Tamang pagtayo at tamang pag upo ng buntis, narito kung paano dapat ayon sa isang OB-Gynecologist.
Mababasa sa artikulong ito:
- Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo sa buntis?
- Epekto nito sa development ng sanggol
- Tamang pag-upo at pagtayo ng isang buntis
- Tips para sa mga buntis
Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo sa buntis?
Marami sa ating mga Pilipina ang patuloy na nagtatrabaho kahit buntis na. Ito ay upang matutustusan ang pangangailangan ng pamilya at ang darating na panganganak. O kaya naman ay dahil sa hindi maiwan ang isang bagay o trabaho na nakasanayan na nating gawin.
Mayroon din namang mga soon-to-be na mga nanay na bagaman nasa bahay ay sila pa rin ang gumagawa ng gawaing bahay. Hindi maiiwasan rin na parating nakatayo kapag nagluluto, naglilinis, at nagpa-plantsa. Para naman sa mga naglalaba ng de-kamay, hindi rin maiiwasan na nakaupo ng matagal.
Bagamat mahalaga na manatili paring active ang isang babae sa pagbubuntis, isang pag-aaral ang nakapagsabi na ang pagtatrabaho ng mahabang oras ng isang buntis ay nakakaapekto sa development ng kaniyang sanggol. Lalo na kung ang kaniyang trabaho ay nagre-require sa kaniyang tumayo o magtrabaho ng matagal.
Business photo created by senivpetro – www.freepik.com
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Erasmus Medical Center sa Netherlands. Sa pagsasagawa ng pag-aaral ay inalyze ng mga researchers ang growth rate ng mga sanggol na ipinabubuntis ng 4,600 na babae. Sa tulong ng ultrasound ay narito ang naging findings ng kanilang pag-aaral.
- Ang mga buntis na may trabaho na nangangailangang tumayo ng matagal ay mayroong sanggol na mas maliit ang ulo ng 1 sentimetro o 3 percent mula sa average na head circumference ng isang sanggol.
- Natuklasan din ng pag-aaral na ang mga babaeng buntis na nagtatrabaho ng higit sa 25 oras kada linggo ay mas magaan ng 5-7 ounces kumpara sa average weight ng mga baby na ipinanganak ng inang hindi nagtratrabaho ng higit sa 25 oras.
Maaari itong makaapekto sa development ng sanggol, ayon sa isang pag-aaral
Ayon sa analysis, ang mga differences sa growth ng sanggol na ito’y naitala ng mga researcher mula noong sa 3rd trimester pa lang ang pagbubuntis hanggang sa maipanganak na ang ipinagbubuntis na sanggol.
Maliban sa mga ito, narito ang dagdag na findings ng ginawang pag-aaral.
- Ang pagtatrabaho ng mga babaeng buntis ng higit sa 25 oras kahit ito ay physically demanding hindi naman nagpataas ng tiyansa nila na makaranas ng preterm birth. O magsilang ng sanggol na may mababang birth weight na nasa 5.5 pounds pababa.
May isang hiwalay na pag-aaral rin ang nakapagsabi na ang mga babaeng nagtatrabaho ay may mababang tiyansa na makaranas ng komplikasyon sa pagbubuntis. Ito’y kung ikukumpara sa mga babaeng walang trabaho at nasa bahay lang.
Kaya naman mula sa resulta ng pag-aaral, payo ni Dr. Jill Rabin isang OB-Gynecologist, maaaring ipagpatuloy ng isang babaeng buntis ang kaniyang pagtatrabaho. Basta ang kailangan lang ay dapat iwasan niya ang masyadong tumayo ng matagal. Ganoon din ang pag-upo ng matagal.
BASAHIN:
#AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?
Pangangasim ng sikmura ng buntis, paano maiiwasan?
#AskDok: Totoo po ba na nagbabawas ng dugo kapag buntis kaya may spotting?
Tamang pagtayo at tamang pag upo ng buntis
Coffee photo created by freepik – www.freepik.com
Ganito rin ang payo ni Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gynecologist ng Makati Medical Center, nang makapanayam siya ng theAsianparent.
Paliwanag ni Dr. Reyles, ang matagal na pagtayo ay masama sa buntis. Sapagkat maaring magdulot ito ng pamumuo ng dugo sa kaniyang binti.
Ang kondisyon na ito ay tinatawag na deep vein thrombosis. Ang deep vein thrombosis o DVT kapag hindi naagapan ay maaaring mapunta sa baga o lungs ng buntis na nakamamatay.
Kaugnay nito, narito ang paliwanag ni Dr. Reyles tungkol sa kondisyon at kung paano ito maiiwasan.
“Prolonged standing increases the pressure of the blood vessels in the lower extremities especially the veins—and that would be bad. It’s not good for those who have a tendency na magkaroon ng deep vein thrombosis o ‘yong namumuo ‘yong dugo sa binti.
So, it’s better that you are constantly walking than staying still in one place or sitting motionless masama din. Kailangan naglalakad rin it helps with your blood circulation.”
Dagdag pa niya, maliban sa matagal na pagtayo, masama rin na matagal na nakaupo ang buntis. Dahil pinipigilan rin nito ang tamang sirkulasyon ng dugo sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Ayon kay Dr. Reyles, ito ang tamang pag-upo ng buntis.
“Hindi maganda. You should be standing up once in a while, walk around then sit again. Kagaya ng advice in long air travels, you should move your legs forward and backward then sideways. That will make your muscles in your legs move and it will help your blood circulation. It prevents deep vein thrombosis.”
Iba pang tips at payo sa mga buntis
Computer photo created by freepik – www.freepik.com
Para naman sa mga buntis na nahihirapan sa weight o bigat ng kanilang dinadala ay ipinapayo rin ni Dr. Reyles ang paggamit ng mga belly bands. Ngunit dapat ay hindi ito masyadong mahigpit.
“Yes, it can help if such discomfort is masakit to the point that you cannot be functional it can help. But caution that it should not be too constricting to limit or restrict the circulation then. Huwag masyadong maghigpit.”
Maliban sa tamang pag-upo at pagtayo, payo pa ni Dr. Reyles ay dapat maging maingat rin ang mga buntis sa mga activities na kanilang ginagawa. Hangga’t maari ay dapat iwasan nila ang mga exercise o activity na kailangan nilang mamuwersa. Hindi rin dapat sila masyadong mapapagod at hihingalin.
“Any activity o exercise that makes you breathless that is bad. Anything, any exertion that makes you fatigue o something is aching stop na yun. Ayun yung masasama.”
Source: Live Science, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!