Mga buntis mas at risk ang kalusugan kapag mainit ang panahon

Mga buntis mas at risk ang kalusugan kapag mainit ang panahon

Narito ang epekto ng mainit na panahon sa buntis.

Ano ang epekto ng mainit na panahon sa buntis? Bakit nga ba sinasabing mas nagiging delikado ang kanilang kalagayan sa tuwing umiinit nang sobra ang panahon?

Epekto ng mainit na panahon sa buntis

epekto-ng-mainit-na-panahon-sa-buntis

Image from Freepik

Ayon sa pag-aaral, nagiging masama ang epekto ng tag-init sa buntis dahil sa risk ng dehydration. Kapag mainit, mas maraming tubig ang kailangan ng ating katawan. Sabi rin ng doktor, maraming komplikasyon na maaring mag-ugat sa dehydration.

Mayroong pag-aaral na nagsasabing ang mga buntis na nakararanas ng hyperthermia sa kanilang six to eight weeks ng pagbubuntis ay nagkakaroon ng babies na may brain o spinal cord defect.

Nakukuha ang hyperthermia sa lagnat na dahilan ng sobrang init na temperatura. Gayunpaman, importanteng tandaan na sa early pregnancy lamang naka-focus ang pag-aaral na iyon. Wala pa namang naitala na mga nanay na nagka-hyperthermia sa kalagitnaan ng kanilang pagbubuntis at nagkaroon ng komplikasyon.

Ang isang normal na tao ay nangangailangan ng maraming water intake tuwing mainit. Ang isang buntis, dahil sa mga pagbabago sa kanyang katawan ay nangangailangan ng doble.

Paano malalaman kung dehydrated

epekto-ng-mainit-na-panahon-sa-buntis

Image from Freepik

Isa sa mga sintomas ng dehydration sa buntis ay pagkahilo. Nagiging delikado ito dahil kung sakaling mahimatay ang buntis, makakasama ito para sa baby.

Kakaiba rin na contractions ang dala ng dehydration para sa buntis kaya naman sinasabing para kang magle-labor kapag dehydrated. Kaya naman sa ganitong panahon, importante na uminom nang uminom ng tubig.

Ang normal na intake naman ng tubig sa buntis ay dapat na 10 to 12 glasses daily.

Stillbirth cases mas mataas sa maiinit na lugar

epekto-ng-mainit-na-panahon-sa-buntis

Image from Freepik

Napag-alaman na mas mataas ang kaso ng stillbirth sa mga lugar na maiinit. Ito ay dahil na nga sa mga komplikasyon na nakukuha at nag-uugat sa dehydration.

Kung maari ay maligo ng hanggang dalawang beses sa isang araw at mag-stay sa kumportableng lugar kung saan hindi gaanong tirik ang araw o mainit ang singaw.

Ayon sa mga eksperto, “it adds to the growing body of literature that suggests that pregnant women and their fetuses are vulnerable populations following ambient heat exposure. During heat advisory warnings, pregnant women should be included as a vulnerable subgroup for extra precautions.”

Iba pang komplikasyon na dulot ng tag-init

Bukod sa dehydration, karamihan ng mga buntis na nae-expose sa init ay nakararanas din ng melasma. Ito naman ay isang skin condition kung saan magkakaroon ng mga brown at gray na pigmentation sa iyong balat. Kadalasan ay sa mukha ito nakikita.

Upang maiwasan naman ito, dapat ay iwasan ang direct sunlight at mag sunscreen para maprotektahan ang iyong mukha sa UV rays.

Dahil mas maraming tubig ang kinakailangan kapag buntis, mapapansin din ang pagkamaga ng iyong ankles o bukong-bukong at daliri sa kamay at paa. Ito naman ay dahil sa build up ng liquid na napupunta sa katawan ng buntis.

Ang mga ito naman ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili. Dobleng pag-iingat lamang din, lalo na ngayon na umaabot hanggang 40 degrees celcius ang heat index sa Pilipinas.

Ito ay lubhang nakababahala kaya naman mabutihing uminom lagi ng tubig.

 

Source:

LiveScience, NCT UK

Basahin:

Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner