Mga batang naghahanap ng kalinga: Ilang adoption agencies para sa gustong mag-ampon

Nagnanais mag-ampon o magpa-ampon? Narito ang mga ahensiyang maaring tumulong sayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nais mo bang mag-ampon? Narito ang listahan ng mga bahay ampunan sa Metro Manila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kaso ng mga batang inabandona ng mga magulang
  • Listahan ng mga bahay ampunan sa Metro Manila
  • Legal na proseso ng pag-aampon sa bansa

Kayo ba ay mag-asawa na nahihirapang magkaroon ng sariling anak? O isang taong mayroong malaking puso para sa mga bata?Napakaraming bata sa Pilipinas ang nangangailangan ng pagkakalinga at pagmamahal ng isang magulang.

Kaso ng pang-aabandona sa mga bata

Noong taong 2019, isang kasambahay na ina ang nag-iwan sa bagong panganak niyang sanggol sa isang basurahan sa Mandaue City, Cebu.

Ayon sa ina, inakala niyang patay na ang sanggol matapos daw bigla lang lumabas ito mula sa kaniya ng umihi siya. Kaya naman naisipan niyang itapon na lang ito.

Sa hindi inaasahan, may nakakita sa sanggol sa basurahan. Ayon sa nakakita sa sanggol, ito ay mahina ngunit humihinga pa nang natagpuan niya. Kaya naman dinala agad ito sa ospital upang matingnan at magamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from GMA Balitambayan

Sa ospital ay napasuso pa ang sanggol ng isa sa mga bagong panganak na pasyenteng ina. Ngunit makalipas ang ilang oras ay pumanaw rin ang sanggol.

Natunton naman kung sino ang ina ng sanggol at inaresto dahil sa ginawa nito. Kinasuhan siya sa salang abandonment.

Ang ganitong mga balita ay tila hindi na bago sa ating bansa. Lalo pa’t ang madalas na itinuturong dahilan ng mga magulang na gumagawa nito ay ang kahirapan. At ang bigat ng responsibilidad na hindi nila kayang gampanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong pagkakataon, hindi kailangang itapon sa basurahan o basta-bastang abandunahin ang bata kung hindi siya kayang buhayin ng kaniyang magulang. Mayroong may mga ahensya at bahay ampunan sa Manila na maari nilang puntahan.

Legal adoption process in the Philippines

Ang adoption ay isang proseso kung saan ang mga magulang ay ipinauubaya sa iba ang pangangalaga sa kanilang anak.  Gaya ng nabanggit, kadalasan ay walang kakayahan ang mga magulang ng bata na bigyan siya ng maayos na buhay.

Napakaraming mag-asawa ang walang kakayahan subalit gustong magkaroon ng sariling anak, at marami ring mga bata ang nangangailangan ng pagkakalinga ng isang magulang. Kaya naman nakikipagtulungan ang DSWD sa mga magulang, mga ospital, child placement agencies at pamahalaan para magkaroon ng makahanap ng mabuting tahanan ang mga bata.

Subalit hindi basta-basta ang proseso ng pag-aampon.  Mayroong sinusunod na legal process ang DSWD at mga adoptive parents bago sila makapag-ampon. Ito ay para masiguro na ang mangyayaring adoption ay alinsunod sa batas, at para masigurong ang bata ay magiging ligtas at maayos sa piling ng kaniyang bagong magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Legal na pagpapa-ampon sa bata

Bago mailagay sa adoption process ang isang bata, mayroong mga hakbang na isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Alinsunod sa Republic Act 9523, may paunang proseso na dapat sundin bago maipa-ampon ang isang bata. Ito ay para magkaroon ng pagpapatunay na boluntaryong ipinagkakaloob ng mga magulang sa estado o sa pamamahala ng DSWD ang pangangalaga sa kanilang anak.

Kailangang magkaroon ng Certification Declaring a Child Legally Available for Adoption (CDCLAA) ang bata bago siya maipa-ampon.

