X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dapat bang sundin? 15 na pamahiin at paniniwala ng matatanda sa pagbubuntis

15 min read
Dapat bang sundin? 15 na pamahiin at paniniwala ng matatanda sa pagbubuntisDapat bang sundin? 15 na pamahiin at paniniwala ng matatanda sa pagbubuntis

“Sabi ng mga matatanda…” Narito ang mga pamahiin tungkol sa pagbubuntis, at ang paliwanag para sa bawat isa, ayon sa mga siyentipiko.

Maraming iba’t ibang matatagpuang paniniwala at pamahiin sa buntis sa Pilipinas. Simula’t sapul, marami tayong naririnig na sabi-sabi at dapat iwasan o ipinagbabawal sa mga nagdadalang-tao o tinatawag na mga pamahiin sa buntis at panganganak.

Subalit wala naman talagang nagtatanong o nagsisikap na alamin kung ano nga ba ang basehan ng mga pamahiin sa buntis na ito. Minsan natatawa na lang tayo, pero alam kong madalas, napapaisip ka rin—at natatakot kasi baka nga magkatotoo.

Karamihan sa mga Pilipino, sumusunod o umiiwas sa mga pamahiin na bawal sa buntis na ito dahil, wala namang mawawala kung susundin mo.

Ano nga ba ang mga pinakakaraniwan na pamahiin sa buntis? Dapat ba talagang sundin ang mga ilan sa ipinagbabawal na ito? Tingnan natin isa-isa.

Talaan ng Nilalaman

  • 15 na mga pamahiin sa buntis ng mga Pilipino
      • Mga pamahiin na bawal sa buntis
    • 1. Bawal uminom ng malamig na tubig pag buntis.
    • 2. Pamahiin sa buntis: Bawal  magalit  o bigyan ng sama ng loob ang mga nagbubuntis. Magiging pangit o malungkutin ang bata paglabas.
    • 3. Mga pamahiin sa buntis at panganganak: Bawal kunan ng litrato kapag buntis. Mahihirapan ka sa panganganak.
    • 4. Mga pamahiin na bawal sa buntis: Bawal paglihian ang mga pangit na tao, kakaibang bagay, pagkain, o hayop.
    • 5. Huwag hahakbangan ang asawa kapag naglilihi dahil malilipat sa kanila ang paglilihi.
    • 6. Mga pamahiin sa buntis: Huwag kakainin ang tirang pagkain ng buntis dahil aantukin ka.
    • 7. Kung ang babaeng nagbubuntis ay kumain ng magkadikit na saging, siya umano’y manganganak ng kambal.
    • 8. Bawal kumain ng talong dahil paglabas umano ng bata, sa tuwing ito’y umiiyak mahihirapan siyang huminga at magkukulay talong.
    • 9. Bawal pumunta ang buntis sa lamay or libing. Makakasama raw kay baby.
    • 10. Bawal magsuot ng kwintas o magpulupot ng tuwalya sa leeg ang buntis. Baka ang pusod o umbilical cord ng bata ay pumalupot sa leeg niya habang nasa tiyan.
    • 11. Pamahiin sa buntis pag lumindol: Bakit kailangan maligo ng buntis pagkatapos ng lindol
      • BASAHIN:
    • 12. Pamahiin ng buntis sa pusa
    • 13. Pamahiin bawal magpagupit ang buntis
    • 14. Pamahiin sa buntis pag may eclipse
    • 15. Pamahiin sa buntis aswang

15 na mga pamahiin sa buntis ng mga Pilipino

Mga pamahiin na bawal sa buntis

1. Bawal uminom ng malamig na tubig pag buntis.

pregnant woman drinking medicine - pamahiin sa buntis

Kuwento ni Editha Buluran, guro at nanay ni Simon at Carmela, magkakaroon umano ng diabetes ang bata kapag uminom ka ng tubig na malamig habang buntis.

Sa init ba naman ng panahon, ‘di ba talagang mauuhaw ka at gusto mo ng malamig? Ayon sa mga doktor sa HealthTap Inc. US, isang online network ng mga espesiyalistang doktor, ito ay perspektibo ng  Traditional Chinese Medicine (TCM).

Naniniwala ang mga doktor ng  TCM na ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay mas makabubuti hindi lamang sa mga buntis kundi pati na rin sa lahat ng tao.

Ayon sa pamahiin sa buntis na ito, ang madalas na pag-inom ng malamig na tubig ay nakakaapekto sa spleen at nagdudulot ng Qi deficiency at stomach cold. Ang Qi (Chi) ay ang tawag ng mga espesiyalista ng TCM sa life energy ng isang tao. Ito ay mahalaga sa organ function, sirkulasyon ng dugo, at metabolism ng body fluid.

