Hindi na sikreto sa marami na iba’t-ibang pananakit ng katawan ang nararamdaman ng mga ina kapag sila ay nagbubuntis. Kasama na rito ang pagkakaroon ng masakit na pusod sa pagbubuntis.
Ating alamin kung anu-ano ang posibleng maging dahilan nito, at kung ano ang puwedeng gawin ng mga ina upang mabawasan ang pananakit na ito.
Ano ang dahilan ng masakit na pusod sa pagbubuntis?
Maraming posibleng maging dahilan ang pagkakaroon ng masakit na pusod sa pagbubuntis. At kadalasan, hindi naman ito dapat ipag-alala ng mga ina. Ngunit mahalaga pa ring alamin ng mga ina ang posibleng dahilan nito upang mayroon silang magawa upang bawasan ang pananakit na ito.
Pag-unat ng balat
Para sa mga buntis, lalo na sa mga nasa ikatlong trimester, normal na ang makaranas ng pananakit sa may pusod dahil sa pag-unat ng balat. Ito ay dahil habang lumalaki ang sanggol, lumalaki din ang iyong tiyan at uterus, at dahil dito, nababatak ang tiyan ng mga ina.
Sa paggalaw na ito, posibleng mairritate ang pusod at maging sanhi ng pananakit.
Pagkakaroon ng piercing
Para naman sa mga inang mayroong piercing sa pusod, posibleng maapektuhan ng pag-unat ng balat ang piercing. Minsan, may mga pagkakaton rin na magkaroon ito ng infection na posibleng maskasama sa kalusugan ng ina.
Kaya’t para sa mga inang may piercing sa pusod, mabuting tanggalin muna ito habang nagbubuntis upang makaiwas sa pananakit at impekson.
Naiipit ito ng uterus
Sa paglaki ng iyong uterus, posible nitong maipit ang iyong pusod. Dahil sa pag-ipit na ito, posibleng matulak ang pusod at ito ay maging “outie,” o pusod na hindi nakalubog.
Madalas itong nangyayari sa dulo ng pagbubuntis, o kaya kapag malaki ang tiyan ng isang inang nagbubuntis.
Umbilical hernia
Ang umbilical hernia naman ay nangyayari kapag nasobrahan ang pag-ipit sa abdomen at sa pusod. Mapapansin ito agad ng mga ina dahil napakasakit nito, at minsan may kasama pang pamamaga sa may pusod, o kaya makakaramdam sila ng pagsusuka.
Kapag sa tingin mo mayroon kang umbilical hernia, mabuting magpatingin sa doktor agad dahil kung mapabayaan ito, ay posibleng magdulot ng iba pang komplikasyon.
Paano mababawasan ang pananakit na ito?
Normal lang na nagkakaroon ng pananakit ng pusod habang nagbubuntis. Pero siyempre, kung sobrang sakit na at hindi mo na matiis ang pananakit, kailangang may gawin ka tungkol dito.
Heto ang ilang mga tips upang mabawsan ang pananakit ng pusod:
- Subukang matulong ng nakatagilid upang mabawasan ang pressure sa iyong pusod.
- Magsuot ng maternity support belt upang magkaroon ng extrang support ang iyong tiyan at mabawasan ang pag-unat nito.
- Nakakatulong rin ang paggamit ng mga lotion upang mabawasan ang irritation at pananakit na epekto ng pag-unat ng balat.
Source: Healthline
Basahin: Pananakit ng puwit habang nagbubuntis, paano maiibsan?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!