Kapag mayroon nang CDCLAA ang bata, pipirmahan ito ng DSWD at magsisimula na ang proseso ng matching, o ang paghahanap ng adoptive parents para sa bata. Alinsunod ito sa Domestic Adoption Act of 1998.

Sa hakbang na ito, tinitingnan ang pangangailangan ng bata at kung sino sa mga posibleng adoptive parents ang may lubos na kakayahang tugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Ang nagsasagawa ng matching ay mga miyembro ng Child Welfare Specialist Group (CWSG) na binubuo ng mga DSWD social worker, psychologist, pediatrician, abogado at NGO representative.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito naman ang mga hakbang na dapat sundin para sa mga gustong mag-ampon.

Steps and requirements for adoption

  1. Kailangan magfill-up ng pre-adoption certificate ang mag-asawa, na makukuha sa anumang himpilan ng DSWD o kaya accredited child placement agencies.
  2. Mag-attend ng pre-adoption forum na isinasagawa ng DSWD.
  3. Mag-submit ng mga sumusunod na dokumento:
    • Pre-adoption forum certificate
    • Birth certificate
    • Marriage certificate (kung mag-asawa)
    • Consent from legitimate adoptive children (kung mayroon nang mga anak na 10-taong gulang pataas)
    • Income tax returns, financial certificate o iba pang dokumentong nagpapakita ng mga assets o pagmamay-ari ng mag-asawa
    • NBI o police clearance
    • 3 character reference (maaring magmula sa lokal na simbahan, komunidad o kompanya ng taong nais mag-ampon)
    • Family picture o picture ng mag-asawa
    • Affidavit of temporary custody
    • Psychological evaluation, kung kinakailangan
    • Para sa mga foreign applicants, tumungo sa DSWD website para sa kumpletong listahan ng requirements.)
  4. Pagkatapos maisumite ang mga requirements, magkakaroon ng visit o meeting ang mga adoptive parents at social worker para mapag-usapan ang mga susunod na proseso ng adoption, tulad ng matching.

  5. Muli, magsasagawa ang DSWD CWSG ng matching process. Matagal ang hakbang na ito dahil kung wala silang match sa kanilang rehiyon (halimbawa, sa Metro Manila), maaring ilagay siya sa inter-region matching kung saan hahanap ng match na adoptive applicant mula sa ibang lalawigan.
  6. Kapag mayroon nang match, kailangang mag-submit ng acceptance letter ang adoptive parents, at bibigyan naman sila ng DSWD ng Pre-Adoption Placement Authority (PAPA). Pagkatapos ay pansamantalang ibibigay sa kanilang ang pangangalaga ng bata.
  7. Magkakaroon ng 3 buwang post-placement supervision ang DSWD para masubaybayan kung magagampanan ng adoptive parents ang kanilang responsibilidad sa bata.
  8. Pagkatapos ng 3 buwan, maari nang bigyan ng Certificate of Consent to Adoption (CA) ng DSWD ang adoptive parents. Kailangang mai-file agad ang adoption papers na ito sa korte sa loob ng 30 araw.
  9. At pagkatapos ng mga isasagawang hearing sa korte, mabibigyan na ang magulang ng Certificate of Finality para legal at opisyal nang mapunta sa kanila ang pangangalaga sa bata. Makikipag-ugnayan na sa local civil registry upang magkaroon ang bata ng amended birth certificate.

Panoorin rito ang video na ginawa ng DSWD para ipaliwanag ang legal process of adoption sa bansa.

BASAHIN:

Sanggol na inabandona sa tambakan ng basura, naampon dahil sa social media

An open letter to my adoptive parents: “I’m blessed to have you in my life”

Cristine Reyes sinabihan ng ina: “You never should have been born. I tried so many times to abort you.”

Paalala ng DSWD, walang bata ang pwedeng ipa-ampon ng walang CDCLAA, maliban na lang kung step-parent o relative adoption (kamag-anak ang aampon) ang isasagawang adoption.

Ipinagbabawal rin ang independent placement o hindi pagdaan sa tamang proseso ng pag-aampon, at basta na lang ibinibigay ng magulang sa ibang tao ang bata. Labag rin sa batas ang online adoption na kumakalat sa social media. Ayon sa himpilan ng pamahalaan, ito ay isang uri ng child trafficking at may katapat na parusa.

Kaya naman kung gusto mong mag-ampon, makipag-ugnayan sa DSWD o kaya sa mga accredited na bahay ampunan sa Manila o sa iyong lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga adoption agencies at bahay ampunan sa Manila

Larawan mula sa Pexels

1. DSWD o Department of Social Welfare and Development

Para sa mga mag-asawa o pamilyang nais mag-ampon, maari kayong dumiretso sa DSWD. Mabibigyan nila kayo ng impormasyon sa tamang proseso ng pag-aampon at ang mga requirements na kailangang ihanda para maisagawa ito. Ang mga opisina ng DSWD na maari ninyong tawagan o puntahan ay ang sumusunod:

DSWD- Central Office IBP Road, Batasan Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City Tel. No. 951-7438 (Protective Services Bureau-Child Protection and Placement Division) Email: adoption@dswd.gov.ph Website: adoption.dswd.gov.ph

DSWD-Field Office- NCR 289 San Rafael Street, Legarda, Manila Tel. # 488-2754 (Adoption Resource and Referral Unit) Email: arrsfcsteam@gmail.com

DSWD Field Office –IV-CALABARZON Alabang Zapote Road, Muntinlupa Tel. # 850-8380; 387-2632 Email: dswdfo4a_oarru@yahoo.com 10 ADOPTION CONSCIOUSNESS CELEBRATION 2018/Fact Sheet

DSWD-Field Office-IV-MIMAROPA 1680 F.T. Benitez corner, General Malvar St. Malate, Manila Tel. # 523-6077 loc. 205 Email: arrs.dswd4b@gmail.com

2. Kaisahang Buhay Foundation, Inc. (KBH)

Ang Kaisahang Buhay Foundation ay isang pribado at non-profit child and family welfare organization. Isa ito sa mga bahay ampunan sa Manila na accredited ng DSWD.

Maliban sa pag-aampon ay may programa rin ang Kaisahang Buhay Foundation para sa mga buntis o batang kababaihan na nahaharap sa crisis situation. Nag-ooffer sila ng tirahan, pagkain, pre-natal care, delivery at post-natal care. Nagbibigay din sila ng work therapy, values and spiritual formation, financial assistance, skills training, personality developmeny at family reunification. Pati na ng counseling na nag-fofocis sa family preservation at pagpaplano sa pagkakaroon ng anak.

Ang opisina ng Kaisahang Buhay Foundation o KBH ay matatagpuan sa No. 56, 10th Avenue, Cubao, Quezon City. Ang kanilang telephone number ay 912-1159/60 at ang email nila ay kbf@kbf.ph

3. Norfil Foundation, Inc. (Norfil)

Ang Norfil Foundation ay isang non-government organization na tumutulong sa mga gustong mag-ampon at magpa-ampon. May mga programa rin sila para sa mga batang may disabilities para sila ay mabuhayan ng loob pati na ang kanilang mga pamilya.

Ang kanilang opisina ay makikita sa No. 16 Mother Ignacia Avenue, Cor., Roces Avenue, Quezon City. Matatawagan sila sa mga numerong 372-3577/79 o 373-2169. Makokontak rin sila sa email na norfilfoundation@yahoo.com.

4. Inter-Country Adoption Board (ICAB)

Ang Inter-Country Adoption Board ay ang ahensya na tumutulong sa mga magulang na gustong ipaampon ang kanilang anak sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Ang kanilang opisina ay makikita sa No. 2 Chicago Cor. Ermin Garcia Streets, Barangay Pinagkaisahan, Cubao, Quezon City. Matatawagan sila sa mga numerong 721-9782; 726-4551; 727-2026. Ang email naman nila ay adoption@icab.gov.ph.

 

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio