Mahalagang malaman ng mga mom ang mga bawal na pagkain sa buntis lalo na kung sensitibo ang kanilang kalagayan. Kaya naman narito ang mga ilang impormasyon patungkol rito.
STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child
Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng 200mg ng caffeine o dalawang baso ng kape sa isang araw ay hindi naman delikado. Ngunit hindi pa rin nirerekomenda ang pag-inom ng kape o tea sa mga buntis. Lahat din ng uri ng caffeine consumption ay hindi inaabiso para sa kanila.
Mga bawal na pagkain sa buntis: Bakit nga ba kailangang iwasan ito? | Image from Unsplash
Bukod dito, maaaring maglagay lang sa alanganin ang pagbubuntis ni mommy dahil sa pag-inom ng mga pinagbabawal na ito. Makakapagpataas ito ng miscarriage at stillbirth para sa isang pregnant mom. Kung ipapagpatuloy ang pag-inom ng kape o tea, puwedeng maging mababa ang timbang ng bata kapag ito ay lumabas na.
Mataas din ang risk factor sa leukaemia at childhood obesity ng bata.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng isang propesor na si Jack James ng Reykjavik University sa bansang Iceland, napag-alaman na nakakapagpataas ng harm risk ang pag-inom ng caffeine.
Mula ito sa 48 studies sa nakalipas na dalawang dekada. Ang pag-inom ng dalawang tasang kape sa isang araw ay mayroong 28% chance na magkaroon ng miscarriage at 38% naman ng stillbirth.
Bukod sa masamang epekto ng kape sa buntis, delikado ring maituturing ang paninigarilyo ng isang babae habang ito ay nagdadalang tao.
Iba pang mga bawal na pagkain sa buntis na maaaring maging dahilan ng miscarriage
Be mindful sa pagkain ng mga ito moms! Maging maaalam para maging safe ang pregnancy mo. Kung maaari, itanong sa iyong doktor kung ano ang kailangan mong kainin habang ikaw ay nagbubuntis.
Bakit bawal ang softdrinks sa buntis?
Larawan mula sa Shutterstock
Tulad ng kape ay mayroon ding caffeine content ang karamihan sa mga soda drinks o soft drinks. Kaya naman dapat ding limitahan ng expectant moms ang pag-inom nito.
Bukod pa rito, ayon sa report ng Web MD, may pag-aaral na nagsasabing ang mga buntis na may mataas na intake ng sugar lalo na ng sugar na mula sa sweetened sodas o soft drinks, ay nagresulta ng mababang nonverbal problem-solving abilities at verbal memory sa anak.
Bawal umano ang softdrinks sa buntis kung nais ng mommy na magkaroon ng matalas na memorya at learning skills ang kanyang anak. Maging ang diet soda ay may parehong epekto sa nasa sinapupunan ng buntis.
Ayon sa pag-aaral, maiuugnay ang pag-inom ng soft drinks habang buntis sa mahinang fine motor, spatial, at visual abilities ng bata sa kanyang early childhood o hanggang sa edad na tatlong taon. Pagdating naman umano ng pitong taon o sa kanyang mid-childhood, magiging mahina rin ang kanyang verbal abilities.
Napatunayan din umano ng mga researcher na ang pagkonsumo ng bata ng masyadong maraming asukal mula sa kaniyang iniinom at kinakain ay may kaugnayan sa kanyang memory at learning difficulties.
Makatutulong umano ang pagkain ng prutas para sa mas maayos na visual motor abilities at verbal intelligence sa later childhood.
Mga bawal na pagkain sa buntis at inumin sa buntis
Mahalagang maging maingat sa mga iniinom at kinakain kung ikaw ay buntis. Ito ay dahil hindi lang kaligtasan mo ang nakasalalay kundi maging ang kaligtasan ng bata sa iyong sinapupunan.
Narito ang mga dapat iwasan na pagkain habang ikaw ay preggy:
1. Raw food
Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka.
Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby. Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.
Banta rin ito sa kalusugan ni baby. Matatagpuan sa hilaw na karne at isda ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Toxoplasma, E. coli, Listeria, at Salmonella.
Mga bawal na pagkain sa buntis: Bakit nga ba kailangang iwasan ito? | Image from Unsplash
2. Alak
Kung maaari, itigil muna ang pag-inom ng alak sa mga buntis.
Ayon sa pag-aaral, nakakapagpataas ito ng risk ng miscarriage at stillbirth kahit na kaunti lang ang iniinom mo. Bukod dito, ang pag-inom ng alak ng mga buntis ay dahilan ng facial deformity ng mga sanggol sa kanilang tiyan. Ito rin ay magkakaroon ng problema sa puso at may epekto sa intelektuwal na kakayahan ng bata.