Kung iinom ng malamig na tubig, maaaring mawalan ng gana kumain, hindi maayos ang digestion at maaari pang magkaroon ng cramps o diarrhea.

Kaya pinapayuhan ang mga nagbubuntis na iwasan ang pag-inom ng malamig na tubig. Wala nga namang masama kung susundin ito, wika ni Daisy Pingol, ina ni Jacob.

Hindi ito direktang nakakasama, lalo kung hindi naman madalas. Ang kailangan lang isipin ay mahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig kapag nagdadalantao, dagdag ni Daisy.

2. Pamahiin sa buntis: Bawal  magalit  o bigyan ng sama ng loob ang mga nagbubuntis. Magiging pangit o malungkutin ang bata paglabas.

Kasi umano, nararamdaman ito ng sanggol sa sinapupunan, kaya’t papangit o ‘di kaya’y sadyang magiging depressed ang sanggol. Kaya nga may sinasabing pinaglihi sa sama ng loob, biro ni Editha.

Totoo ba ang mga pamahiin na bawal sa buntis na ito? Walang kinalaman ang nararamdaman mo o ng sanggol, sa magiging pisikal na katangian o itsura ng iyong anak. Para sa akin, walang bata o nilalang na pangit.

Iba-iba tayo, kaya’t masyado namang malupit kung sasabihing pangit ang iyong anak. Mas malala, na kasalanan mo ito dahil hindi ka tumawa o nagpakasaya nung nagbubuntis ka.

Ngunit may bahid ng katotohanan ang sinasabing epekto ng pagiging malungkot o problemado habang ikaw ay nagdadalang-tao. Sabi ni Christine Mesina, nurse at ina ni Colin at Connor, ang emosiyonal at sikolohikal na nararamdaman ng inang buntis ay nakakaapekto sa bata.

“Kaya nga pinapayuhan na maging kalmado at iwasang ma-stress kapag buntis,” dagdag ni Christine. Kung ano ang nararamdaman ng ina, ay nararamdaman din ni baby.

3. Mga pamahiin sa buntis at panganganak: Bawal kunan ng litrato kapag buntis. Mahihirapan ka sa panganganak.

heart-shaped hands on pregnant belly - pamahiin sa buntis

Natural lang na tinatawanan ito ng mga ina, dahil walang kinalaman ang litrato sa magiging kalusugan ng mag-ina. Maraming ibang dahilan na nakakaapekto sa kalagayan ng mag-ina, at sa panganganak.

Tanging ang doktor at mga espesiyalista lamang ang makakapagpaliwanag ng bawat isang kaso. Ang sigurado ako, walang kinalaman ang Polaroid o selfie, o DSLR sa mga ito.

4. Mga pamahiin na bawal sa buntis: Bawal paglihian ang mga pangit na tao, kakaibang bagay, pagkain, o hayop.

Ang magiging resulta umano nito ay ang pagkakatulad ng iyong anak sa mga ito. Magkakaroon ng depekto. Usong-uso lalo sa probinsiya iyong mga pinaglihi sa palaka, sa isda, sa manok na pansabong, at kung anu-ano pa.

Pati ‘yong mga pinaglihi sa champorado kaya maitim, sa singkamas kaya maputi, sa rambutan kaya kulot. Hindi na siguro kailangan pang ipaliwanag na walang kinalaman ang nakita, kinain, tiningnan o kinahiligang tao, bagay o hayop nung nagbubuntis, sa magiging itsura o kapansanan man ng magiging anak.

Nakagisnan na ng mga Pilipino ang pamahiin sa buntis na ito, pero walang kahit sino mang nakapagbigay ng siyentipikong dahilan para dito.

Tandaan na ang pisikal na anyo, katangian, o kalagayan ng isang sanggol—o tao, ay dahil sa genetics o nasa genes o/at dugo ng mga magulang at ng lahi nito, o marahil ay kakulangan sa sustansiya nung nagbubuntis ang ina.

Kaya nga ba’t palaging pinapayuhan na kumain ng mayaman sa nutrisyon at bitamina, at huwag pababayaan ang sarili.

5. Huwag hahakbangan ang asawa kapag naglilihi dahil malilipat sa kanila ang paglilihi.

Sa ibang bersiyon, kung gusto mo umano maranasan ng asawa mo ang hirap ng paglilihi, hakbangan mo ng tatlong beses ang asawa habang siya ay natutulog. Ingatan lang na hindi siya makakahalata para gumana ang bisa.

