Lahat ng nagbubuntis ay nangangailangan ng mas maraming tubig para manatiling hydrated. Pero, pwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis?
Mababasa sa artikulong ito:
- Pwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis?
- Pahayag ng eksperto tungkol sa usapin
- Panganib ng deep venous thrombosis
Nirerekumenda ng mga OB GYN na ang lahat ng nagbubuntis ay dapat uminom ng hanggang 12 baso ng tubig kada araw. At katulad ng napakaraming sinasabing bawal kapag buntis, isa na ang pag-inom ng malamig na tubig sa pinakamadalas na naririnig ng mga mommies-to-be.
Ano nga ba ang totoo?
Kuwento ni Daisy Pingol, special education teacher sa Dubai at may 4 na anak, pinaalala sa kaniya ng kaniyang nanay na huwag iinom ng malamig na tubig dahil nakakapagpatigas daw ito at nakakapagpalaki ng tiyan, na baka makasama sa bata.
‘Di kaya naman daw, lalamigin ang sanggol sa sinapupunan, kaya siya ay gagalaw ng madalas kaya’t mahihirapan ang ina.
Sa ibang bansa naman, sang myth o paniniwala din na nagiging sanhi ito ng pagkakaro’n ng hika, pulmoniya at iba pang respiratory diseases, lalo na kapag madalas.
Mayroon ding nagsasabi na kapag uminom ng maraming malamig na tubig, lumiliit daw ang mga ugat sa ilong at lalamunan, dahilan ng hirap na pagdaloy ng dugo, kaya’t hirap ding manlaban sa sakit ang nagbubuntis.
Pwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis? | Image from Freepik
Pwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis?
Sa isang medical journal na isinulat ng Nigerian gynecologist sa Amerika na si Dr. Tinuola Ajayi, OB GYN, ang nagsasabing lahat ng hinuhang ito ay mali at walang basehan sa agham.
Nang ikunsulta ni Daisy sa kaniyang OB GYN, sinabi ni Dr. Hala na walang masama sa pag-inom ng malamig na tubig. Bagkus, binibigyan pa nga ng malamig na tubig ang mga nagbubuntis minsan. Para mapagalaw ang bata sa sinapupunan, o para malaman kung gising ito. Di ba nga kapag nagsimulang mag-labor ang ina, binibigyan pa ito ng yelo o ice chips para naman mamanhid.
Nagtanong ako sa mga mommies na kapapanganak lang, at lahat ay iisa ang sagot: hindi nakasasama ang pag-inom ng malamig na tubig kapag buntis. Ang mahalaga ay malinis ang tubig at hindi direktang galing sa gripo.
BASAHIN:
#AskDok: 5 pagkain na ipinagbabawal sa buntis
#AskDok: 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis
STUDY: Mainit na panahon, mayroong epekto sa pagbubuntis
Bawal sa buntis ang malamig?
Ayon sa librong Mayo Clinic Guide to a Healthy Pregnancy ng Mayo Clinic at inedit ni Roger Harms, ang mga buntis na mommies ay kailangan ng maraming tubig. Ito ay para maiwasan ang panganib ng deep venous thrombosis o blood clot sa binti. Kapag nakakaramdam ang nanay na hindi gumagalaw ang bata, pinapainom din siya ng malamig na tubig para mapagalaw ito, kung ito ay wala sa panganib.
Anumang temperature ng pagkain o inumin, pagdaloy nito papunta sa tiyan at bituka. Pumapareho na ito sa body temperature, ayon pa sa libro ng Mayo Clinic. Kaya wala itong magiging masamang epekto sa nanay o sa bata.
Pwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis? | Image from Freepik
Tandaan din na ang tubig na iniinom ay napupunta sa bituka sa tiyan, at hindi napupunta sa uterus. Anumang tubig, oxygen at sustansiya na pumapasok sa nanay ay naipapasa sa pamamagitan ng dugo sa dugo, sa placenta.
Ang dapat lang iwasan ay ang malamig na carbonated drinks at inuming may caffeine. Dahil ito ay karaniwang nakaka-trigger ng heartburn at minsan pa ay pagkalaglag ng bata.
Walang dapat ikabahala ang mga mommies pagdating sa pag-inom ng tubig.
Dagdag ni Daisy, regular siyang umiinom ng malamig na tubig kahit nung buntis siya. Dahil nakatira siya sa Dubai kung saan sobrang init ang panahon. Ang anak niyang si Jacob Yousef ay 2 taong gulang na ngayon, malusog at masayahin.
Kung may pag-aagam-agam, o di kaya ay kung ayaw na mag-alala ang mga nakatatanda na nagbabawal sa iyo, mag-hinay hinay na lang sa pag-inom ng malamig na tubig.
Pwede bang uminom ng malamig na tubig ang mga pregnant moms? | Image from Freepik
At kung may pangamba pa rin, huwag mag-alinlangan na tanungin ang iyong OB GYN. Kung pwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis mas lalo na kung may iba pang karamdaman.
Nakakataba ba ang malamig na tubig?
Pwede bang uminom ng malamig na tubig ang mga pregnant moms? Hindi ba ito nakakataba?
Ang sagot dito ay hindi. Hindi nakakataba ang malamig na tubig.
Kapag umiinom ng malamig na tubig ang isang buntis, ang kanyang katawan ay kusang naglalabas ng extra calorie pra mapainit ang malamig na tubig na swak sa body temperture mo.
Sources:
Daisy Pingol, Mayo Clinic, Dr. Tinuola Ajayi, OB GYN
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!