X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

"Inuulam ko sa kanin ang cheese at manggang hinog." Weirdest pregnancy cravings ng TAP moms!

7 min read
"Inuulam ko sa kanin ang cheese at manggang hinog." Weirdest pregnancy cravings ng TAP moms!

Ginagawa mo rin bang sawsawan ng apple ang ketchup noong buntis ka?

Pagpasok sa pregnancy journey ni mommy, hindi mawawala ang weird cravings ng buntis. Normal itong nangyayari at parte lamang ng kanilang pagbubuntis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dahilan ng cravings ng buntis
  • Mga weird cravings ng buntis

Bakit may weird cravings ang buntis?

Maaaring nagtataka ka sa mga buntis na may unusual na cravings o ‘di naman kaya ay ikaw mismo na buntis ay naghahanap ng certain na pagkain na mayroong kakaibang kombinasyon!

weird cravings ng buntis

Weird cravings ng buntis | Photo by Luísa Schetinger on Unsplash

Pagpasok ng babae sa kanilang pregnancy journey, bukod sa pisikal na pagbabago, mabilis din ang kanilang hormonal changes. Isa pa rito, mas dumodoble ang pagiging sensitibo ng kanilang panlasa.

Kaya naman hindi na malabo ang ganitong mga bagay. Ang cravings na nararanasan ng mga buntis ay kadalasang lumalabas sa unang trimester pa lamang at mas lalong nararamdaman sa pangalawang trimester.

Ayon sa doktor na si Andrei Rebarber, MD, maaaring ang cravings na ito ay tumutukoy sa nutrisyon na kulang ang buntis.

“No one really knows why pregnancy cravings occur, though there are theories that it represents some nutrient that the mother may be lacking–and the crave is the body’s way of asking for what it needs,”

Katulad na lamang kapag hinahanap-hanap ng buntis ang pickles, maaaring ito ang paraan ng kanilang katawan upang sabihing kailangan nila ng sodium.

BASAHIN:

#AskDok: 5 pagkain na ipinagbabawal sa buntis

10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis

Pagkain ng mani habang buntis, nakakatulong na maging matalino si baby

Pero teka, relax lang mommy! Kailangan in moderation ang pagkain lalo na kung matatamis na pagkain ang lagi mong hinahanap.

Kung sobra-sobra na ang iyong sugar intake, mataas ang tiyansa na magkaroon ka ng gestational diabetes. Kaya naman disiplina ang kailangan sa ganitong pagkakataon.

Mga weird pregnancy cravings ng TAP moms

Nagtanong kami sa theAsianparent Philippines kung anu-ano ang mga weird cravings nila noong nagbubuntis pa sila. Narito ang ilan sa kanila!

1. Sweets!

Ice cream, candy, at chocolate. Ganito rin ba ang mga kinaadikan mo dati noong buntis ka pa? Don’t worry, maraming TAP moms ang relate sa’yo!

“Maliban sa chocolate na kainin ng tunaw, wala na. ‘Yong dairymilk gusto ko tunaw siya kainin.” “Chocolate cake.” “Ice cream at pipino. Sawsaw sa suka pinapagsabay ko kainin.”

Ilan lamang ito sa mga pagkaing hinahanap-hanap ng ating mga preggy moms. Talaga namang nakaka-satisfied ito ng cravings ito pero tandaan na dahil ito ay matamis, maaaring magdulot ito ng gestational diabetes o dental problems sa buntis. Kaya in moderation dapat ang pagkain ng matatamis habang buntis!

Para naman mabawasan ang cravings sa matatamis, makakatulong ang pagkain ng mga protein-rich foods. Tulad na lang ng itlog at karne.

Dahil sa ang mga ito ay nakakatulong para mabusog ka ng mas matagal na maganda para makaiwas ka sa pag-atake ng nausea. Mas mabuti rin na imbis na chocolates at desserts ay kumain ng mga frozen berries o dried mangoes na matamis pero healthy pa rin.

Kung gusto talaga ng chocolate ay mas mabuting piliin ang mga dark variety o iyong dark chocolate. Dahil maliban sa less sugar ito ay nagtataglay rin ito ng antioxidants na makakabuti sa iyong immune system.

weird cravings ng buntis

Weird cravings ng buntis | Image from iStock

2. Fruits

Good choice naman para hanap-hanapin ang prutas! Healthy ito kay mommy at baby sa kanilang journey.

“Apple isasawsaw sa toyo na may kalamansi.” “Watermelon na may sawsawan na suka at tinapay na ice cream ang palaman.” “Green apple isasawsaw sa suka na may asin.” “Sliced mango, banana, and kiwi plus milo and maternity milk on top.” “Dalandan tapos isawsaw sa patis, ayun nauwi sa UTI.”

Marami man itong dalang vitamin at nutrisyon, may ibang prutas din na kailangang iwasan ng babae habang sila ay buntis. To keep you hydrated, pwedeng kumain ng orange.

Magandang source rin ito ng folic acid na importante para sa mga buntis. Fruits to avoid naman? Pineapple! Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng pinya ay maaaring magdulot ng miscarriage sa buntis.

3. Spicy foods

Mahilig ka rin ba sa maanghang na pagkain noong buntis ka?

“Siling labuyo! Nagagalit pa ‘ko pag ‘di maanghang kinakain ko!” “Hot sauce iniinom ko.”