Ang paghahanap ng isang uri ng pagkain na hindi karaniwan, hindi napapanahon, o isang ordinaryong pagkain pero kakaiba ang luto o hugis, ay karaniwan sa isang buntis o naglilihi. “Bizarre” ang deskripsiyon ng iba, dahil minsan ay imposible.

Partner Stories
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme

Ito ay hindi masasabing biro o gawa gawa, dahil talagang kapag ikaw ay buntis, may mga gusto kang kainin na hindi mo naman karaniwang kinakain o hinahanap-hanap.

Ayon sa mga eksperto, ang mga “cravings” o paglilihi na ito ay hormone-based, o gawa ng mga pagbabago sa katawan ng nagbubuntis. Mayroong iba’t ibang hormone na iba-iba rin ang ginagawa.

Tulad ng Leptin na nakakapagpawala ng gana, o Neuropeptide Y (NPY) na nakakapagpagana naman. Sinasabing ang NPY ang isang maaaring dahilan ng mga pagkagusto sa isang pagkain habang buntis.

Ang iba naman umano ay nagkakaroon ng gestational diabetes na dahilan din ng paghahanap ng mga matatamis na pagkain.

Mayroon din umanong kakaibang pang-amoy at panlasa kapag buntis kaya’t kakaiba ang hinahanap na pagkain, na minsan hindi rin naman inuubos ng naglilihi. Base din sa kultura ang mga “cravings”.

Halimbawa, ang mga Pilipino ay naghahanap ng maasim at maalat (manggang hilaw at bagoong), at ang mga Amerikano naman daw ay avocado. Kung bakit, ay hindi pa alam ng mga eksperto. Bagama’t may mga pananaliksik na tungkol dito, dahil ito nga ay balidong punto.

6. Mga pamahiin sa buntis: Huwag kakainin ang tirang pagkain ng buntis dahil aantukin ka.

Bakit nga ba? Katuwa-tuwa dahil hindi naman siguro isinubo ng nagbubuntis ang pagkain na natira. Paano maipapasa sa kakain ng tira ang kung anumang nakakaantok?

Muli, walang basehan at walang lohikal na paliwanag. Hindi dapat kumain ng tira dahil lang baka may nakakahawang sakit. Pero hindi ito dahilan ng antok.

7. Kung ang babaeng nagbubuntis ay kumain ng magkadikit na saging, siya umano’y manganganak ng kambal.

peeled banana - pamahiin sa buntis

Photo by KoolShooters from Pexels

Dapat umano niyang paghiwalayin muna ang magkadikit na saging sa kaniyang likuran bago niya ito kainin. Pareho rin sa number 4, walang basehan ang pamahiin na ito. Ang kambal o magkadikit na bungang saging ay nangyari ng natural.

Minsan, dahil rin sa patabang ginamit sa tanim na saging. Ngunit hindi ito naipapasa sa taong kumain nito. Ang pagkakaroon ng kambal ay nasa genes din ng pamilya.

Karamihan na rin ngayon ng mga nagbubuntis sa pamamagitan ng In vitro Fertilization ay nagdadala ng multiples tulad ng kambal at triplets. Pero hindi kailanman dahil sa pagkain ng kambal na saging.

8. Bawal kumain ng talong dahil paglabas umano ng bata, sa tuwing ito’y umiiyak mahihirapan siyang huminga at magkukulay talong.

Isa pang pamahiin sa buntis ang pagkain ng talong ng buntis. Dahil kung kakain ng talong ang buntis ay maaaring magkaroon ng mga bilog na patse-patse na kulay itim sa balat si baby.

Pinaniniwalaan din na kung kakain ng talong ang buntis ay mahihirapang huminga ang kaniyang sanggol sa tuwing umiiyak. Iniisip rin na maaaring mangitim o magkukulay talong sa tuwing umiiyak si baby kung ito ay gagawin.

Paliwanag ng siyensya, hindi naman masamang kumain ng talong ang buntis. Sapagkat isa itong gulay at nagtataglay ng nutrients.

Sa katunayan, ito ay nagtataglay ng folic acid na mahalaga sa pagbubuntis. Nakakapagpalakas din ito ng immune system ng buntis at nakakatulong na makaiwas siya sa hypertension.

9. Bawal pumunta ang buntis sa lamay or libing. Makakasama raw kay baby.

Pamahiin sa buntis din ng matatanda, hindi dapat nagpupunta sa lamay o libing ang buntis dahil sila ay maaring makunan. Pinaniniwalaan kasing maisasama ng kaluluwa ng patay ang kaluluwa ng hindi pa isisilang na sanggol sa kabilang buhay.