3. Unpasteurized na dairy products
Healthy ang cheese, gatas at iba pang fruit juice sa ating katawan. Ngunit alam nating sensitibo ang katawan ng mga buntis at kailangang maging maingat sa mga kinakain nila dahil may pinapakain din silang sanggol sa sinapupunan.
Hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang unpastreurize foods katulad ng gatas, keso at mga fruit juice. Matatagpuan kasi rito ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Listeria, Salmonella, E. coli, and Campylobacte. Ang mga bacteria na ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng iyong unborn child.
Ang salmonella bacteria ay maaaring makasama sa iyong unborn child. Maaari itong magdulot ng food poisoning. Maaaring makuha ang salmonella poisoning sa mga sumusunod na pagkain:
- Hilaw na itlog
- Unpasteurized milk
- Hilaw na manok
- Hilaw na karne
Upang maiwasan ang pagkalason dulot ng salmonella, narito ang mga dapat gawin:
- Iwasang kumain ng pagkain na may hilaw na itlog o hindi masyadong luto na itlog. Kumain lamang ng itlog na lutong-luto ang egg white at egg yolk.
- Tiyaking maayos ang pagkakaluto ng mga karne at manok hanggang wala nang “pink” na natitira.
- Mag-ingat sa pagkain ng mga karne na nabibili sa mga buffets o barbecues dahil madaling kumalat ang bacteria sa mga pagkaing walang takip lalo na sa mga nakalagay sa mainit na environment.
- Iwasang kumain ng processed meats tulad ng burgers, hotdogs, at deli meats.
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay matapos humawak sa mga hilaw na karne.
- Tiyaking nakahiwalay ang mga hilaw na karne sa mga pagkaing ready-to-eat na.
4. Junk foods
Mahalaga ang pagkain ng buntis ng mga healthy at sagana sa nutrients na pagkain. Kailangan ito para sa safe at magandang development ni baby sa kaniyang tiyan.
Pagpatak ng sedong trimester ni mommy, kailangan niyang makakuha ng 350 calories sa isang araw ay 450 calories naman pagsapit ng third trimester niya.
Gaya ng payo ng mga magulang natin noong bata pa tayo, walang sustansiyang hatid ang mga junk food. Ito’y mataas sa calories, sugar at added fats.
Bigo nitong punan ang pangangailangan ni baby. Ang mabilis na pagtaba ng buntis ay isang dahilan din ng komplikasyon at sakit katulad ng gestational diabetes.
Kaya naman mas magandang kumain ng meals na mayaman sa protina katulad ng gulay, prutas at iba pa.
Mga bawal na pagkain sa buntis: Bakit nga ba kailangang iwasan ito? | Image from Unsplash
5. Isda na may mataas na mercury content
May mga benepisyo sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.
Ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackerel o tile fish. Kapag mas malaki umano ang isda ay may mataas din ang mercury content nito.
Inaabisuhan ng American Food and Drug Administration ang mga buntis na huwag kumain ng mga sumusunod na isda:
- Swordfish
- King Mackerel
- Shark
- Tilefish
- Marlin
Nirerekomenda naman ng Food and Drugs Administration na ligtas na kumain ng mga sumusunod na seafood hanggang 12 ounces per week:
- Catfish o hito
- Pollock
- Salmon
- Shrimp o hipon
- Canned light tuna
Iwasan ang pagkain ng raw fish at shellfish na hindi masyadong luto o hindi maayos ang pagkakaluto. Ibig sabihin iwasan muna ang pagkain ng sushi habang ikaw ay buntis. Pati na rin ang refrigerated smoked seafood.
6. Street foods
Isa sa mga pagkain na dapat iwasan ang street foods. Ito ay dahil hindi mo alam kung gaano katagal na itong luto at kung maayos ba ang pagkakaluto rito. Isa pa ay mataas ang tsansa na makakuha ka ng food-borne diseases sa mga street food.
Larawan mula sa Shutterstock
7. Unwashed produced
Pinaaalalahanan ng mga eksperto ang mga expectant mom na maaaring makasama sa kanilang pagbubuntis ang pagkain ng mga prutas na hindi pa nahuhugasan. May ilan kasi na pagkabili ng prutas sa palengke o super market ay agad na itong kinakain nang hindi pa hinuhugasan.
Ang balat ng prutas at gulay na hindi pa nahuhugasan o nababalatan ay maaaring contaminated ng iba’t ibang bacteria at parasites. Bukod sa Salmonella at Listeria, may iba pang uri ng harmful bacteria, ito ay ang E. coli at Toxoplasma.
