Marahil narinig niyo na bawal na pagkain sa buntis ang talong. Totoo ba ito o isang pamahiin lamang?
Kilala ang talong, eggplant, o aubergine, bilang isang gulay na napakaraming benepisyo para kalusugan. Pero pagdating sa mga mommies-to-be, may mga debate pa tungkol dito.
May sinasabing side-effects sa pagkain ng talong kapag may sanggol sa iyong sinapupunan. Mayro’n mang mga mabuting dulot sa kalusugan ng mag-ina ang talong, mahalagang malaman na kapag nasobrahan, may dalang di-mabuting side effects sa nagdadalang-tao.
Sa India at ayon sa Ayurvedic beliefs, ipinagbabawal ang pagkain ng talong habang buntis, dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Maaaring malaglag ang sanggol sa sinapupunan
May taglay na mataas na lebel ng phytohormones ang talong, na nakakatulong sa problema sa menstruation tulad ng premenstrual cramps, at pati sa pagpapalabas ng dugo kapag may amenorrhea. Kaya sinasabing delikado ang talong sa isang nagbubuntis dahil maaaring maging sanhi ng miscarriage, ayon na rin sa isang pag-aaral sa University of Hawaii tungkol sa benepisyo ng talong at maaaring maging problema kapag nagbubuntis.1
Pero ayon kay Dr. Jerry Villarante, MD, wala pang lubusang ebidensiya at pag-aaral na nagpapatotoo dito. “Sa amin kasi hangga’t walang medical journals, di namin pinapaniwalaan. Ang mga Medical Journals kasi ay base sa mga human clinical trials. At pagdating sa kung ang talong ay nagiging sanihi nga ng pagkalaglag, wala pang patotoo dito,” paliwanag ni Dr. Villarante.
2. May posibilidad ng Premature Delivery
Maaaring maging sanhi ng uterine contraction ang isang nagbubuntis kapag nasobrahan sa pagkain ng talong. At kapag malala ang contractions, puwede ring magtuloy sa premature delivery.
3. Acidity
Sanhi din ng pagkakaro’n ng acidity at pananakit o paghapdi ng tiyan ang gulay na ito.
4. Problema sa digestion
Kapag hindi lubusang naluto, nagiging sanhi ito ng problema sa panunaw ni Mommy. At anumang digestive problems ay hindi mabuti para sa nagdadalang-tao. Kung kakain nito, siguraduhing lutong-luto ito, at lilimatahan ang dami ng kakainin.
Benepisyo ng talong
Buntis man o hindi, karaniwang kaalaman na ang maraming benepisyo ng talong sa ating kalusugan. At dahil ang isang talong ay may taglay na 6.4 mg ng vitamin A, 4.9 g ng dietary fiber at 6 mg ng iron, hindi naman ito ipinagbabawal ng mga doktor sa mga nagbubuntis dahil ito ang mga essential nutrients na kailangan nila.
1. May folates at folic acid na nakakatulong na maprotektahan ang sanggol laban sa birth defects.
2. Mayaman sa Vitamin C, niacin, B complex, vitamin A, and vitamin E, na makakatulong sa development ng bata sa sinapupunan. Mayron din itong potassium, copper, manganese, at iron, na makakatulong sa pagdami ng blood supply at hemoglobin count.
3. Nakakatulong sa regulasyon ng gestational diabetes dahil napipigil niya ang pagtaas ng blood sugar level.
4. Dahils sa mayaman ito sa fiber, may panlaban si Mommy sa constipation.
6. Nakakapagpababa ng Bad (LDL) Cholesterol, at nakakapagpadami ng good (HDL) cholesterol, kaya’t makakaiwas sa anumang problema sa puso at stroke.
7. Nakakatulong sa pagsugpo ng Hypertension lalo kapag buntis, dahil may taglay itong bioflavonoids.
Sa madaling salita, hindi ipinagbabawal ng mga medical experts ang pagkain ng talong, pero isang mariing paalala ang binibigay ng mga doktor na katulad ng anumang pagkain, huwag kakain ng labis kung ikaw ay buntis para makaiwas sa anumang problema o komplikasyon. Moderation ang susi, at ayon nga sa kasabihan, “Prevention is better than cure.”
Kung kaya din naman na tuluyang iwasan ang gulay na ito habang nagbubuntis, para makaiwas sa anumang problema at komplikasyon, para kay Mommy at baby.
Ikaw Mommy, kumain ka ba ng talong nuong nagbubuntis ka? Ano ang epekto nito sa iyo? Ikuwento ang karanasan sa Comments Box sa ibaba.
Source:
WebMD, Dr. Jerry Villarante, MD
1 https://scholarspace.manoa.hawaii.edu/bitstream/handle/10125/20759/HAWN_Q111.H3_4315_r.pdf?sequence=2
Basahin: 13 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!