Pero may magagawa naman ang buntis para makontra ito at ang iba pang masasamang espiritu na maaaring makapagpahamak sa sanggol. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusuot ng pulang damit o pagtatali ng pulang panyo sa tiyan ng buntis.

10. Bawal magsuot ng kwintas o magpulupot ng tuwalya sa leeg ang buntis. Baka ang pusod o umbilical cord ng bata ay pumalupot sa leeg niya habang nasa tiyan.

Ang pamahiin sa buntis na ito ay iba-iba base ng matatanda sa pagpulupot ng tuwalya sa leeg ay kwintas na maaari umanong mangyari rin sa pusod ng sanggol.

Bagama’t walang paliwanag ang mga matatanda kung paano ito nangyayari, maraming buntis ang sumusunod dito. Lalo pa’t sa paniniwalang ito ay nakasalalay ang kaligtasan ng sanggol.

Pero ayon sa mga eksperto, ang pagkakapulupot ng umbilical cord ng sanggol sa kaniyang leeg ay dulot ng kaniyang paggalaw sa loob ng tiyan. Bibihira umanong magbigay ito ng kapahamakan sa buhay ng ipinagbubuntis na sanggol.

Ito pa ang ibang mga popular na pamahiin sa buntis. Kayo ang humusga kung may koneksiyon nga ba sa pagbubuntis o sa bagong panganak na sanggol.

  • Huwag umano paliliguan ang baby tuwing Martes at Biyernes kasi baka raw magkasakit.
  • Bawal pumunta ang buntis sa sementeryo. Maninigas umano ang tiyan. Pwedeng mahirapan manganak.
  • Kapag ililibing na ang patay, dapat nauuna ang buntis papunta sa sementeryo.
  • Magkuwintas palagi ng bawang kapag matutulog sa gabi. Mainam na pangontra daw ito sa mga aswang (lalo na sa kapitbahay na mahilig mang-aswang).

Napakarami pang ganitong pamahiin sa buntis na galing sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Sa panahon ngayon, natatawa na lang din ang mga nanay na buntis dahil alam naman nila ang kawalan ng “logic” o siyentipikong paliwanag.

Ngunit ang iba ay napipilitan na lang, lalo’t sinabi ng kanilang mga biyenan na “Wala namang mawawala sa ‘yo kung susundin mo,” ang palaging saad ng mga nakatatanda.

11. Pamahiin sa buntis pag lumindol: Bakit kailangan maligo ng buntis pagkatapos ng lindol

Bakit masama ang lindol sa buntis? Ang isang bagong pag-aaral ng isang lindol noong 2005 sa Chile ay sumusuporta sa nakakagulat na hypothesis na ang mga buntis na kababaihan na nakakaranas ng mga lindol sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis ay nagdaragdag ng panganib ng napaaga na kapanganakan at bahagyang mas maliliit na sanggol.

Ano ang epekto ng lindol sa buntis? Bagama’t ang mga pagbaba sa timbang ng kapanganakan at oras ng pagbubuntis ay medyo maliit, ang mga ito ay sapat na malaki upang magmungkahi na ang mga lindol na naranasan ng higit sa anim na buwan bago ang kapanganakan ay maaaring negatibong makaapekto sa pagbubuntis.

Ngunit walang patunay ng pamahiin sa buntis pag lumindol ay tunay at nakakabuti sa pagbubuntis. 

BASAHIN:

Mga maling akala tungkol sa mga pamahiing Pinoy

10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal

Mga pamahiin sa patay: Dapat bang sundin o hindi?

12. Pamahiin ng buntis sa pusa

Ang dumi ng pusa ay maaaring magdala ng single-celled parasite na nagdudulot ng sakit na toxoplasmosis, na maaaring makapinsala sa isang fetus, kung ang isang buntis na babae ay magkasakit.

Toxoplasmosis ay sanhi ng isang parasito na maaaring mapanganib sa pagbuo ng fetus sa isang tao. Ang pinakakaraniwang paraan kung paano nahawaan ng Toxoplasmosis ang isang tao ay sa pamamagitan ng pagkonsumo ng bihira o hilaw na karne.

Bagama’t totoo na ang isang pusa ay maaaring maghatid ng Toxoplasmosis sa isang tao, isang buong serye ng mga partikular na kaganapan ang kailangang mangyari na talagang bihira.

Maaaring may pamahiin ng buntis sa pusa dahil sila lamang ang mga species na ginagamit ng organismo ng Toxoplasmosis bilang isang intermediate host.

Karaniwan ang nangyayari ay ang pusa ay kumakain ng nahawaang hilaw na karne at ang organismo ay sumasailalim sa pag-unlad sa loob ng pusa at para sa isang maikling panahon (mga 2 linggo). Ang organismo ay maaaring mapunta sa dumi ng pusa.

13. Pamahiin bawal magpagupit ang buntis

Ang pangunahing konsepto sa likod ng pamahiin sa buntis na ito ay ang iyong buhok ay nakakatulong na panatilihin kang protektado mula sa lamig. 

Ayon sa popular na paniniwala, ang iyong buhok ay ang iyong buhay, at ang pagputol nito ay nangangahulugan ng pagbibigay ng bahagi ng iyong vital energy.

Ang puwersa ay napakalakas na maaari mong paikliin ang iyong buhay o kahit na tumawag sa ilang masamang puwersa o sakit kung gupitin mo ang iyong buhok.

Kapag ikaw ay buntis, ang iyong katawan ay naglalabas ng isang host ng mga hormone, at karamihan sa mga ito ay nasa patuloy na pagbabago o mataas na estado.

Ang mga pagbabago sa hormonal sa iyong katawan ay nagdudulot ng maraming pagbabago na nakikita mo sa volume at texture ng iyong buhok sa panahon ng pagbubuntis. 

Ang pagputol ng buhok habang buntis ay maaaring makatulong na kontrolin at gawing mas bouncier at malusog ang iyong buhok. Dahil hindi ito isang invasive na pamamaraan, hindi ito makakasama sa iyo o sa iyong sanggol sa anumang paraan. 

Gayunpaman, kung gumagamit ka ng ilang produkto sa pag-istilo tulad ng mga spray, kulay at lahat maaari itong magdulot ng ilang mga side effect. Ikonsulta sa iyong doktor bago gamitin ang mga ito sa iyong buhok.

14. Pamahiin sa buntis pag may eclipse

Bagaman walang siyentipikong patunay na naitatag na nag-uugnay sa pamahiin sa buntis at eclipse. Ayon sa mga paniniwala, ang hindi pa isinisilang na bata ay maaaring magkaroon ng deformity kung ang ina ay lumabas habang may eclipse.

Ang tunay na panganib ay ang pagtingin sa pinakamaliit na bahagi ng araw na hindi nahaharangan ng buwan. Alinsunod dito, ito ay lubhang mapanganib at maaaring magresulta sa pinsala sa retinal. Kaya, kung muling sumisikat ang araw mula sa likod ng buwan, oras na para tumingin sa malayo.

15. Pamahiin sa buntis aswang

Ang mga Pilipino ay mayaman sa mga katutubong nilalang. Isa sa mga sikat na folkloric na nilalang sa Pilipinas ay ang “Aswang”.

Ang Aswang ay pinaniniwalaang umaatake sa gabi, at gusto ang hindi pa isinisilang na bata para sa kanyang pagkain. Pinaniniwalaang ayaw ng nilalang na ito sa asin at bawang, kaya naman sa bawat sulok ng kwarto ay nagwiwisik ng asin at bawang upang maprotektahan ang buntis sa nasabing nilalang.

Walang mawawala sa paniniwala sa mga pamahiin sa buntis na ito ngunit laging tatandaan na mas mangingibabaw ang mga payo at direktiba ng iyong doktor para sa iyo at sa iyong sanggol. 

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Psychology Today, Editha Buluran, guro sa GaRTENS Learning Center Blk 37, lot 8 , Phase 3A , Grand Royale Subdv, Bulihan, Malolos  City, Healthline, Mayo Clinic, Wired, Broadview Vet, Puget Sound Pet, Mom Junction, CDO Dev, Read

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Dapat bang sundin? 15 na pamahiin at paniniwala ng matatanda sa pagbubuntis
Share:
  • Pagtatae ng baby: Sanhi, sintomas at gamot sa diarrhea ng sanggol

    Pagtatae ng baby: Sanhi, sintomas at gamot sa diarrhea ng sanggol

  • What moms need to know about World Breastfeeding Week

    What moms need to know about World Breastfeeding Week

  • What are the differences between baby acne vs. eczema

    What are the differences between baby acne vs. eczema

app info
get app banner
  • Pagtatae ng baby: Sanhi, sintomas at gamot sa diarrhea ng sanggol

    Pagtatae ng baby: Sanhi, sintomas at gamot sa diarrhea ng sanggol

  • What moms need to know about World Breastfeeding Week

    What moms need to know about World Breastfeeding Week

  • What are the differences between baby acne vs. eczema

    What are the differences between baby acne vs. eczema

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.