Maraming paniniwala ang nagsasabing delikado at hindi safe kumain ng spicy foods ang mga babae kapag sila ay buntis. Ngunit alam mo bang isa lang itong myth?

Safe kumain ng maanghang na pagkain ang buntis! Wala itong epekto sa baby mo. Dahil konektado kayo ng anak mo, maaaring makuha o mamana niya ang iyong tastbuds sa flavor na ito.

weird cravings ng buntis

Weird cravings ng buntis | Photo by Joseph Gonzalez on Unsplash

4. Dairy products

Pasok sa dairy products ang itlog, keso, at gatas.

Partner Stories
4 things to consider before investing in your child's college fund
4 things to consider before investing in your child's college fund
My Life, Creating Smiles: How my life changed through helping children with cleft
My Life, Creating Smiles: How my life changed through helping children with cleft
Love, Bonito continues to champion female empowerment with its first-ever children’s storybook
Love, Bonito continues to champion female empowerment with its first-ever children’s storybook
Work and Parenthood as Told by Lazada’s Ray Alimurung
Work and Parenthood as Told by Lazada’s Ray Alimurung

“Pandesal with butter pero sa gabi kakainin.” “Inuulam ‘yong cheese.” “Lagyan ng cheese whiz ang mainit na kanin tapos ulam manggang hinog. Ayun sa banyo ang deretso after.”

Importante ang magkaroon ng sapat at tamang level ng calcium sa katawan upang mapunan ang pangangailangan ni baby. Ngunit mga mommy, kailangan din na mag-ingat sa pagkain ng mga dairy products.

May ibang produkto na lapitin sa contamination. Dapat ding iwasan ng mga buntis ang unpasteurised dairy products! Kapag magluluto naman, iwasang hilaw ang kainin at dapt ito ay lutong-luto.

5. Maasim na pagkain

Isa rin sa laging hinahanap-hanap ng buntis ay maasim na pagkain. Tulad ng mangga, sampalok at atsara.

“Grabe, laway na laway ako noon sa mangga. Iyong maasim na mangga, gusto ko noon kahit hating-gabi na.” “Kahit walang kanin at ulam basta may atsarang papaya solve na ko.”

Ayon sa mga mommies, ang pagkain ng maasim ay paraan kasi para ganahan sila sa pagkain. Lalo na sa mga unang buwan ng pagbubuntis.

Kung saan nakakaranas sila ng morning sickness at napaka-arte ng panlasa nila. Paliwanag naman ng mga health experts, ang pagkain ng maasim ay nakakatulong sa digestion ng isang buntis. Dahil sa ito ay nagdudulot ng labis na paglalaway na mahalaga sa pagtunaw ng pagkain.

Pero ayon sa mga pag-aaral, hindi dapat kumain ng sobrang maasim o acidic na pagkain ang mga buntis sa kanilang unang trimester. Dahil sa ito ay maaring makaapekto sa normal growth ng kanilang fetus at magkaroon ng negatibong epekto sa development nito. Pero kung ang maasim na pagkain namin na kinakain ay mga prutas tulad ng mangga, strawberry at oranges ay hindi naman masama. Dahil sa ang mga ito ay healthy at nagtataglay ng nutrients na kanilang kailangan.

Inuulam ko sa kanin ang cheese at manggang hinog. Weirdest pregnancy cravings ng TAP moms!

Food photo created by jcomp – www.freepik.com 

6. Maalat na pagkain

May mga buntis rin na nahihilig sa maalat na pagkain. Ito nga ay madalas na itinatambal nila sa maasim na pagkaing kinahihiligan rin nila.

“Hindi kumpleto ang mangga cravings ko noon kung walang bagoong o toyo na may sili na sawsawan.” “Kahit anong luto, gusto ko laging may patis. Minsan nga pinapapakpak ko nalang yung patis.”

Ayon sa mga health experts, ang pagkahilig sa maalat na pagkain ng buntis ay palatandaan na kailangan ng kaniyang katawan ng dagdag na sodium.

Maaaring ito ay palatandaan rin ng stress at indikasyon na mababa ang blood pressure ng buntis. Pero masama rin ang sobrang maalat na pagkain sa buntis dahil sa ito ay maaring magdulot sa kaniya ng high blood pressure na maaring mauwi sa komplikasyon sa pagbubuntis na tinatawag na preeclampsia.

Sa pagkain ng maalat na pagkain tulad ng mga chips, ay piliin ang may low saturated fat at salt. Maghinay-hinay rin sa paggamit ng mga sawsawan na sobrang alat at mas mabuting palitan ito ng mga sawsawang healthy tulad ng spinach dip.

Wala namang pagkaing bawal sa mga buntis. Kahit anong gusto nilang kainin ay pupuwede, basta’t ito ay in moderation lang. Dahil kung sobra ay maaring makasira ito sa tiyan nila at maging dahilan ng mga kondisyon na maaring makasama sa kanilang pagbubuntis.

 

Source:

Closer, Psychology Today

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • "Inuulam ko sa kanin ang cheese at manggang hinog." Weirdest pregnancy cravings ng TAP moms!
Share:
  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

  • Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

    Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

  • 6 na oral health problems ng mga buntis

    6 na oral health problems ng mga buntis

  • Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

    Having Braces While Pregnant: Is It Safe?

  • Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

    Hot Weather Health Risks For Pregnant Moms: What You Need To Know

  • 6 na oral health problems ng mga buntis

    6 na oral health problems ng mga buntis

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.