Baking soda gender test, isang madali at murang paraan umano para malaman ang kasarian ng pinagbubuntis na baby. Paano nga ba ito ginagawa at gaano ka-accurate ang resulta nito? Bukod dito, ano ang mga signs na boy ang pinagbubuntis o babae?
Baking soda gender test
Karamihan sa mga parents-to-be ay excited na malaman agad ang gender ni baby. Maliban sa ultrasound ay may ilang paraan na pinaniniwalaang nakakagpasabi sa kung ano ang gender ng baby na ipinagbubuntis ng isang babae.
Isa nga sa paraan na mura at maaring gawin nang hindi umaalis ng bahay ay ang tinatawag na baking soda gender test. Ito ay isang method para malaman ang gender ni baby gamit ang ihi ng buntis at baking soda.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng paghalo sa ihi ng isang buntis sa baking soda. Kapag ang ihi daw ay nag-react at bumula na parang beer o softdrinks kapag hinalo ang ihi sa baking soda, ito daw ay nangangahulugan na baby boy ang dinadala ng isang buntis. Ngunit kung wala naging reaksyon o pagbabago, ang pinagbubuntis daw ay isang babae.
Ayon din sa paniniwala, mas maiging gawin ang baking soda gender test pagkagising. Dahil ang ihi ay maaring ma-dilute kung makakainom ng iba’t-ibang fluids sa loob ng isang araw.
Dapat din ay siguraduhing malinis ang kamay ng buntis kapag siya ay mangongolekta ng kanyang ihi para masigurong hindi ito maco-contaminate.
Dapat din ay pantay ang dami ng baking soda na kaniyang gagamitin sa ihi na kaniyang nakuha.
Ngunit accurate o tiyak nga ba ang resulta ng baking soda gender test?
Ang teorya sa likod ng baking soda gender test ay ang acidity o pH ng ihi ng buntis ay nababago depende sa gender ng baby na dinadala niya.
Ngunit wala namang patunay sa nasabing teoryang ito. Lalo pa’t maraming maaring maging dahilan para maging less o more acidic ang ihi ng isang buntis. Ilan dito ay ang sumusunod:
- Diet
- Hydration level
- Urinary tract infections
- Kidney stones
Kaya naman dahil sa mga factors na ito ay maaring maiba-iba ang resulta ng baking soda gender test kung ito ay gagawin ng higit sa isang beses.
Reliable ways para malaman ang gender ni baby
Payo ng mga eksperto ay gawin nalang ang mga reliable methods para malaman ang gender ng iyong baby kaysa sa baking soda gender test.
Ang mga reliable ways na maaring gawin para malaman ang accurate gender ni baby ay ang sumusunod:
Ultrasound
Ayon sa pag-aaral ang resulta ng ultrasound ay may 98.2% accuracy. Nagiging inaccurate lang ang resulta nito kapag nasa unusual position ang baby dahilan para mahirapang makita ng maayos ang ari na mayroon siya.
DNA Test
Ang mga simple blood test gaya ng Harmony, Martenit21, Verifi at Panorama ay maari ring magtukoy kung babae o lalaki ang dinadala ng isang buntis.
Amniocentesis
Ang amniocentenis ay ginagawa para malaman kung may genetic problems ang isang sanggol. Ito ay hindi ipinapayo ng doktor dahil mayroon itong risk sa health ni baby at ni mommy pero sa method na ito ay malalaman ng tiyak ang gender ni baby.
Chorionic villus sampling
Tulad ng amniocentesis, ang chorionic villus sampling ay ginagawa para sa serious medical reason. Ito ay para matukoy kung may risk ng pagkakaroon ng congenital problem ang baby na ipinagbubuntis. Pero sa method na ito ay matutukoy rin ng accurate ang gender ng sanggol na ipinagbubuntis.
Ang pagsasagawa ng baking soda gender test para malaman ang gender ng sanggol ay hindi naman ipinagbabawal. Ngunit ipinaalala na ang magiging resulta nito ay mayroon lang 50% chance na maging tiyak o accurate.
Source:
Basahin:
Mga pamahiin tungkol sa pagbubuntis at mga paliwanag nito