumisita sa Wright Park kung saan makakasakay ang mga bata sa mga kabayo. Ngayon, nasa 400-500 pesos ang isang oras na pagsakay sa kabayo. Medyo may kamahalan, pero siguradong mag-eenjoy ang inyong mga anak, lalo na kung first time nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Mamili ng mga gamit sa bahay

Para naman sa mga magulang, siguradong mag-eenjoy kayo sa pamimili sa Baguio. Napakaraming kung anu-anong mga wooden na gamit sa bahay ang matatagpuan dito.

Halos lahat ng mga palengke sa Baguio ay nagtitinda ng mga native nilang produkto, kaya’t hindi mahirap maghanap ng mga ito. Makakabili rin ng masasarap na pasalubong tulad ng minatamis na ube, peanut brittle, at strawberry jam.

Maganda ring bisitahin ang Baguio Night Market, lalo na sa mga nagnanais na magshopping para sa mga murang damit. Mayroon rin ditong bilihan ng mga pagkain para sa mga gusto ng midnight snack.

5. Bisitahin ang BenCab Museum

Para naman sa mga nagnanais ng kakaibang experience, siguraduhing bumisita sa BenCab museum. Ito ay pag-aari ng National Artist na si Benedicto Cabrera, at narito ang kaniyang mga paintings at sculptures, pati na rin ang obra ng iba pang mga artist sa Pilipinas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

100 pesos ang entrance fee sa BenCab Museum, at 80 naman para sa mga senior citizen at students. Siguradong magugustuhan ito ng mga bata, dahil napakaraming magagandang artworks ang naka-display dito. Napakaganda rin ng view sa museum, at tiyak na maiinspire ang inyong mga anak na gumawa rin ng sarili nilang mga obra.

6. Isama ang ukay-ukay sa Baguio itinerary

Siyempre, kilala rin ang Baguio sa napakaraming mga ukay-ukay. Kung tutuusin, isa ito sa pinaka-pangkaraniwan na mga puwedeng gawin sa Baguio, ngunit isa ito sa pinakamasayang gawain dito.

Hinding-hindi kayo mauubusan ng mga tindahan na bibisitahin, at matutuwa kayo sa laki ng inyong matitipid!

7. Mag food trip

Isa pa sa mga pinakamasarap na mga puwedeng gawin sa Baguio ay ang mag food trip. Ito ay dahil kahit saan ka magpunta ay mayroon kang mahahanap na masarap at murang makakainan. Siguradong mag-eenjoy rin ang mga tsikiting dahil sa iba’t-ibang mga putahe na puwede nilang subukan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Magpuyat sa Harrison Road Night Market

Hindi lang ukay-ukay ang dinarayo ng mga tao na gustong mamili sa Baguio. Sikat na sikat rin ang night market sa Harrison road. Bukod sa napakamurang mga gamit dito, mayroon rin ditong lugar kung saan makakahanap ng masarap, malinis, at murang street food! Siguraduhin lang na hawak-hawak ang kamay ng iyong anak, dahil matao at masikip paminsan sa night market.

9. Mag-relax sa Asin hot springs

Kung masyado naman kayong nilalamig sa Baguio, ay magandang subukan ang mga hot springs na mahahanap sa Asin road. Masarap lumublob at mag-relax dito matapos ang mahabang araw, at siguradong papasalamatan ka ng iyong mga nananakit na kalamnan.

10. Magnilay-nilay sa Our Lady of Atonement Cathedral

Hindi lang puro pasarap at adventure ang mahahanap sa Baguio. Isa sa mga pinupuntahan dito ay ang Our Lady of Atonement Cathedral. Magandang pumunta rito upang magdasal, magnilay-nilay, at magpasalamat sa mga biyayang natanggap ng iyong pamilya noong nakaraang taon.

11. Mag-explore sa Tam-Awan Village

Ang Tam-Awan Village ay isang lugar kung saan makikita kung ano ang naging pamumuhay ng mga kapatid nating mga Igorot bago pa maging siyudad ang Baguio. Dito makikita ang arkitektura at ang mga gawang sining ng mga Igorot. Mayroon rin ditong restaurant na naghahanda ng masasarap na pagkain, at mainam itong paraan upang mas maunawaan ng iyong mga anak ang kultura nating mga Pilipino.

12. Mag boat ride sa Burnham Park

Siyempre, hindi kumpleto ang pagbisita sa Baguio kung hindi man lang kayo dumaan sa Burnham Park. Madalas itong pinupuntahan ng mga turista at bahagi na ng kanilang Baguio itinerary. Siguro ay “cliche” ito para sa iba, ngunit hindi maitatanggi na talagang maganda at masarap ang maglakad-lakad sa Burnham Park.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Puwede niyo ring subukang sumakay sa mga swan boats, at  magpaikot-ikot sa man-made lake sa gitna ng Park. Puwedeng-puwede rin ditong maglaro ang mga bata, at malalanghap nila ang presko at malinis na hangin sa Baguio.

13. Bisitahin ang Lion’s Head 

Ang Lion’s Head ay isa sa mga pinaka-popular na destinasyon sa Baguio, lalong-lalo na sa mga first-timers dito. Madalas kasama ito sa Baguio itinerary ng mga turista at mga dayo sa Baguio.

Siguradong magiging memorable ang pagbisita niyo sa Baguio, at magandang gunitain ang inyong adventure sa pagbisita sa Lion’s Head.

14. Silipin ang magagandang tahanan sa The Valley of Colors

Ang Valley of Colors sa La Trinidad, Benguet, ay dati rating isang normal lang na komunidad. Ngunit naisipan ng mga nakatira rito na kulayan ng iba’t-ibang makukulan na pintura ang kanilang mga tahanan, at dito na nagsimulang maging popular na destinasyon ang Valley of Colors para sa mga turista.

Talagang nakakatuwang silipin ang kumpol-kumpol na mga makukulay na bahay sa Valley of Colors! Siguradong matutuwa ang inyong mga anak kapag nasilayan nila ito.

15. Mamitas ng strawberries sa La Trinidad Strawberry Fields

Ang isa sa mga pinaka-paboritong gawain ng mga bumibisita sa Baguio ay dumaan sa La Trinidad Strawberry Fields. Bagama’t hindi ito mismo nahahanap sa Baguio, madali naman itong puntahan dahil madalas itong dinarayo ng mga turista.

Dito ay maaaring pumitas ng sariwang mga strawberries ang iyong anak, at pihadong mag-eenjoy ang buong pamilya habang naglalakad at naghahanap ng masasarap at matatamis na strawberries. Bukod dito, napakamura pa ng presyo ng strawberries dito, kaya’t magandang sadyain rin ito upang mag-enjoy ang buong pamilya.

Sources: PrimerThe Happy Trip

Basahin: 34 tips and tricks for traveling alone with your toddler

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara