Sa mga inang nagbubuntis, normal na ang magkaroon ng back pain, o kaya pananakit ng tiyan. Ngunit alam niyo ba na ang pananakit ng puwitan habang buntis ay posible ring maranasan ng mga nagbubuntis?
Kapag napabayaan ay posibleng maging sanhi ng matinding stress at pananakit ang ganitong kondisyon. Kaya’t mahalagang alamin ng mga ina ang sanhi at kung ano ang solusyon para sa ganitong klase ng sakit.
Pananakit ng puwitan habang buntis: Sanhi
Maraming posibleng maging sanhi ang ganitong klase ng pananakit ng katawan. Minsan ay nagmumula ang sakit sa mismong puwit, at minsan ay epekto ito ng lower back pain.
Image from Freepik
Heto ang ilang mga sanhi ng pananakit sa puwit:
Hemorrhoids
Ang hemorrhoid ay dahil sa pamamaga ng mga ugat sa butas ng puwit, o sa rectum. Ito ay madalas nangyayari sa mga buntis dahil nagkakaroon ng extra pressure sa butas ng puwit at rectum dahil sa paglaki ng uterus.
Lumalala din ang pananakit ng hemorrhoids kapag madalas kang nakatayo.
Labor pains/Contractions
Iba-iba ang nararanasang labor pain at contraction ng mga nagbubuntis. Minsan, kapag nagkaroon ng cramp sa lower back, kumalat ito patungo sa puwit ng ina.
Ang tinatawag na Braxton-Hicks contractions ay posible ring maging sanhi ng pananakit sa puwit ng mga nagbubuntis na ina.
Pelvic girdle pain
Ang pelvic girdle ay isang grupo ng mga buto na makikita sa baba ng iyong spine. Dahil sa dagdag na timbang na epekto ng pagbubuntis, posibleng sumakit ang pelvic girdle, at nakakaramdam ng sakit sa puwit ang mga nagbubuntis.
Bagama’t hindi komportable ang pelvic girdle pain, hindi naman ito makakasama sa iyong anak, at puwede ka pa ring magkaroon ng normal na panganganak.
Sciatica
Image from Freepik
Ang sciatica ay isang kondisyon kung saan naiipit ang isang ugat na tinatawag na sciatic nerve, na dumadaan mula sa puwit pababa sa binti.
Posibleng maipit ito ng lumalaking uterus ng ina, o kaya dahil sa dagdag na timbang kapag nagbubuntis. Masakit ang sciatica, at nakakaramdam ng mainit at masakit na pakiramdam sa likod, sa puwit, at sa binti.
Ano ang magagawa ng mga buntis sa pananakit ng puwit?
Mayroong mga pagkakataon kung saan kaya pang tiisin ang pananakit ng likod at puwit. Ngunit kailangan mong magpakonsulta sa doktor kung nararamdaman mo ang mga sumusunod:
- Sumasama na ang pakiramdam mo dahil sa sakit.
- Mayroon kang hemorrhoids, at sobra-sobra ang pagdurugo nito.
- May naramdaman kang tumutulo mula sa iyong vagina na parang nag-break ang iyong tubig.
- Hindi mo na makontrol ang iyong pag-ihi at pagdumi.
- Hindi nawawala ang sakit.
Posibleng makatulong din ang pag-inom ng mga pain medicine para mabawasan ang sakit, ngunit posibleng magkaroon ng masamang epekto ang mga gamot na ito para sa iyong sanggol. Kaya’t mas mainam kung umiwas sa pain medicine, o kaya magpakonsulta muna sa doktor bago bumili ng gamot.
Image from Freepik
Heto ang iba pang puwedeng solusyon kapag may nararanasan kang pananakit ng puwit:
- Maligo sa pamamagitan ng sitz bath, o ang paglubog ng iyong puwit sa mainit-init na tubig. Nakakatulong ito para maibsan ang sakit.
- Subukang magpatak ng witch hazel sa isang sanitary pad, at gamitin ito upang makabawas sa pamamaga.
- Iwasang tumayo at umupo ng matagal dahil nagiging sanhi ito ng pananakit ng puwit.
- Uminom ng tubig. Nakakatulong ito para makaiwas sa constipation at nakakabawas sa pagkakaroon ng sakit sa puwit.
- Kumain ng fiber. Ang fiber ay mahalaga upang gumanda ang iyong digestion at nakakabawas rin ito sa digestion.
- Iwasang magbuhat ng mabibigat dahil nagiging sanhi ito ng stress para sa iyong likuran.
- Puwede ring gumamit ng hot o cold compress para makabawas sa pananakit ng iyong puwit.
Source: Healthline
Basahin: Pag-inom ng paracetamol, dapat daw iwasan ng mga nagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!