17 bagay na ipinagbabawal sa mga buntis

17 bagay na ipinagbabawal sa mga buntis

May mga ilang bagay na dapat iwasan o ipinagbabawal sa mga buntis, ayon sa mga doktor at medical specialists. Ano nga ba ang mga ito?

Kapag buntis ka, maraming iba’ti bang bagay na bawal sa buntis. Sapagkat delikado ang kalagayan mo at dalawa ang buhay na inaalagaan mo, kailangang may masusing pagsasaliksik, pagtatanong sa mga eksperto at paninigurado kung ano ang dapat iwasan o tuluyang iwaksi para masigurado na hindi maaapektuhan ang sanggol sa iyong sinapupunan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga ipinagbabawal sa buntis
  • Dahilan kung bakit ito pinagbabawal sa mga buntis
  • Payo sa mga buntis

Para sa isang panimulang listahan at impormasyon, narito ang ilang mga bagay na dapat mong iwasan kung ikaw ay buntis.

Anu-ano ang mga bawal sa buntis?

1. Masahe

Pangunahing pinagpapaliban ng mga OB GYN ang pagpapamasahe kapag buntis. May mga masahe na ginagawa ng mga propesyonal at eksperto dito, at may sadyang uri ng masahe para sa mga buntis. Kapag buntis hindi lahat ng masahe ay ligtas para sa isang babae. Lalo halimbawa sa unang trimester at huling trimester, at sa bandang tiyan o abdomen.

2. Acupuncture

Ang acupuncture naman ay sinasabing ligtas din kung gagawin ng isang qualified acupuncturist na may training at karanasan lalo sa mga buntis. May mga acupuncture points kasi, tulad ng sa pagmamasahe, na hindi pwede para sa mga buntis.

Kung may planong magpa-acupuncture dahil sa nararamdamang pananakit o pagod, ikunsulta muna ito sa iyong doktor at sabihin ang lahat ng impormasyon, bago gawin ito.

3. Pag-aalaga ng pusa

May tinatawag na toxoplasmosis, isang karaniwang impeksyon na nakakaapekto sa mga ibon at iba pang hayop, kasama na ang tao. Ang parasite na tinatawag na Toxoplasma gondii ay makikita sa mga dumi ng pusa o sa tinatawag na cat litter na nakontamina na ng dumi ng pusa na infected na.

Mababa ang posibilidad na magkaron ng toxoplasmosis. Subalit kung magkaroon nito sa unang trimester, may panganib na malaglag ang bata. O di kaya’y magkaron ng brain damage o pagkabulag. Maaaring makuha ito sa pagpapalit ng cat litter at pagbubungkal ng lupa sa garden. Lalo’t walang gloves at hini nakakapaghugas ng kamay ng mabuti. Ang mga karaniwang sintomas nito ay mataas na lagnat, sore throat at pananakit ng mga muscles. Kaya naman ipinagbabawal sa mga buntis ang pag-aalaga ng pusa.

4. Mga produktong panglinis (sa bahay)

mga bawal sa buntis

Mga bawal sa buntis. | Image from iStock

May ilang mga produkto sa bahay na bawal at kailangang iwasan ng mga buntis. Nagtataglay kasi ito ng toxins na nakakasama sa isang babaeng nagdadalang-tao. Tignan ang mga produktong binibili at tignan ang toxins levels nito at toxic substance nito. Iwasan ang may matataas na toxins level.

Ang mga produktong tulad ng moth balls at toilet deodorant cakes ay karaniwang may taglay na naphthalene, na nakasasama sa katawan o kalusugan. Kapag nakasinghot ng maraming naphthalene, makakaramdam ka ng fatigue, walang ganang kumain, pagkahilo, pagsusuka at diarrhea.

5. Mabigat na ehersisyo

Mabuti ang naidudulot ng pag-eehersisyo para sa ating kalusugan. Subalit kapag buntis na ang babae kinakailangan na ikonsulta sa doktor kung anong ehersisyo ang maaari gawin na hindi makakasama sa iyong pagbubuntis.  Makakatulong din ang pag-eehersisyo kapag ika’y manganganak na.

6. Fake tan, at pampaputi ng balat.

Nakakasama sa buntis ang hatid na kemikal ng mga tanning cream o tanning products. Gayundin ang mga pampaputi na iniinom. Sensitibo kasi ang balat ng isang babae kapag buntis. Ayos naman ang paglalagay ng lotion na may kasamang whitening subalit minsan kasi nagkakaroon ang buntis ng allergic reaction mula rito.

7. Pangkulay ng buhok o hair dye

mga bawal sa buntis

Isa sa mga bawal sa buntis ay pagpapakulay ng buhok.

Maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay na masama ang mga kemikal sa hair dye na maaaring magdulot ng panganib sa isang buntis. Kung maaari iwasan muna ito habang buntis para sa kaligtasan ni baby sa loob ng iyong sinapupunan.

8. Pintura

Iwasan muna ang pagpipintura ng bahay. Sapagkat nakakasama ang amoy nito sa buntis. Alamin pa ang iba pang impormasyon patungkol sa epekto ng amoy ng pintura sa buntis, i-click ito. 

9. Sauna o jacuzzi

Isa rin sa mga bawal sa buntis ay ang sauna o jacuzzi. Wala namang nagsasabing may dala itong panganib sa buntis. Subalit mas mabuting iwasan muna ito kapag ika’y buntis. Maaari kasing mahilo o ma-dehydrate ka agad. Ang mainit na temperatura ng katawan ay maaari ring maging sanhi ng ilang birth defects. Nakakaapekto ang mainit na temperatura sa development ng iyong sanggol kaya iwasan muna ito. 