Maaaring makontamina ang mga gulay at prutas anomang oras ng produksyon, mula sa pag-ani, proseso, storage, transportation, at hanggang sa pagtitinda.
Karamihan sa mga taong nakaranas ng Toxoplasmosis ay walang naranasang sintomas, habang ang ilan ay nakaramdam ng tila trangkaso sa loob ng isang buwan o higit pa.
Ang mga sanggol naman na naapektuhan ng Toxoplasma habang nasa sinapupunan pa na walang sintomas ng impeksyon pagsilang, ay maaaring magkaroon ng komplikasyon tulad ng pagkabulag o intellectual disabilities sa kanilang pagtanda.
Ang pinakamalala, ayon sa pag-aaral, mayroong maliit na porsyento ng mga sanggol na naimpeksyon ng nasabing bacteria na nagkaroon ng seryosong damage sa utak at mata pagkasilang.
Kaya naman, mahalagang hugasan nang maayos o balatan ang mga gulay at prutas upang matiyak ang kaligtasan ninyo ng iyong anak.
8. Papayang berde
Iwasan ang pagkain ng papayang hindi pa hinog o ‘yong kulay berde pa. Sapagkat maaari itong makapagpa-trigger ng early contractions sa buntis.
9. Cereals
Mainam naman ang cereals kadalasan sapagkat nagtataglay ito ng maraming fiber. Subalit dapat tignan ang mga ingredients na inyong bibilhin dahil baka mataas ang sugar content nito.
Kapag mataas ang sugar content nito ay baka makasama ito sa pagbubuntis at magdulot ng gestational diabetes. Kaya naman dapat maging mapagmatiyag sa mga bibilhing pagkain at ugaliing tignan ang contents at ingredients nito.
10. Processed foods
Ang processed food ay hindi mabuti para sa buntis dahil sa mataas contents ng asin, asukal, at kemikal. Ang labis na asin ay maaaring magtaas ng presyon ng dugo, habang ang sobrang asukal ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa timbang at diabetes.
Madalas ang processed food ay may mga additives, preservatives, at artipisyal na sangkap na maaaring magdulot ng alerhiya o sensitibong reaksyon sa mga buntis.
Ang processed food ay may mababang nutritional value. Mahalagang kumain ng malusog na pagkain tulad ng prutas, gulay, whole grains, lean protein, at mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral para sa tamang paglaki ng sanggol sa sinapupunan.
11. Herbal tea
Ang herbal tea ay maaaring bawal sa buntis dahil maaaring maglaman ito ng mga halamang gamot at iba pang mga sangkap na hindi ligtas para sa pagbubuntis.
Maraming uri ng halamang gamot na maaaring magdulot ng mga epekto sa pagbubuntis tulad ng pagdami ng gas sa tiyan o pagdudulot ng iritasyon sa tiyan.
Maaari rin itong magdulot ng mga hormonal changes na maaaring makaapekto sa pagbubuntis. Kaya naman para sa healthy pregnancy ay iwasan ang pag-inom ng herbal teas.
12. Canned foods
Sapagkat ang mga ito ay maaaring maglaman ng kemikal na tinatawag na Bisphenol A (BPA), na maaaring makaapekto sa hormonal na balanse ng katawan.
Ang BPA ay maaaring magdulot ng mga posibleng epekto sa kalusugan ng buntis at ng sanggol sa sinapupunan. Bukod dito, ang ilang canned foods ay maaaring may mataas na level ng sodium, na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo at iba pang mga komplikasyon sa kalusugan ng buntis.
Mababa rin ang nutritional content ng ilang canned foods, kaya’t mas mainam na kumain ng sariwang pagkain na mas malusog para sa pagbubuntis.
Bukod sa pag-iwas sa mga pagkaing makasasama sa buntis, mahalagang kumain din ng masustansyang pagkain ang expectant moms. Importante ito para matiyak ang maayos na kalusugan ng buntis at ng baby.
Narito ang mga pagkain na dapat kainin ng buntis:
- Whole grains – mayaman sa fiber, vitamin at plant compounds.
- Dairy products – Kailangan ng buntis ang protina at calcium. Ang pagkain ng cheese, yougurt, gatas at iba pa ay makakatulong sa health ni mommy at baby.
- Kamote – Naglalaman din ang kamote ng beta carotene, fiber at Vitamin A na kailangan ni baby sa kaniyang development.
- Eggs – isa sa tinuturing na go to food ang itlog. Ang isang itlog ay naglalaman ng 80 calories at mayroon itong fat, vitamins, minerals na mataas rin sa protina.
- Leafy greens – Ang mga gulay na ito ay naglalaman ng calcium, iron, folate, potassium, fiber, vitamin C, vitamin K, vitamin A.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan at Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!