BASAHIN:

13 beauty products na bawal sa buntis

#AskDok: Bawal ba ang instant noodles o pancit canton sa buntis?

3 na toxins sa environment na nakakasama sa buntis

10. Huwag magpa-X-ray

Hangga’t maaari, huwang mapa-x-ray kahit dental x-ray pa ito kapag buntis. Mapanganib ang radiation para sa mga buntis kaya isa ito sa mga bawal para sa kanila. Maaari itong magdulot ng birth defects sa sanggol, at problema sa physical at mental development. 

11. Bawal kainin ng buntis

May ilang mga pagkain na dapat iwasan at huwang munang kainin ng mga buntis. Maaari kasing makaapekto sa kanilang sanggol ang mga pagkain ito at magdulot ng problema sa kanilang pagbubuntis. Para sa karagdagang impormasyon basahin ang mga pagkaing dapat iwasan ng mga nagbubuntis, i-click ito. 

mga bawal sa buntis

Mabuting kumain ng masustansiyang pagkain ang buntis. | Image from freepik

 

12. Iwasan muna ang caffeine o kape

Ang caffeine ay stimulant at diuretic—ibig sabihin ay ang pag-inom ng kape ay maaaring makapagpataas ng blood pressure, heart rate, at pag-ihi at pagdumi. Kahit na sanay na si mommy sa kape, si baby ay hindi—at hindi ito mabuti sa kaniyang paglaki sa sinapupunan. Hindi pa kasi fully developed ang metabolism niya.

13. Huwag basta basta uminom ng gamot.

May mga gamot na masama para kay baby, tulad ng ilang pain reliever, lalo na mga antibiotic. Ikunsulta sa iyong doktor ang lahat ng gamot bago inumin.

14. Itabi muna ang mga sapatos na may takong, lalo na mga stilettos.

Ipinagbabawal sa mga buntis ang pagsusuot ng matataas na sapatos na may takong. Kaya naman iwasang magsuot ng mas mataas pa sa 2-inch ang takong. Mas mabuti kung puro flats lang, flip flops at running shoes ang gagamitin habang buntis. Habang lumalaki ang tiyan, ang center of gravity mo ay nagbabago. Kaya’t maaaring mas off balance ka at baka bigla ka na lang matumba o matisod, at mas malalala—matapilok. 

17 bagay na ipinagbabawal sa mga buntis

Mga bawal sa buntis. | Image from freepik

15. Lumayo sa mga naninigarilyo

Masama ang paninigarilyo para kay baby, at kasingsama din ang secondhand smoke, o usok na nasisinghot mula sa mga naninigarilyo sa katabi o paligid. May tinatayang 4,000 kemikal ang taglay ng secondhand smoke, at ang ilan dito ay konektado sa cancer.

Ang exposure dito habang buntis ay maaaring maging sanhi ng pagkalaglag ng bata, premature delivery, low birth weight, learning o behavioral issues sa paglaki ng bata, at sudden infant death syndrome.

16. Iwasan ang pagtayo at pag-upo ng matagal

Ipinagbabawal sa mga buntis ang labis na pagkapagod. Katulad na lamang ng matagal na pag-upo o pagtayo.

Ang pananatili sa iisang posisyon ng matagal ay hindi makakabuti sa isang buntis. Ito ang sanhi ng pamamaga o pamamanas ng mga binti, paa at sakong, pati problema sa mga ugat. Gumalaw-galaw kung ikaw ay nasa opisina o sa bahay. Kapag nakaupo, itaas ang mga paa paminsan-minsan. Lumakad-lakad kapag napapansin mong halos isang oras ka na nakaupo. O umupo, kung nakatayo ka na ng higit sa 30 minuto.

17. Huwag paniwalaan lahat ng naririnig, nababasa at nakikita sa mga palabas sa TV

Maraming mga impormasyon na makakalito na para sa iyo habang tumatagal. Tandaan lang na ang iyong doktor ang may maipapayong sakto para sa iyo dahil siya ang nakakakita ng kalagayan mo. Mas mabuti na rin ang nag-iingat, kaysa mapahamak, lalo na kung nasa delikadong panahon ng pagbubuntis. Wala namang mawawala kung ipagpapaliban muna ang mga nakasanayan nuong bago magbuntis, at maghintay ng panganganak bago bumalik sa mga ito.

Patuloy na magbasa, ngunit piliin ang mga artikulo na may basehang medikal at hindi mga personal na opinyon lamang. Walang masama sa pagbabasa ng mga karanasan ng ibang ina, ngunit huwag itong gawing tanging source ng impormasyon. Tulad ng paulit-ulit na payo, ikunsulta ang lahat ng tanong tungkol sa iyong pertikular na pagbubuntis sa iyong doktor. Ang artikulong ito, halimbawa ay nagbibigay ng mga pangunahing impormasyon na makatutulong sa mga nagbubuntis na maging ligtas at mapanatiling malusog ang iyong katawam sa kritikal na panahong ito ng iyong buhay.

 

Sources:

Mayoclinic, pregnancybirthbaby, DOH

The Pregnancy Countdown Book: Nine Months of Practical Tips, Useful Advice, and Uncensored Truths ni Susan Magee  (Author), at Kara Nakisbendi M.D. (Contributor)

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner